Inupo ako ni Lucas sa isang bed dito sa clinic. May lumapit namang Nurse sa'min.
"Anong nangyari?" Tanong ng Nurse.
"Na- sprain po yata." Sabi ko sabay turo do'n sa ankle ko. Tumango naman yung Nurse. Pa'no ako makakalaro nito. Huhu.
"Hindi ka kasi mag ingat. Tss." Napatingin ako kay Lucas. Kailan pa 'to natutong umirap? Umirap rin ako no.
"Ba't ba concern na concern ka sa'kin ha? Ilang days palang tayong mag kakilala, ano ba kita? Jowa?" Umirap ako sakanya.
"Do i need to be your 'Jowa' before i worry?" Umirap nanaman.
"Tatanggalin ko talaga 'yang mata mo. Irap ka ng irap, dukutin ko 'yan e!" Tumingin lang siya sa'kin.
"You're cute when you're pissed." Ha? Kailangan ko pa mainis bago maging cute? Edi lagi nalang akong maiinis, charot. Sapakin ko 'to, pinapakilig ako e.
"You're blushing," He chuckled. Mas lalo lang yata akong namula. Umiwas ako ng tingin. Ba't pati pag tawa niya ang sexy?! Lalo akong nahuhulog e, char. Ang landi ko, ako pa ba? Char.
Nabalik ako sa katinuan ng lumapit ulit yung Nurse na may dalang yelo. Pinalagay niya sa'kin yun sa may ankle ko.
"Pahinga ka muna. Hindi ka pwedeng mag laro kasi baka lumala 'yan. Mga ilang days pa mawawala 'yan." Sabi ng Nurse sa'kin. Lumungkot tuloy yung mukha ko. Hindi ako makakalaro ngayong year. Huhu. Tumango ako at iniwan na kami dito.
"Kailangan ko na ba ng saklay nito?" Natatawang tanong ko sa sarili ko.
"What? Hindi naman 'yan pilay." Tumingin ako sakanya at umirap. Kinakausap ko yung sarili ko tapos siya yung sasagot? Bumaba ako sa higaan at pag tapak na pag tapak ko, kumirot.
Punyeta 'to.
Nahawakan naman ni Lucas yung bewang ko.
Pota wala na, talo na.
"Alam mo namang hindi mo kaya, pinipilit mo pa. Tss." Nakahawak parin siya sa bewang ko. Ba't ba ang gwapo niya. Huhu. Sarap halikan, charot.
Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya napagmasdan ko ng mabuti ang kanyang mukha. Ang hahaba ng pilik mata niya, sana all! Charot lang. Ang ikli kasi nung akin, bakit gano'n?Huhu. Nakita ko rin ang Brown eyes niya. At bakat na bakat pa yung jawline niya. Sumisilay rin yung dimples niya. Gosh. Hindi ko na kaya.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
"Are you done scanning my face?" He smirked. Napaayos ako ng tayo. Parang nawala bigla yung sakit ng ankle ko. Pucha. Umupo ulit ako do'n sa higaan at nilagay yung yelo do'n sa ankle ko.
"I'll grab some water." Tumango ako bago siya lumabas ng clinic. Abala lang ako dito sa pag gamot ng ankle ko gamit ang yelo. Kumikirot kirot pa ito. Bakit ko kasi nabend? Pucha.
Kakabalik lang ni Lucas dala- dala yung tubig. Inabot niya naman sa'kin 'yun. Nilapag ko muna yung yelo sa tabi para makainom ng tubig. Nagulat ako ng lumuhod si Lucas sa harapan ko at kinuha yung yelo para malagay sa ankle ko. Mabubuga ko 'tong tubig na nasa lalamunan ko e. Kala ko kase "Will you marry me" na. Charot.
"Don't mind me." He said. Sinara ko na yung tubig at pinagmasdan ulit siya. He has this broad shoulder na bumakat talaga sa P.E. unifrom namin. Lagi ka na nga lang mag P.E.! Joke lang pero sana, charot lang ulit.
"Mahilig ka ba sa sports?" I asked, bringing some topic to lessen the awkwardness between us.
"Not much." He said and looked at me. 'Yung mata niya nakakatunaw! Sarap niyang titigan.

BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
RomanceAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...