KARIM'S POV
"Sa pagsisimula ng araw ng enlistment, may hinanda ang mga General's upang mas malong ma-engayong mag-ensayo ang mga estudyante" ang sabi ng isang instructor na nagsisilbing emcee o taga announce.
"Ito ang pinakahihintay nating laban ng Captain ng Generals laban sa isang General na si Miguel Adalwen"
Sa paglabas ko, sa pagtungtung ko sa arena, hindi ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Lalo na nung nagharap na kami ni Miguel.
"Captain, ang larong 'to ang magsasabi na hindi nawala ang lakas ng pinakamalakas na warrior sa buong mundo. Nasa kamay mo ang kaligtasan ng Abarca at ng buong mundo" mahinang sabi ni Miguel sapat para marinig ko.
Hindi ko mapigilan ang hindi maging handa dahil sa kaba. Dahil hindi siya nagkakamali, dala ko ang napakabigat na responsibilidad ngayon.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa buong paligid. Tinanaw ko ang lahat ng mga estudyante na nag-aaral dito, at duon nagtama ang tingin namin ni Arvin Boreanaz na nasa totoong katawan ko.
MIGUEL'S POV
Napansin ko ang pagtingin niya sa pwesto nila Arvin na nasa spectator seat.
Gusto mo bang humingi ng tulong sa totoong Arvin? Hah!
"Simulan na ang laban!" announcement ng instructor at naghanda na kami ni Karim para sa laban.
"Forge, Sword" at lumitaw sa kamay ni Karim ang isang espada.
Mukhang handa na siya,
"Magus Enhancement. Eginhard (Thief's Sword)" pagkalitaw ng emblem ko siyang pagtransform nito sa pagiging espada.
Alam kong walang silbi ang Unique Skill ko sa'yo dahil wala akong maaabsorb na Mahika o Mana. Pero magkaparehas lang tayo ng sitwasyon.
"Makya (Dead Spot) " at nagbago ang visions ko dahil nakikita ko ang mga weak spot niya.
Sa stance niya ngayon, ako ang hinihintay niya kaya kaagad na akong tumakbo papunta sa kanya.
Nabigla siya sa biglang paglitaw ko sa harap niya pero nagawa niyang iblock ang espada ko na sa tingin ko ay dahil sa instinct niya.
Akmang itutulak niya ang espada ko gamit ang kanya nang sinabayan ko siya kaya natulak kami palayo sa isat-isa.
Parehas kaming napahawak sa lupa para matigil ang pwersa at nang makakuha ako ng lakas sa paa, kaagad ko siyang binalikan pero sinalubong niya rin ako para iblock nanaman ang atake ko.
Inislide niya ang espada ko at kaagad siyang umikot at sinipa ako palayo sa kanya.
Mukhang napaghandaan mo ang laban na 'to, Karim.
ARVIN'S POV
Kung tutuusin hindi ako ang napakatamang kalaban para kay Miguel dahil wala siyang ma-a-absorb sa akin na Mahika.
May balak talaga siyang talunin si Karim.
"Kung minamalas ka nga naman oh. Bakit kayo pa ang kasama ko sa Platoon?" nilingon namin nila Leerin si Vann na umupo sa tabi namin.
"Kung ayaw mo sa Platoon na kasama kami, gumawa ka ng sarili mong Platoon" sagot naman ni Celia na gustong patulan si Vann.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Leerin. May malamig naman na bagay na dumampi sa pisngi ng dalawa, "Palamig muna kayong dalawa. Ang iinit ng ulo niyo" sabi ni Eugene na nasa likuran nila nakaupo at inabutan sila ng malamig na bote ng juice.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...