06

77 30 33
                                        

"O e'di ano gagawin natin?" Tanong ko sakanya. Umuwi nalang kaya ako? Wala naman siguro siyang balak kumain d'ba?

"Uh... eh... uwi nalang ako." Akmang tatayo na ako ay hinila niya yung palapulsuhan ko kaya napatingin ako doon. Nakakunot ang noo.

"Bakit?" Tanong ko. Bumalik nalang ulit ako sa pagkakaupo ko.

"Let's just eat, i guess." Tinaas niya yung kamay niya para makakuha ng pansin ng isang Waiter. Binigay ng Waiter yung menu kaya nag tingin na kami ng makakain.

Nag taas ulit ng kamay si Lucas kaya pumunta ulit yung waiter. Nagsasabi lang si Lucas ng gusto niyang iorder, sinusulat naman 'yo ng Waiter.

"That's all, Sir?" Tumango si Lucas. Tumingin naman sa'kin yung Waiter. "E itong Girlfriend n'yo po? Anong order mo Ma'am?" Nagulat ako sa sinabi ni Waiter. Ako Girlfriend?! Hindi nga e.

"Uh.. hindi niya 'ko Girlfriend." Ngiti ko sa Waiter.

"Ay hindi ba? Akin nalang!" Napatingin ako sakanya, bakla?! "Syempre, joke lang! Baka mawalan ako ng trabaho, haha. Baka sabihing hinaharass ko Boyfie mo, gwepe pe nemen. So ano na nga order mo Ma'am?" Tumingin ulit siya kay Lucas na nakagat labi pa. Tapos tumingin ulit sa'kin.

Tinuro ko yung isang dish sa menu. Tumango naman siya. Nirepeat niya lahat ng inorder namin.

"That's all?" Tumango kami. Nakatingin lang si Waiter kay Lucas.

"Anything else?" Lumingon si Lucas kay Waiter.

"Ay owemji, no mor na paps! Alis na aqouh, ba't kase eng gwepe me, enebe yen, swerte mo girl! Pag nag break kayo, akin na yan, osige, kunin ko na order niyo para makakain na kayo. Enjoy hihi." Tumakbo na siya papunta sa kusina nila. Ha?! Swerte 'ko? Hindi ko pa nga jowa 'to e! So bagay kami kung gano'n?

Ligawan mo na kasi ako!

Ang awkward naman namin. Ano bang pwedeng topic? Ang tagal kasi nung pagkain, grr! Sa huli wala rin akong naisip na topic kaya nag IG nalang ako. Nag titingin lang ako ng story ng makita ko yung story ni Lucas.

May picture ng plato pati yung mga utensils. May nakita rin ako medyo maliit na text, nakalagay na 'Dinner date with Her'

Her? Sino 'yon? Tinignan ko kung kailan niya ito inistory at nakalagay 10 mins ago. So ako yung Her? Ayaw ko mag assume no.

"May Boyfriend ka ba?" Napatigil ako sa pagtitingin ng story niya ng mag salita siya, napatingin ako sakanya.

"Meron." Napakunot ang noo niya.

"Sino?" Nagtatakang tanong niya.

"Ikaw." Kiligin ka please. Tumango lang siya, hindi ba 'to kinikilig? Jusko naman oh! Sayang banat ko!

"O, e'di ikaw? May Girlfriend ka ba?" Tanong ko habang naka cross arms. Hmp. Tampo ako. Tsk.

"Meron." Napataas ang kilay ko. Sino naman? Yung bakla? Ay hindi, Boyfriend tawag dun.

"Sino naman?!" Super taas kilay kong tanong.

"Ikaw." Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin ako. Tumahimik nalang ako. Hindi ko alam kung ano i-rereact ko e. Nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko.

"Joke." Pahabol niya pa. Paasa amputa.

From: Haliparot ng Bayan :*

Nixa: anyare na?

Grace: makikichismis lang

Me: ang awkward.

Sabi ko. Agad naman silang nag reply.

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon