CHAPTER 33: IMPROVEMENT

18 1 0
                                    

Lumipas ang mga araw, same routine parin at mas palala ng palala ang pagtrato sa'kin ni Celia.

"Aaaaaah!!! Parang katutulog lang namin ah?!" bungad niya pag-hawi niya ng kumot na nakabalot sa kanya.

"Magsibangon na kayo. Magkita-kita tayo sa field" sa pagtalikod naramdaman ko ang inis na inis na aura na Celia kaya lumingon ako ulit, "Isang segundo lang na late kayo, katumbas nito ang 1 hour na extension sa oras ng pag-eensayo niyo"

"HA?!"

At sinarado ko na ang pinto ng kwarto nila.

"Haha, naalala ko 'yung mga panahon na tayo ang nasa kalagayan nila" bulong ni Leo na kasama si Miguel.

"Ahh, mas magaan pa nga ang trato sa kanila ni Captain kaysa sa trato niya sa atin nung tayo ang sinasanay niya" dugtong naman ni Miguel.

"Nag-uumpisa palang naman kami. Mararanasan din nila ang mga naranasan niyong hirap"

"'Yung totoo, ikaw ba talaga ang kalaban" biro pa ni Miguel.

KARIM'S POV

"Parang dati lang excited ka na makita mo si Arvin pero ngayon halos ipagtabuyan mo na siya" sabi ko habang nagliligpit ako ng pinaghigaan ko habang sila Leerin at Celia ay naghihilamos sa banyo.

"I take back my words!" natawa naman si Vann dahil sa expression ng mukha ni Celia na sumilip pa sa pinto.

"Walang nakakatuwa, Vann!" at hinagis ni Celia kay Vann ang toothpaste na hawak niya.

"Waa~ hindi niyo ba nakikita ang mabibigat na 'to sa ilalim ng mga mata ko?" tinuro niya pa ang eyebags niya.

"Marami naman din tayong natutunan, Celia" pagpapakalma ni Leerin.

"Pinupwersa niya ang mana at mahika sa katawan natin. Waaa~ kung hindi dahil sa healing potion at elixirs baka bangkay na ako ngayon" hindi nga nagbibiro si Celia dahil halos maghapon kaming nag-eensayo, simula alas-tres ng madaling araw, hanggang 10 ng gabi.

"Inaaral mo ang origin ni Ms. Aliyah, hindi ba? Nakasalalay sa'yo kung hanggang kailan tayo mananatili sa impyerno na ginawa ni Arvin Boreanaz" napapabuntong hininga na sabi ni Vann.

"Malapit na ako sa last page. Kaunting hinga nalang guys" at sabay-sabay kaming napabuntong hininga.

ARVIN'S POV

"Zenaida! (Water Slicer)" may mga mistulang boomerang na tubig ang paataki sa akin ngayon, "Tarusa (Conqueror)"

At binalot ito ng yelo at mas numipis ito.

Kaya na akong putulan ng mga kamay at paa ng Mahikang ito.

Nangiti ako dahil mukhang desidido na si Celia at Leerin na patayin ako ngayong araw at oras na 'to.

Inilihis ko lang ng kaunti ang ulo ko para maiwasan 'to at binalik ko kaagad sa kanila ang mga tingin ko matapos tumama ang ataki nila sa lupa na halos bumaon na 'to.

"Kulang ka sa control, Leerin. Hawak mo na ang ataki ni Celia. Kung hindi mo rin tatamaan ang kalaban, wala rin kwenta ang lakas ng atake mo" napansin ko na medyo naghanda pa siya.

"Forge" at mas dumami ang mga arrow na lumitaw sa likod ko na mabilis na umataki sa kanila.

"Zerita (Water Wall)"

"Tarusa (Conqueror)"

Bawat arrow, nagawan nila ng sari-sariling barrier na nagdurog sa arrow ko.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon