04

80 30 23
                                        

Natahimik sila sa sinabi ni Lucas. Hindi ko alam pero may kumirot sa dibdib ko na ewan.

"Uhh, cr lang ako." Paalam ko at dumiretso sa cr ng resto. Humarap ako sa salamin. Ano 'yun? Bakit niya pinunasan ang bibig ko kung wala namang ibig sabihin?! Hindi ko naman siya kasintahan o ano. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Hindi ko talaga maintindihan ang kirot sa dibdib ko. Wag naman, ayokong umasa. Naghugas ako ng kamay at lumabas na. Pag balik ko sa table namin, tahimik lang silang kumakain. Kaya bumalik na rin ako sa pagkain ko.

Natapos na kaming kumain. Nag ambagan nalang kami sa bill, kasi ayaw naman ng boys na libre. Nag sitayuan na kami at lumabas na ng resto.

"Thank you for joining us in dinner." Ngiting sabi ni Nixa. Buti pa siya masaya. Ngumiti sakanya si Marcus.

"Gusto niyo bang sumabay sa amin?" Tanong ni Marcus. Umiling nalang ako.

"May dala akong kotse." Sabi ko.

"Ah sige ingat kayo!" Sabi ni Marcus. Nag lakad na kami.

"Ingat ka Autumn." Narinig kong sabi ni Lucas.

"Ingat ka rin Lucas." Ngiti ko ng tipid. Dumiretso na kami sa parking lot at sumakay na.

"Hoy, ba't bigla kang naging malungkot d'yan?" Tanong ni Grace. Ewan ko rin e. Nag kibit balikat nalang ako.

"Weekend naman bukas. Uuwi ako sa bahay namin." Sabi ni Grace, tumango lang ako.

"Same!" Masiglang sabi ni Nixa. Ako nanaman ang matitira sa condo namin. Bihira lang akong umuwi sa amin, kasi madalas wala ang family ko. Busy sa mga bussiness nila.

Bumaba na ako ng kotse, ganon din sila Grace. Pumunta na kami sa may elevator para makaakyat na sa floor namin.

Pumasok na kami sa loob ng condo at agad kong sinalampak ang sarili ko sa sofa namin.

"Wag ka namang bigla biglang dadagan d'yan! Hindi naman ikaw ang bumili!" Sita sa'kin ni Grace. Umayos ako ng upo.

"Let her. Badtrip yan, kasi diba kanina kay Lucas." Napairap ako sa sinabi ni Nixa. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis or what. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sofa at dumiretso sa banyo para mag shower.

Nag skin care na rin ako at other stuff. Pumunta na ako sa kwarto namin. Isa lang yung kwarto namin pero malaki siya kaya kasya kaming tatlo doon. May tatlong bed naman e. Humiga na ako sa higaan ko at kinuha ang phone ko.

Nacurious ako sa identity ni Lucas kaya inistalk ko siya sa facebook. Pinindot ko yung profile niya at nag swipe swipe ng mga old profiles niya. Napahinto ako sa isang picture na wala siyang saplot sa taas. Gosh! May abs siya! Ang sarap naman.

Mga 4 packs yung abs niya pero noong 2018 pa 'to, hindi ko na alam kung ilan ngayon, sana nadagdagan. Char. Ang pose niya sa picture ay nakahawak sya sa buhok niyang basa, at nakatingin sa ibang direksyon. Sa beach ito kinuha. Ang sarap namang ulam nito. Habang pinagnanasahan ko siya ay aksidente kong napindot ang like!

"Puchang gala!" Napasigaw ako. Nataranta ako kaya agad kong inalis ang like!

"Tangina, wag sana mag notif, please, please. Huhu."

"Hoy ano yan?" Tanong ni Grace.

"Aksidente kong na-like yung picture ni Lucas na walang damit pangitaas." Namilog yung mata niya.

"Patingin!" Lumapit siya sa'kin at inagaw agaw ang cellphone ko pero hindi ko binigay.

"May Zach kana!" Napatigil siya sa ginawa niya at umirap. Bumalik na siya sa higaan niya at nag cellphone ulit.

Vinisit ko naman instagram niya, last time kasi hindi ko nakita yung amount ng followers niya.

Aceoflucas
2 posts - 2570 followers - 25 following.

Ay e'di wow. Nahiya yung 700+ followers ko. Tsk. Ganoon rin naman ang profile niya kagaya sa fb. Nagulat ako ng finofollow niya pala ako! What the fvck?!

"NIXA! SINABI MO BA IG ACCOUNT KO KAY LUCAS?!" Sigaw ko kay Nixa na nasa itaas ko. Bunk bed kasi 'to eh.

Sumilip siya. "Kind of." Sabay piece sign niya.

"Walangya kang gaga ka!" E'di nakita niya mga pictures ko sa account ko?! Nag tingin tingin ako sa notifications ko sa IG kasi hindi ko masyadong tinitignan. Nag scroll scroll ako ng makitang nilike ni Lucas ang isa sa mga old pictures ko! Hayop!

Kumakain ako ng ice cream at lagpas lagpas pa! Omay! Bumalik ulit ako sa notifications, nakita kong nag comment pa siya!

Aceoflucas: cute.

Comment niya sa nakanguso kong picture. At ano? CUTE?! Biglang bumilis tibok ng puso ko. Shet tumigil ka heart. Wag. Tinignan ko kung kailan niya cinomment yun at nakita kong 20 mins ago.

Bumalik ulit ako sa account niya at finollow back na siya. Sino ba naman ako? Ha? Finollow na nga ako ni crush, aangal pa ako?

Oo na. Crush ko na. Halata naman e.

"Sabi ng kachat ko sa telegram, show your boobs daw. E'di pader ipapakita ko?" Natawa si Grace, pati rin kaming dalawa ni Nixa natawa. Medyo flat chested kasi si Grace, medyoooo lang. :)

Bumalik ako sa ginagawa ko. Gusto kong i-dm si Lucas. Matapang naman ako e. Kaya keri yan! Active naman siya e.

Auviycortz: Ba't ka nag comment sa picture ko? Crush mo 'ko no?

Hindi siya nag reply pero active. What the? Pumunta 'kong fb at nag friend request. Agad naman niyang inaccept, so dito siya active? Machat nga.

Autumn Cortez: hoy! Hindi ka sumagot sa dm ko!

Typing siya.

Lucas Dela Rosa: ??

Anong question mark, question mark yan?

Autumn Cortez: wag ng mahiya, alam kong crush mo 'ko!

Sinend ko sakanya 'yon. Odba taas ng confidence ko.

You can't reply to this conversation. Learn more.




:p

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon