"Confidential?...." - Celia.
"Kayong apat, at kaming dalawa lang ni Ms. Helen, tayong anim lang ang dapat na makaalam nito" sagot ni Arvin at nagsalita agad si Vann.
"Kung confidential ang mission na gagawin namin-- ang ibig sabihin sobrang mapanganib 'to?"
Tumango si Arvin "Gusto kong imbistigahan niyo ang biglang pagkalaho ng mga Clairvoyant sa Vidre"
"Inataki ng mga Absaar ang Vidre--" putol ni Arvin kay Vann.
"Pero walang iniwang bakas ang mga Clairvoyant"
Tumahimik ang paligid. Dumaan ang tingin sa'kin ni Arvin bago siya nagsimulang maglakad papunta sa table ni Ms. Helen.
"Hindi lang matatalino ang mga Clairvoyant, mas advance ang oras nila kaysa sa'tin. Alam nila ang ilang parte ng hinaharap. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Vann, Karim--" at bumalik ang tingin niya kay Vann "dahil nakasama niyo sa mission ang Prinsipe-- isa sa mga Clairvoyant"
Sarili mo ba tinutukoy mo...
"Anong gusto mong malaman?" - Leerin. Lumipat kaagad sa kanya ang tingin ni Arvin.
"Kung paano sila naglaho at kung nasaan na sila ngayon"
"Paano-- paano kung wala na sa mundong 'to ang hinahanap mo?" - Vann.
"Malaki ang chance na kontrolado na ni Bayron ang mga katawan ng mga Clairvoyant na hinahanap mo" sabi pa ni Celia.
"Hindi. Sa 17 thousands na Absaar, wala ang mga katawan ng mga Clairvoyant" - Arvin.
"Paano mo namang malalaman na hindi isang Clairvoyant ang napatay mo? Kikilalanin mo pa ba kung sino at anong pangalan ng Absaar na nasa harap mo?" medyo nagiging sarcastic na sabi ni Vann.
"H'wag mong sabihin na pumapatay ka ng hindi mo kinikilala kung sinong pinapatay mo?" at lalong bumigat ang atmosphere sa paligid.
"Oy Karim, bat ang tahimik mo? Wala ka bang tanong?" biglang pagpunta sa'kin ng attention ni Celia.
"Kayo lang naman ang maraming tanong.... " at napaiwas ako ng tingin.
Hindi lang ang kinabukasan ng East Ground at Abarca ang nakasalalay sa mission na 'to-- kung hindi ang kinabukasan ng buong mundo.
"Absaar ang huling umataki sa Vidre. Malaki ang connection ni Bayron sa mission na 'to, sigurado ka bang sa amin mo ipagkakatiwala ang napakabigat at napakadelikadong mission na 'to?" - Vann.
"Kayo ang nandito, kayo ang kausap ko ngayon. Kayo ang pinagkakatiwalaan ko"
"Paano kung tanggihan namin ang mission na 'to?"
Direct sa mga mata na tinignan ni Arvin si Vann, "Confidential ang mission na 'to, sa oras na tanggihan niyo ang mission na 'to, kinakailangan kong tanggalin ang mga nagkalat na ebidensya" at kahit ako nangilabot dahil sa sinabi niya.
"K-kaya mo talagang pumatay ng inosenteng tao?" halatang kinakabahang tanong ni Vann at lumitaw ang pilyong ngiti ni Arvin, "Inosente pa ba kayo? Nang oras na nalaman niyo ang tungkol sa mission na 'to, hindi na kayo inosente"
Mahirap kalaban sa debate si Arvin, Vann. Mababawasan lang lifespan mo sa ginagawa mo.
"Kailan ba ang simula ng mission?" tanong ko at nakuha ko ang attention nilang lahat, lalo na ang tatlo na bigla na bigla pa nang tignan ako.
"Oy Karim" pagpigil sa'kin ni Celia.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila at napakamot pa ako ng ulo dahil sa pagtitimpi, "Ano pa bang pinaglalaban niyo? Wala na rin naman tayong choice kung hindi ang tanggapin ang mission na 'to"

BINABASA MO ANG
Switched
FantasíaDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...