Na-late na ako ng gising kasi hindi ako ginising ng mga kaibigan ko. Pag pasok ko sa room namin nakita ko na agad silang puro tiktok, si Grace nakiki throw it back kahit ang tigas ng katawan, yung mga boys nag lalaro ng ML nag siksikan sa gilid.
Buti wala pang prof kung hindi confiscated lahat yan, tsk. Nag review nalang muna ako sa mga subject na i-eexam namin ngayon. Pumasok na yung prof namin, nahuli pa si Grace na hirap na hirap mag throw it back. Nag si balikan na rin yung mga kaklase ko sa kanya kanya nilang upuan.
Pinamigay na ng prof namin yung mga test papers kaya sinagutan ko na.
Shet. Wala naman 'to sa ni-review ko ah? Luh? Hindi ko alam sagot huhu.
"Pssst" sinitsitan ko si Grace.
"Sis! Grace huy!" Tawag ko pa sakanya. Sana lang wag ako mahuli ni prof huhu. Babagsak ako kasi hindi ko talaga alam ang sagot! "Grace! Anak ng buge!"
Napalingon sa'kin si prof kaya nagkunwari akong nagsusulat kahit pacircle lang yun. Nang hindi na nakatingin sa'kin si Prof tinawag ko ulit si Grace.
"Grace! Huy!" Nasa bandang likod kasi siya. Napalingon na rin siya sa'kin sa wakas. She mouthed 'ano'. I gestured number eight.
"Mukha bang alam ko?" Bulong niya rin. Napasimangot nalang ako. Patay bagsak.
"Paano ka nakakasagot kung hindi mo pala alam? Were friends naman sis. Sharing is caring huhu." Pagpapaawa ko. Umirap siya at sinabing B daw ang sagot. "Siguraduhin mong tama 'yan."
"Wow, ikaw na nga 'tong nagtatanong ng sagot. Ako pa may kasalanan?" Umirap nalang ako at nagsagot na.
Napakagat nalang ako sa kuko ko. Nag-aral ba talaga ako? Lumitaw ba lahat nung binasa ko yung mga yun? Bakit naman ganyan utak? Nasaan ba kasi utak ko? Nasa talampakan? Napasapo nalang ako sa noo ko.
Biglang may kumatok sa pinto kaya napalingon ako doon.
"Sir, pinapatawag po kayo sa Dean's Office."
Yes!
Tumango si Prof at lumabas na. Yes! Walang magbabantay sa'min. Yes!
Agad agad akong lumapit kay Grace, gano'n rin yung iba nag si lapitan rin sa mga may alam ang sagot. Nilapagko iyong test paper ko sa table ni Grace.
"Hoy anon-" hindi niya na natapos yung sasabihin niya kasi hinablot ko na iyong test paper niya at kinopya lahat ng sagot niya. "O sige sayo na. Hindi pa nga ko tapos gaga ka!" Hinampas niya ako.
"Thank you! You're so kind my frenny!" Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Kadiri ka Avy!" Pinunasan niya iyong pisngi niya. "You're not welcome." Umirap siya. Tumayo na ako para kumopya ulit sa iba. Hehe.
Teamwork.
Sabi nga ng iba "Sagot ng isa, Sagot ng lahat."
Bumalik na ako sa upuan ko at nagsagot na ng mga alam ko. Nasa last page na ako at may Essay! Ano ba yang essay na yan!
Bakit bilog ang mundo (10-20 sentences)
Iyan ang tanong. Napasapo nalang ako sa noo ko. Kasi hindi siya flat? Hindi kasi ako masyadong nakikinig ano ba yan!
Gusto ko tuloy isagot "kase pwet mo may raket" napailing nalang ako sa naisip ko. Bahala na! May natutunan naman ako sa klaseng ito. Mga katiting lang.
Natapos na 'yung exam namin. Nag si labasan na kami ng room namin, agad naman akong hinila ni Grace.
"O, bakit?" Hindi siya nag salita at hinila ako sa cafeteria namin.
"Anong gagawin natin dito?" Umupo na kami sa isang table.
"E'di kakain, bobo ka?" Napailing nalang ako. Umalis na si Grace, bibili na yata ng pagkain. Nilabas ko nalang yung librong binabasa 'ko. Napatingin ako sa nag lapag ng tray, napataas ang kilay ko. Anong ginagawa ni Lucas dito?
"Pre, dito tayo!" Napatingin ako sa nag sabi, dalawa silang lalaki at may isang babae, tinatawag yata si Lucas.
"Gusto ko dito." Lumingon si Lucas doon. Umupo na rin siya.
"Ayt, may napupusuan, ang landi talaga!" Sabi nung isa pa niyang kaibigan.
"Doon ka daw." Sabi ko sakanya, tumingin lang siya sa'kin ng blanko.
"Gusto ko nga dito." Matigas na sabi niya. E'di d'yan ka. Patayo palang ako, hinawakan niya na yung pala-pulsuhan ko. Napatingin ako doon at napataas ng kilay.
"Upo." Umupo nalang ulit ako. Pucha para 'kong aso. Napatingin ako sa may gilid ko ng makita si Grace, hila hila siya ng isang lalaki, wews. Nilabas ko yung phone ko para ma-text si Grace.
Autumn:
Hayop kang malanding higad ka iniwan mo ko d2 pakyu!!!!!Gigil 'kong sinend 'yon sakanya.
"Kain ka muna." Napatingin ako kay Lucas, napataas na naman kilay ko, baka mamaya umabot hanggang langit kilay ko sa kakataas. Nilapag niya sa tapat ko ang isang kanin na merong fried chicken. Diet ako. Ayoko.
"Ayoko, diet ako." Sabi ko sakanya, at ano bang pakialam niya sa'kin? Nung isang araw bastos tapos ngayon feeling jowa?
"Eat." Hindi ko alam kung bakit kumain ako bigla, aso na talaga ako, shet. Naramdaman 'kong nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito.
Grace:
Welcome :>Anong reply yan? Napailing nalang ako. Nakita 'kong lalapit sana sa'kin si Nixa pero umiwas siya, nakangiti pa ang gaga. Umupo lang siya sa katabi naming table, pinapanood kaming kumain. Tinaasan ko nga ng middle finger. Nag flying kiss siya sa'kin. Ang sakit na ng ulo ko sa mga 'to. Nakita 'kong na nag pop out yung name ni Nixa sa screen ko.
Nixa:
Eatwell bb baka mamaya kama na bagsak niyan witwiw ninang agad ako ;*Autumn:
Pakyu talaga kayo ni Grace!Nag reply agad si Nixa.
Nixa:
Ayaw mo non? May jowa kana, wag ka ng mahiya sis ask for it na!Ang sarap talagang iuntog ni Nixa sa pader. Kainis! Tumingin ako saglit sakanya, habang siya nakangisi.
Autumn:
Ang bastos nyo talaga kahit kailan balakangajan!Binaba ko na yung phone ko ng padabog.
"What's wrong?"
"Pakialam mo?" Crush yata 'ko nito e. Napairap nalang ako.
"Sorry." Napataas ang kilay ko. Ba't 'to nag so-sorry? Huminto siya sa pagkain at tumingin sa'kin.
"Sorry nung isang araw."
"Yun lang pinunta mo dito? E'di sana hiningi mo nalang number ko para i-text." Napairap ako. Napakunot yung noo niya. Kinuha ko muna yung tumbler ko para maka-inom
"Then, what's your number?" Tanong niya. Bigla akong nasamid sa iniinom ko at nanlaki ang mata ko. Pati panga ko bumagsak na sa sahig. Did he just asked for my number?!
![](https://img.wattpad.com/cover/225068271-288-k83759.jpg)
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
RomantikAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...