CHAPTER 06: Peter Gilliard

38 4 0
                                    


ARVIN'S POV

"Sa dinami-rami ng estudyante dito sa East High, bakit ikaw pa" hindi ko nilingon si Vann at nanatili sa tabi ng isang kabayo.

"Hindi ka ba nakikinig kanina?" bulong ko naman.

FLASH BACK

"Kayong dalawa lang ang makakagawa ng mission na 'to" seryosong sabi ng matandang babae pagkaupo niya.

"Ang ihahatid niyo ay walang iba kung hindi si Prinsipe Peter Gaillard. Katatapos lamang niya sa sariling pag-eensayo mula sa malayong lugar, kasama ang ilang warrior. Pero nilusob ang camp na tinutuluyan nila at siya lang ang nakaligtas" hindi ko makuhang magtaka sa sinasabi niya dahil alam ko na kung saan papunta ang usap na 'to.

"Nasaan po ngayon ang Prinsipe, Ms. Hellen?" tanong ni Vann.

"Ano mang oras makakarating na siya rito sakay ng isang kabayo--" putol ni Vann.

"A-ang akala ko po ba ay galing siya sa malayong lugar?"

"Ang Unique Skill ng Prinsipe ay tinatawag na Clairvoyance. Nakita niya na ang pangyayari pero dahil sa kagustuhan ng mga warrior na mabigyan ng oras ang Prinsipe sa pagtakas, mas minabuti nila na maiwan sila para harangan ang mga kalaban"

Ang ibig sabihin, ngayon din mangyayari ang mission na 'to.

"Ano pong gusto niyong gawin namin?" tanong ko naman.

Inilabas ni Ms. Hellen ang isang libro. Binuksan niya ito at inilagay sa page ng isang skill, Conversion.

"Pag-aralan mo ang origin ng skill na 'to. Ikaw ang tatayong Peter Gaillard sa paglalakbay niyo" katulad ng iniisip ko.

"At ang Prinsipe?..."

"Tatayong Karim Davila" dumapo ang tingin niya kay Vann, "Protektahan mo ang Prinsipe, Vann. Kailangang maihatid niyo ang Prinsipe ng ligtas sa Abarca. Kung hindi niyo mapapanatili ang buhay ng Prinsipe, hindi rin mananatili ang buhay niyong dalawa"

"Hindi po ba parang napakarisky ng gusto niyong mangyari?" tanong ko kaya nakuha ko ang attention nilang dalawa.

"2nd year palang kami para sa napakabigat na mission na 'to. At ang isa pa, nakalimutan niyo na po bang kagagaling ko lang sa aksidente?"

Bumaba ang tingin niya matapos ng napakalalim niyang pagbuntong hininga.

"Sa lahat ng mga taong nandirito sa East Ground, ikaw lang ang may natatanging Unique Skill na makakatulong para sa mission na 'to. Pero bago magsimula ang mission, nais kong malaman kung handa mo bang isakripisyo ang buhay mo para sa Prinsipe. Sa oras na ikaw ang magpanggap biglang Peter Gaillard, mas malalagay sa panganib ang buhay mo"

"Ano man ang sagot ko, napagdesisyonan niyo narin po ang lahat, hindi po ba?" hindi ko napigilan ang ngiti sa labi ko matapos kong mapansin ang lungkot sa mga tingin ni Ms. Hellen, "H'wag po kayong mag-alala, hindi ako mamamatay at wala akong hahayaan na mamatay"


KARIM'S POV

"One step backwards, then block. One step forward, then attack" habang nagsasalita ako, sinusubukan kong gawin ang mga sinasabi ko pero parang may mali.

"Hmm, nag-eensayo ka?" sinilip ko si Aliyah na nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko na hindi ko pala nasara kaya naman kaagad kong pinalaho ang espadang hawak ko.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon