15

74 8 62
                                    

"Ay ang lalandi! Wala namang label! Ew!" Parinig ni Grace sa'min. Taas kilay ko siyang nilingon. Bigyan niyo na nga 'to ng love life! Hays.

"Ano ba 'yan Babe! Nandito naman ako! Ligawan mo na kasi ako. haha." Umakbay sakanya si Zach kaya natawa kaming lahat.

"Leche!" Padabog na inalis ni Grace yung pag kakaakbay sakanya ni Zach. Bumalik na siya sa ginagawa niya habang pinagtatawanan siya ni Zach.

Bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Nag ayos ako ng kailangan i-ayos, naka sunod naman sa'kin si Lucas. Humarap ako sakanya ng nakataas ang kilay.

"What?"

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Bakit hindi?" Balik tanong niya, napairap nalang ako.

"Kailan nga birthday mo?" Tanong niya sa'kin habang nag aayos ako ng mga kahon dito. Nagkibit balikat nalang ako. Napakamot naman siya sa ulo niya. Naka sunod lang talaga siya sa'kin.

"Anong gusto mo sa isang manliligaw?" Napaharap ako sakanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Like... do you want flowers?" I tilted my head a bit, uso pa 'yon? I never received any flowers to anyone. Kahit yung mga past relationships ko, walang nag bigay sa'kin. Wala akong alam sa mga flowers, flowers na 'yan.

"Ugh... not really..." i said. Tumango lang siya.

Naglakad ako patungo sa cr ng court, naiihi ako. Binuksan ko na iyong pintuan at bago ko pa man masara, nakita ko nanaman si Lucas. Bakit naka sunod 'tong isang 'to?

"Papasok ka rin?" I smirked.

"Pwede?" Napasimangot ako. Anong problema ngayon ni Lucas? He's not his usual self.

"May sakit ka ba?" I touched his forehead. Nataranta siya at agad na umatras.

"W-Wala."

"Sure ka?" Naninibago lang ako sa asta niya. Tumango siya kaya sinara ko na 'yong pintuan, nilock ko narin.

I was minding my own bussiness when a cockroach flew.

"Inay ko po!" Napasigaw ako. Takot ako sa ipis! Nag madali na akong mag flush. Natataranta akong pumunta sa pinto at pipihitin na sana yung doorknob ng mag landing do'n yung puki ng inang ipis sa kamay ko!

"AAAAAAAHH!" Sigaw ko. Winasiwas ko sa ere iyong kamay ko! Agad akong pumunta sa lababo at nag hugas ng kamay. Habang yung ipis nag lilipad.

Parang may magagawa naman yung tubig, ginawa ko itong weapon, binasa basa ko yung ipis! Hindi parin siya na lunod?

Tinanggal ko na yung rubber shoes ko para mapalo ko do'n sa ipis. Nagdahan dahan akong lumapit doon sa gilid ng salamin, papaluin ko na sana kaso lumipad nanaman!

Hindi ko na nakita yung ipis kaya lumabas na ako ng cr.

"Ano-" naabutan ko si Grace sa labas, nagulat ako sa ginawa niya!

Pinalo niya sa ulo ko i'yong dala-dala niyang bag.

"Hoy ano ba?!"

"May ipis sa ulo mo tanga!" Sigaw niya sa'kin.

"TANGGALIN MO, PUTA KA!" Dire-diretso akong lumapit sakanya. Ginamit niya iyong kamay niya para ipitik iyong ipis palayo.

"Ayan wala na." Napahawak ako sa ulo ko, yuck...

"Amuyin mo nga buhok ko," lapit ko sakanya.

"Amoy imbornal, amputa." Takip niya sa ilong niya, hinampas ko siya.

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon