05

90 29 33
                                    

Blinock ako?! What the?! Grabing attitude naman no'n! Pasalamat nga siya may nag kaka-crush sakanya. Hayst! Napairap nalang ako sa hangin. Bumaba si Nixa sa higaan niya.

"Ano nangyari? Ba't mukhang gigil na gigil ka d'yan? Namatay ka nanaman ba sa Tower Of Hell sa Roblox?" Nakakunot na tanong ni Nixa.

"Hindi." Sabi ko.

"E'di ano?"

"Binlock lang naman ako ni Lucas." Napairap ako at umupo sa higaan ko.

"Ay weh?!" Sumali na si Grace sa usapan namin. Tumango nalang ako.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Nixa.

"Sabi ko kasi wag na siyang mahiya, alam ko namang crush niya 'ko." Napasapo ako sa noo ko. Anong kagagahan ba kasi ginawa ko?

"Ha?"

"Anong ha? Bingi ka b-"

"Haliparot." Sabay tawa ni Grace. Binato ko yung malaking unan, ayun sapul sa mukha niya.

"Ay pikon, haha!" Sabi ni Grace.

"Ay walang dede, Haha!" Sabay tawa ko rin.

"Fuck you ka."

"Love you too." Nag flying kiss ako sakanya pero binigyan niya lang ako ng middle finger, ang saket no'n ha. Ako pa pikon n'yan ha? Lumabas na si Nixa ng kwarto. Siguro natatae yun. Napailing nalang ako.

Humiga na ulit ako, nag tingin ulit ako ng mga ibang posts, ng makaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.

* * *

Kinabukasan, pag gising ko wala na yung dalawang bruha. Siguro umuwi na sila. Since wala naman akong masyadong gagawin. Nag jogging muna ako at pumunta na rin ng Gym para maka pag exercise.

Pumunta ako sa treadmill at tumakbo. May tumabi sa'kin pero hindi ko pinansin. Nakasuot kasi ako ng Airpods, nakikinig ng music ng Ben&Ben. Tumigil na ako sa pag takbo. Tinanggal ko na rin yung Airpods ko. Saka ko lang nakita yung tumabi sa'kin.

"Lucas?" Napatingin siya sa'kin ng marining niya ang pangalan niya. Bakit siya nandito? Sinusundan ba 'ko nito? Bakit kung saan ako mag punta nandoon din siya? What the heck?

Dumagdag pa yung ginawa ko kagabi, sus maryosep! Dapat pala hindi ko nalang siya tinawag kasi baka kung anong sabihin niya sa'kin dahil doon sa chinat ko kagabi sakanya. Gosh, nakakahiya talaga!

"So you have a crush on me?" Nabigla ako sa tanong niya.

"Ha? Wala no! Ano ka ba!" Nag fake laugh tuloy ako pero parang halata dahil umiling siya.

He murmured something pero hindi ko narinig. Kasi masyadong mahina.

"Hindi ko sinasadyang ma-block ka."

"Ay! Okay lang 'yon." Tumawa ulit ako. After nun hindi na kami nag pansinan kasi nag exercise na kami ng kung ano-ano. Nung tapos na ako ay nag shower na ako. Lumabas ako ng nakasuot ng off shoulder na blue with black ripped jeans. Inayos ko na rin yung buhok ko ng pa bun.

Halos sabay lang kaming lumabas ni Lucas. Nakasuot siya ng fitted white tshirt and blue shorts. Bumakat tuloy ang biceps niya and yung abs niya. Parang nadagdagan. May improvement! Dati 4 ngayon 8! Omg ang sarap na ng ula-

"Why are you staring?" Nabalik ako sa katinuan ng tanungin ako ni Lucas. Nahuli niya 'kong pinagnanasahan siya! Another day, another kahihiyan. Nako!

"A-Ano? Ako nakatingin? Hindi no."

"If you say so." Nag kibit balikat lang siya at umalis na. Ako naman naiwan dito. Nahuli niya nga 'kong nakatingin, huhu. Dapat sinulit ko na! Dapat tumingin ako sa baba kung may bakat! Hays!

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon