03

121 32 35
                                        

Hindi pa siya natinag, inabot niya pa sa'kin yung phone niya. Nag dalawang isip pa ako kung ibibigay ko ba talaga number ko. Una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, hindi ko siya close. Nag kakilala lang naman kami dahil sa pag payong niya sa'kin, so bakit ko ibibigay? Magsasalita na sana ako ng kinuha ni Nixa yung phone ni Lucas. At nag pipindot doon. Hayop na 'to.

"Ayan, yan yung number ni Avy." Ngiti niya at binalik na yung phone ni Lucas. Tumango naman si Lucas. Sasapakin ko talaga 'to e. May lumapit na lalaki sa table, ito yata yung kaibigan ni Lucas kanina.

"Pre, nakita mo si Zach? Bumili lang ako ng pagkain tapos pag balik ko si Michelle nalang nandoon." Napakamot ito sa batok niya habang nakatingin kay Lucas, umiling naman si Lucas. Napatingin naman samin yung kaibigan ni Lucas, to be exact kay Nixa.

"Ah. Hi, Miss!" He handed his hand to Nixa. Tinanggap naman ni Nixa yun. Ngumiti si Nixa doon sa kaibigan ni Lucas. Na love at first sight yata 'to kay Nixa. Sabagay, kahit saan naman mag punta yan si Nixa may nag kakagusto agad.

"Ako nga pala si Marcus." Ngiti ni Marcus kay Nixa. Sinuklian naman ito ni Nixa. "May i know yours?" Kindat nito kay Nixa.

"Just call me Nixa." Ngiti ni Nixa kay Marcus. Hanggang ngayon mag kahawak parin ang kamay nila. Napansin yata yun ni Nixa kaya nag bitaw na sila.

Nakita ko na rin si Grace kasabay yung kaibigan rin ni Lucas. Ha?! Ba't mag kasama sila? Siya ba yung humila kay Grace?! Anong meron?

"Uh, una na ako." Paalam ko sakanila at agad na pumunta kay Grace. Sinabunutan ko nga.

"Saan ka galing?!" Tanong ko kay Grace. Agad namang sumigaw si Marcus.

"HOY ZACH PARE, BAKIT MAY KASAMA KANG BABAE, SINO YAN HA, JOWABEBS MO? HA SINO YAN?!" Tanginang bunganga yan. Kanina ang hinhin kay Nixa tapos ganyan pala bunganga niyan? Halos rinig sa buong cafeteria. At an0? Ito yung hinahanap niyang kaibigan?

"Pinagpalit mo na ako kagad? Kapalit palit ba ko? Anong pagkukulang ko? Sagutin mo 'ko!" Madramang sabi ni Marcus. Nag wipe pa siya ng fake tears niya. Bakla ba 'to?

"Kailan kita naging Jowa? At sino yung sinsabi mong jowa ko?" Patay malisyang tanong ni Zach.

"Nahurt ako doon," Humawak pa siya sa dibdib niya. Umayos na si Marcus. "Bobo, nasa tabi mo lang kamo yung
babae." Hindi naman ako yun kasi nasa harapan ako ni Grace. Parang gulat na gulat yung mukha niya na hindi maintindihan. Ano bang nangyari? Gumilid ako saglit.

Napatingin si Zach sa gilid niya at nakita niya si Grace na nakatingin sa ibang direksyon. Naningkit ang mata ko sakanilang dalawa, ano bang meron?! Nanlaki ang mata ko ng umakbay si Zach kay Grace. Gulat rin ang reaksyon ni Grace.

"Ah ito? Oo, jowa ko." Natatawang sabi ni Zach. Gago? Si Grace naman parang naestatwa lang doon. Napa taas ang kilay ko kay Grace. Ano? Boyfriend niya 'to? Pero nagsasabi naman si Grace pag may Boyfriend 'to e. Feeling naman yata nitong Zach.

Nakagalaw na si Grace kaya umalis siya sa pagkakaakbay ni Zach. Humarap si Grace kay Zach.

"EXCUSE ME? KANINA LANG AY HINALIKAN MO 'KO NG WALANG DAHILAN TAPOS SASABIHIN MONG BOYFRIEND KITA? ANO KA BALIW? NAKASHABU KABA? NAG DROGA KA?" Nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Grace. Napatakip tuloy ako sa tenga ko. Nag sisigaw pa si Grace ng mga kung ano ano. Natatawa lang sakanya yung Zach. Naghalikan sila?!

Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon