11

73 21 29
                                    

"Gaga, ba't tulala ka diyan?" Kalabit sa 'kin ni Grace. Bakit ba? Nag da- day dream ako kay Lucas e. Humarap ako bigla kay Grace kaya nagulat si gaga.

"Ano ba?!"

"Sis, ano kasi..." pa'no ko ba sasabihin 'to?

"Spill mo na."

"Liligawan ako ni-"

"CORTEZ AND GARCIA." Sabay kaming napalingon sa prof namin ng tawagin kami.

"P- po?" Sabay na sabi namin.

"Get out." Aangal pa sana kaming dalawa pero ang sama na ng tingin. Lumabas nalang rin kami ni Grace.

"Ikaw, pahamak ka talaga." Paninisi ni Grace.

"Gaga, ikaw nag tanong. Sinagot ko lang." Umirap ako.

"Since pinalabas na tayo ni beksi prof. Ano na yung chismis? Hindi ko narinig kanina kasi bigla sumigaw si beksi." Sabi ni Grace.

"liligawan ako ni Lucas pero hindi pa ako pumapayag."

"Weh?"

"Oo."

"Hindi yan biro?"

"Hindi nga." Umirap ako at naglakad na.

"AHHH!! Yes! Yes! Yon oh! May jowabel-"

"Shh..." may sumilip na prof kaya tumahimik kami.

"Dapat pumayag kana! It's time to shine na girl!" Ang ingay naman nito.

"Ang ingay ingay mo talaga!" Kurot ko sakanya.

"Pake mo?" Irap niya. "Na c- cr ako. Una ka na muna do'n sa tamabayan natin." Tumango ako at lumabas na ng building.

Habang naglalakad nakasalubong ko si Michelle. Babatiin ko sana kaso umirap at nilagpasan lang ako.

Problema nun?

Hindi ko nalang pinansin at nag tuloy tuloy nalang sa paglalakad.

Biglang may humila ng buhok ko.

"Aray!" Hawak ko sa buhok ko. Lumingon ako sa nanabunot at nakitang si Michelle. Is that the way of her greeting people? Kailangan sabunutan ko rin siya?

"Yes?" Kunot noong tanong ko sakanya.

"Layuan mo si Lucas." Sabi niya. Huh.

"Ha?" Nakita kong umirap siya. Problema nito? Nanabunot na nga, may gana pang umirap? Ikot ko siya 360° e.

"Are you bingi ba? I said layuan mo si Lucas." Irap niya ulit.

"Conyo ka?"

"What?"

"Conyongina mo." Sabay irap ko rin. Tatalikod na sana ako ng hilahin niya nanaman buhok ko.

Ano ba 'to? Kamay lang laging gamit?! Ba't hindi siya magsalita? Parang gago naman 'to

"Ano bang problema mo ha? At nanabunot ka d'yan?" Tinanggal ko yung kamay niya sa buhok ko at tumingin sakanya.

"Ikaw."

"So?" Irap ko.

"Wag mo nga 'kong ikutan ng mata." Sabi niya at umirap lang ulit ako. Kitang kita ko sa mukha niya na inis na inis na siya. Ano ba kasing problema niya ha?! Naglalakad lang ako dito tapos bigla niyang hihilahin yung buhok ko.

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"Kung may problema ka sa 'kin, idaan mo sa maayos na usapan hindi yung mananabunot ka ng hindi ko alam ang dahilan."

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon