ARVIN'S POV
Dahil sa mga nangyari, hindi ako nakapagpahinga ng maayos.
Kasunod ng pagdaan ng hangin, napabuntong hininga ako.
Hindi ko nilingon ang isang presensyang nasa likod ko. "A-ano ka ba, Karim. Bakit hindi ka nagpapahinga sa kwarto mo?"
Kumuha ako ng lakas para lingunin si Leerin na habol-habol pa ang hininga niya.
"Leerin, nasaan tayo?" mahinang tanong ko dahil puro puno ang nasa paligid. At hindi kalayuan, ramdam ko ang nagtitipon na mga tao.
"Nasa East Ground parin tayo. Hindi kalayuan, nanduon ang Academy. Nandito lang tayo dahil sa camp"
East Ground... 200 kilometers ang layo namin sa Capital.
"Camp para saan?"
"Camp ng mga 2nd Year ngayon. Dahil 8 months from now, magsisimula ang recruitment ng mga warrior. Kailangang matest ang mga abilities ng mga 2nd Year"
Recruitment, si Leo ang naka assigned para dito. Magtatagpo at magtatagpo rin pala talaga ang landas namin.
Pero kailangan ko silang unahan.
"May activity ba ngayon?"
"Gusto mo bang manuod? Archery ang activity ngayon"
Archery... hindi ako interesado pero wala naman akong magagawa dito.
KARIM'S POV
"Hindi ka ba curious kung anong Unique Skill mo?" tanong ni Aliyah.
"Swordmanship, hindi ba?" at natigil siya saglit sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Hmm? Hindi mo nakalimutan?"
Wala akong nakalimutan, sadyang may mga bagay lang talaga na hindi ko alam at mga bagay na alam ko.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling sa pagkakaroon ng amnesia para pagtripan kami, Captain" at nilampasan na kami ni Miguel sa paglalakad.
"Okay lang bang wala ka sa kwarto mo?" tanong naman ni Leo na nasa likod narin pala namin.
Sinubukan kong ngumiti kasi nanginginig ang baba ko dahil sa sinabi ni Miguel at tumango ako, "P-pinayagan na akong maglakad-lakad"
"Mabuti kung ganuon"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad pero may isang tanong ang dumapo sa isip ko. "Ginagamit ko ang lahat ng klaseng weapon, p-pero bakit hindi ako gumagamit ng mga ranged weapon?"
Napansin ko ang malungkot na ngiti na nabuo sa mga labi ni Aliyah, "Dahil sa mga gray mong mga mata"
Nilingon niya ako, "Dahil malabo ang mga mata mo, Arvin"
Huminga siya ng malalim bago dugtungan ang sinabi niya, "Pero one time, nung time na nasa front line tayo. Niligtas mo ako gamit ang bow"
"P-paano?"
"Hindi mo man sila natatanaw, nararamdaman mo parin ang presensya nila. 'Yan ang reason na binigay mo sa'min" sagot ni Leo.
Nararamdaman ang presensya?
ARVIN'S POV
Ang nadatnan namin, naglalaban na ang 5 sections.
"Yo, Karim! Kanina mo pa pinag-aalala si Leerin" sigaw ni Celia na nakaupo sa isang upuan na sa tabi ay dalawang vacant chair.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
