Hinatid niya na ako sa condo ko. Baba na dapat ako sa kotse kaso nagsalita siya.
"Hatid na kita."
"Wag na. Ayan nalang naman oh." Turo ko sa tapat namin. Umiling siya. Problema nito? Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan niya ako. Bumaba na ako.
"Sure ka? Ang lapit lapit nalang naman e." Napakamot ako sa ulo ko. Tumango lang siya. Hay, bahala na.
Naglakad na ako papasok ng condo at sumakay na sa elevator, naka sunod lang naman siya. Magsasara na dapat iyong elevator kaso may humarang na kamay. Nagulat ako sa daming pumasok sa elevator!
Isa, dalawa, tatlo- Anim?!
Ngayon nakasiksik sa'kin si Lucas. Nakaharap siya sa'kin. Gosh! Napatingin nalang ako sa kaliwa kahit wala naman akong tinitignan. Magkalapit ang katawan namin! Nakakulong rin ako dahil ang dalawang kamay niya ay nakasuporta sa dingding ng elevator.
Napaka awkward ng situation namin ngayon. Kailan ba baba itong mga ito? Nanatali akong nakatingin sa kaliwa habang siya'y nakatingin parin sa'kin. Hindi ko alam pero unti unting nag init ang pisngi ko.
Landi! Lubayan mo ako! Hindi ngayon ang tamang oras para lumandi!
Idagdag pa 'tong bwiset na tugtog sa elevator.
"Pinasok ko and boy walang daplis. At ang sabi niya sa'kin ahh..."
Ano ba namang klaseng tugtugin 'tong meron yung elevator. Mahiya naman kayo sa situation namin huhu. Banyo Queen ba naman iyong tugtog. Huhu.
At sa wakas nag si babaan na silang lahat! Kaya napaayos narin si Lucas. Agad kong kinuha yung phone ko para matignan ang sarili. Halos mahiya ako ng makitang pulang pula ako! Nasa 10th floor pa yung unit ko! E nasa 5th palang kami! Dali dali kong tinago yung phone ko at sinuklay ang buhok.
Baka naman gusto nilang patayin iyong tugtog 'no? Napaka awkward talaga!
Nakahalukipkip lang ako dito nang mag salita siya.
"Sorry." Napakamot siya sa ulo niya at tumingin sa'kin.
"Wala yun. Ayos lang na sumiksik ka sa'kin." At doon nag sink sa'kin kung gaano ka-ano ang sinabi ko! Dumagdag pa nga ang awkwardness sa atmosphere!
Napa kagat nalang ako sa labi ko dahil sa mga kung ano anong lumalabas sa bibig ko! Walangya yan! Kailan ba kami makakalabas dito? Bakit parang ang tagal?!
Malapit na.
Anak ng! Kanina Banyo Queen yung kanta tapos ngayon Neneng B na?! Ilabas niyo na ako rito! Please!
"Boom parang Neneng B ang kanyang katawan..."
Ako yung nahihiya sa mga kalaswaang tugtugin nila e! Mukha ba kaming mag se-sex?! Napasapo nalang ako sa noo ko. What the heck am i thinking?!
Ano ba 'tong mga pinagiisip ko! Wala pang kami! Bata pa ako! Ayoko pa mag kaanak! At sa wakas bumukas narin ang pinto ng elevator! Nakahinga narin ako ng maluwag. Lumabas na ako at sumunod lang siya.
Huminto na ako sa harap ng unit ko at humarap sakanya.
"Uhm.. nandito na tayo. Pwede ka ng umalis." Pinaglaruan ko yung dalawang daliri ko.
"Pasok ka muna sa loob." Ngiti niya sa'kin.
"Hindi! Alis ka muna."
"Tss. Pasok ka muna."
"E! Alis ka muna."
"No. I'll wait for you to go inside, then i'll go." In-english na nga ako. Umiling ako. Magsasalita na sana siya kaso bumukas yung pintuan ng unit ko.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
RomanceAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...