13

74 18 28
                                        

"Sino yan?" Tanong ni Lucas sa 'kin habang kausap ko parin.

"Avy, sino kasama mo d 'yan?"

"Uhm... someone po." I said.

"Sinong someone 'yan Avy? Is it one of your close friends?" Umiling ako.

"Ji, text ko nalang sa 'yo." Before he could talk i ended the call. Nakakunot ang noo ni Lucas sa 'kin.

"Who were you talking to?" Ngayon nakataas na ang kilay. Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at tinext kay Ji ang location ko.

"Hey.."

"What?" I asked.

"Who was that?"

"Later na." Sabi ko ng dumating na 'yung pagkain. Halatang naiinis si Lucas dahil hindi ko sinagot ang tanong niya. Nag seselos ba siya? Why would he? Naku!

Hindi pa namin ginagalaw ang pagkain namin dahil titig na titig siya sa 'kin na parang may hinahanap sa mata ko.

"Are you jealous?" I asked and chuckled. Nakakatuwa naman!

"What if the answers yes?" At ayon na nga bumungisngis na ako sa kakatawa. "Why are you laughing?" Umigting pa ang panga niya. Nako talaga! Haha! Nakakatuwa.

"Alam mo nakakatuwa ka! Haha!" I started laughing again. Sumimangot lang siya at nag simula ng kumain habang ako'y tawa parin ng tawa.

Natigil lang ako sa pagkakatawa ng may tumawag sa 'kin.

"Autumn," he called and looked at Lucas. Nakakunot ang noo nito. Humarap si Lucas sakanya.

"Nandito kana pala Eiji." I kissed his cheek. Then he caressed my head.

"Eiji, Eiji mo mukha mo d 'yan. Mas matanda ako sa 'yo." Irap niya. Hay nako! Si kuya talaga! Kita ko parin ang pagka lito ni Lucas.

"And who's this, Avy?" He asked and examined Lucas.

"Lucas." He handed his hand to kuya.

"Eiji." Ayun at nag shake hands na sila. Parang nagaaway pa sila sa mata. Kaya nagsalita na ako ng mag bitaw sila.

"Uhm.. Lucas, ito si Kuya Eiji. Kapatid ko. Kuya Eiji, si Lucas, kaibigan ko." Ngiti ko. Halatang nagulat si Lucas ng sabihin kong kapatid ko si Kuya Eiji! Haha!

"Ikaw ha, bunso. Sigurado ka bang kaibigan yan? Baka ka-ibigan?" Hinampas ko si Kuya sa dibdib at tumawa lang ito.

"Ikaw talaga kuya!" Tumawa kang ito. Umupo na kami.

"Paano ka napunta dito sa tagaytay, Kuya?" I asked. Umorder narin siya ng pagkain niya.

"Binibisita ko yung isang company natin."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Nag sisante kasi ng madami yung boss, wala namang ginawa yung mga employee's kundi mag trabaho. Kaya ayun siya sinesante ko." Umirap siya at uminom ng tubig. Tumango nalang ako at sumubo konti ng pagkain.

"Pauwi na daw si Eric."

"Talaga?!" Kuminang ang mata ko ng narinig ko ang pangalan niya!

"Oo. Hindi nga lang alam kung anong petsa dadating." Sabi niya. Excited na ako! Napatingin naman ako kay Lucas at nakitang kumunot nanaman ang noo nito.

Kuya cleared his throat para makuha ang atensyon ni Lucas.

"Kailan pa?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Kuya. Anong kailan pa? Nag kibit balikat lang si Lucas. Napailing si Kuya.

"Avy, pag sinaktan ka neto sabihin mo sakin, reresbakan ko yan."

"Kuya!" Sinuntok ko siya.

"Biro lang. Pero pag sinaktan ka talaga, sasapakin ko 'to. Sisirain ko mukha mo boy!" Napakamot nalang ng ulo si Lucas.

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon