CHAPTER 12: Greeting The Generals

28 3 0
                                    

KARIM'S POV

May ngiting tumango si Prinsipe Peter, "Nakatitiyak ako na walang mangyayari rito sa Abarca habang nasa East Ground kayo. At kung may mangyari man, magpapadala agad ako ng sulat"

"Mag-iingat kayo sa paglalakbay. Kayo na ang bahala sa mga bata ng East High" pagsunod ng Hari.

Sabay-sabay kaming yumuko at nagbigay galang sa Hari at Prinsipe bago kami umalis ng Abarca.

"Hanggat maaari sana, gusto ko na may maiwan na isang General sa Abarca, pero imposible naman dahil sa kundisyon ni Arvin" sabi ni Leo.

"Tapusin nalang natin 'to kaagad para makabalik tayo ng Abarca ng maaga" dugtong naman ni Miguel.

"Mukhang imposible dahil inataki ni Bayron ang East High at madaming nasira" napalingon kaming tatlo kay Aliyah.

"M-may mga nasaktan ba?" tanong ko naman.

"Fortunately walang namatay. May ilang estudyante lang na nasugatan dahil sa nangyari"

"Paano natapos ang laban? Dahil imposible na umalis si Bayron sa isang lugar na walang nakukuhang buhay" tanong pa ni Miguel.

"Napatay siya ng mga estudyante... kabilang ang estudyanteng naghatid sa Prinsipe dito sa Abarca" si Arvin...

"Kung namatay siya, magiging ligtas pansamantala ang Abarca" sabi naman ni Leo, "Bilisan na natin"

Sila Leerin, okay lang kaya sila?

ARVIN'S POV

Pagbukas ko ng pinto ng office ni Ms. Helen, sumalubong sa akin si Leerin na hawak ang isang kalapati.

Napansin ko naman ang isang papel sa paa nito.

"Magpapadala kayo ng sulat?" tanong ko.

"Hm. Kailangan ng tulong ng East Ground mula sa Abarca. Walang sapat na pera ang East Ground para masaayos ang unang building ng East High"

Dahil sa sagot ni Leerin medyo nakonsensya ako dahil hindi ko napigilan si Bayron at nagresulta ito ng pagkasira ng building ng East High.

"Bakit nakayuko ang ulo mo, Karim? May kalokohan ka bang pinagsisisihan?" may ngiting tinapik ni Ms. Helen ang balikat ko pagkapasok niya sa kwarto.

"Okay na ba ang sulat, Leerin?" tanong niya kay Leerin na tumango lang at sumenyas si Ms. Helen na pakawalan niya na ang kalapati, na ginawa naman kaagad ni Leerin.

Umupo si Ms. Helen sa upuan niya, "Okay na ba ang mga sugat mo, Karim? Ikaw ang mas napuruhan dahil sa nangyari"

Hinimas ko ang nakabandage kong sugat sa leeg at may ngiti kong nilingon si Ms. Helen, "Maghihilom din po 'to"

"Ang mga ala-ala mo, kamusta?"

Sinadya ko na umiwas ng tingin sa kanya, "Wala parin po akong naaalala..."

"Hmm, mukhang matindi ang naging aksidente mo kaysa sa inaakala ko"

Napalingon kaming tatlo sa biglang pagbukas ng pinto ni Celia, "La, nasa East Ground na po ang Generals"

Napabuntong hininga si Ms. Helen sa pagtayo niya.

"Sasalubungin natin sila. At isa pa, Celia" at marahan niyang hinampas si Celia "Tawagin mo akong Ms. Helen dito sa loob ng East High"

"Yes yes"

Naglakad na kami palabas ng office ni Ms. Helen para salubungin ang Generals.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon