Paglabas ko palang ng bahay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante ng East High. Sanay na ako sa mga matang nakatingin sa'kin kaya hanggang sa makarating kami ng classroom ni Leerin ay wala akong naging problema.
Maliban sa isang babae,
"Woah, kilala mo pa ba ako, Karim?" pang-iinis ni Celia na inikot pa ang upuan niya paharap sa table ko.
"Bukod sa pangalan mo, wala na akong alam na bagay tungkol sa'yo. Nagka-amnesia ako, hindi ba?" pagbabalik ko naman sa kanya at hindi niya inaasahan 'yon.
"Haha! H'wag ang may amnesia, Celia" pang-iinis naman ni Eugene kay Celia na kumunot na ang noo.
"Ano bang meron, Celia?" kalmado at mahinang tanong naman ni Leerin na umupo narin sa upuan niya na sa tabi ko lang.
"Na-special mention lang naman ni Prince Peter si Karim at Vann kanina sa speech niya sa Abarca"
"Kanino mo naman nalaman 'yan?" tanong pa ni Eugene at inilapag ni Celia sa table ko ang isang newspaper na cover ay si Peter.
Matapos ko 'tong basahin ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanila. "So Karim, anong itsura ng mga Generals?" excited na tanong ni Celia.
Nang lingunin ko siya ang laki ng ngiti niya, "Mukhang tao?" mahinang sagot ko naman.
"Aah~ gusto ko rin silang makita sa personal"
"Bukas na ang punta nila dito sa East Ground, hindi ba?" tanong naman ni Leerin at may ngiting tumango-tango si Celia, "Mukhang kailangan kong magbeauty rest. Makikita ko na finally ang Generals-- oh my, makikita ko narin finally ang Captain"
Maging okay pa kaya siya kung malaman niyang si Karim Davila ang laman ng katawan ni Arvin Boreanaz?
KARIM'S POV
"Kinakabahan ka ba para bukas?" tanong ni Aliyah habang naglalakad kami sa corridor.
"Mas kinakabahan ako para kay Miguel" mahinang sabi ko naman na wala sa isip ko at nagulat nalang ako nang tumawa siya.
"Sorry, sorry. Hindi ko lang inaakala na makakapagbiro ka"
Ngumiti nalang ako dahil napansin ko na nawawala na ako sa character ko bilang Arvin Boreanaz.
Huminto kami saglit para buksan ang pintuan ng meeting room naming mga Generals. Pagkabukas ko, nakaupo na sa table si Miguel kasama si Leo.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Aliyah bago umupo.
"Sampong minuto na kaming naghihintay dito" sagot naman ni Miguel na parang walang interest sa pag-uusapan.
"Busy akong tao kaya tapusin na natin 'to ng maaga" at inilapag ni Leo ang apat na kumpulan ng papel.
"Ito ang hati ng bawat members na hawak natin. Aliyah, Platoon 1, Miguel 2, Arvin 3 at sakin ang 4"
Tinignan ko mga names ng hawak ko. At katulad ng inaasahan ko, sa'kin napunta si Arvin Boreanaz kasama si Leerin, Celia at Vann.
"Ilang araw magtatagal ang recruitment?" tanong ni Miguel.
"3 days with 2 days activities" sagot ni Leo.
"Anong gagawin sa mga mapipili?" tanong ko dahil wala akong alam sa mga bagay na ganito.
Nagamit ko naman ang kunwaring wala akong naaalala.
"6 sections, total of 228 students. Hindi natin maaaring pilitin ang mga estudyante na mag undergo ng mabigat na mga activities na malalagay sa peligro ang buhay nila, kaya naman ngayon palang susubukan na natin sila. Para sa mga mapipili, after ng taon nila na 'to, automatically enrolled sila sa program na hinanda natin para sa kanila habang ang hindi mga napili, ay mag-a-undergo ng special course at makakakuha sila ng chance in another year. At ang mga napili naman, kailangan nilang magtake ng mga requests and missions na ihahanda natin sa kanila" sagot ni Aliyah.

BINABASA MO ANG
Switched
ФэнтезиDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...