CHAPTER 07: Absaar

32 4 0
                                    

ARVIN'S POV

Ahh, mali atang napapakita ko ang side ko bilang Arvin Boreanaz.

Pero kung si Peter naman ang makakaalam, hindi naman masama.

Nilongon ko si Vann, sa ngayon mas mabuti na hindi na muna nila alam. Malalagay sa peligro ang buhay ni Karim sa oras na may makaalam nito.

"Mas mabuti pa sigurong humanap na tayo ng sisilungan dahil sa tindi ng sikat ng araw. Pagod narin ang mga kabayo" suggestion ni Peter pagkahinto niya ng kabayo.

"Ilang metro sa kanan natin may isang kweba. Duon tayo magpapahinga" hindi na kami kumibo ni Vann at sinundan nalang si Peter sa pagpasok sa napakaraming puno.

Hindi kinalaunan, natagpuan namin ang lugar na sinasabi niya. May isang kweba na tinatakpan ng mga halaman.

"Bakit mo alam ang lugar na 'to, Mahal na Prinsipe?" tanong ni Vann pagkababa namin ng kabayo.

"Ang kweba na 'to-- natagpuan namin 'to bago kami nanirahan sa Abarca"

Tinali ko ang mga kabayo sa puno at sinundan ko rin sila sa pagpasok sa kweba. "Sigurado ka bang alang ahas dito?" bulong ni Vann na parang hindi isang royal ang kausap niya. Hindi na nakakapagtaka, dahil nasa anyo ni Karim Davila si Peter.

"Sa tao hindi ka takot, pero duwag ka sa isang ahas? Sigurado ka bang gusto mong maging isang warrior?"

Hindi ko napigilan ang ngiting lumitaw sa labi ko dahil sa ugali ni Peter na medyo may pagkaprangka.

Inabot ko naman sa kanya at kay Vann ang bote ng tubig at ilang tinapay.

"Bakit mo naisipang mag-ensayo sa malayong lugar?" tanong ni Vann.

"Hindi mo ba alam? May lugar na para sa mga tinatawag na Clairvoyant"

"Pero nilusob ang lugar na sinasabi mo at halos naubos ang mga Clairvoyant"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Isa lang naman ang trabaho niyo, ang maihatid ako sa Abarca ng ligtas"

"Okay, okay"

Napansin ko ang pagdapo ng tingin sa'kin ni Peter kaya umayos ako ng upo sa pagharap ko sa kanya, "Sigurado ka ba talagang wala kang naaalala?"

"Hm" simpleng sagot ko.

Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago siya huminga ng malalim at napasandal siya sa pader. "Gisingin niyo nalang ako pagkatapos magpahinga ng mga kabayo"

"Masusunod.... " at tumayo na kami ni Vann para lumabas sa kweba.

Naunang lumabas si Vann dahil sinilip ko muna si Peter kung komportable siya sa pwesto niya. Nung nakasiguro na ako, lumabas na rin ako ng kweba.

"Karim" nang lingunin ko si Vann, hindi niya ako hinarap kaya umupo ako sa lupa sa paanan niya.

"Sorry.." dugtong niya at wala akong nagawa kung hindi ang tingalain siya pero iniiwasan niya ang tingin ko kaya hindi ko na inexpect na magtatama pa ang tingin namin, kaya naman tinuon ko nalang sa harap ang mga tingin ko. "Hindi sa akin" tipid kong sagot dahilan para mapalingon na siya sa'kin, pero ako naman ang hindi siya malingon ngayon dahil sa naramdaman kong presenya.

"9 o'clock, Vann" nakuha niya naman kaagad ang gusto kong sabihin dahil nilingon niya ang direction na sinasabi ko.

"A-anong sinasabi mo?" hindi niya nararamdaman....

Tumayo ako, lumitaw ang isang spear sa kamay ko at may pwersa itong hinagis direction na 9 o'clock. Matapos ng ilang segundo, nawala ang presensya na nararamdaman ko.

Absaar...

"Anong nangyari?" tanong ni Peter na mukhang naramdaman ang Mahika ko.

"Isang rare monsters" simpleng sagot ko at nagsimula na akong maglakad, "Vann, ikaw na muna ang bahala dito. Titignan ko lang ang tinamaan ko"

Hindi ko na hinintay at inintindi ang gusto nilang sabihin at iniwan ko na sila. Nakakasigurado naman akong ligtas sila. At mas lalo silang magiging ligtas, kung akong mag-isa lang ang aalis.

"Magus Enhancement" matapos maging ayos ang flow ng Magic at Mana sa katawan ko, "Luna" lumitaw ang isang black emblem sa harap ko at nagbago ito ng anyo bilang isang babae, "Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa Abarca"

KARIM'S POV

Nakatingin lang ako sa malayo habang pinag-iisipan ko ang mga sinabi ni Aliyah nang makaramdam ako ng malamig na hangin na para bang sinasabi na, Mag-ingat ka.

At duon naramdaman ko ang napakalakas at napakarami na Mahika na nagkalat sa labas ng Abarca. Sa sobrang lakas nito, imposible na hindi ko 'to maramdaman.

Kaagad akong naglakad palabas ng kwarto pero si Aliyah na ang bumungad sa'kin, "Nagkalat ang mga Absaar sa paligid" bungad niya sa'kin.

Naririnig ko sila, pero hindi pa ako nakakakita sa totoong buhay. Ang mga Absaar ay ang mga patay na mayroong buhay. At ang mga Absaar ang ginagamit ng isang caster para mas lalo siyang lumakas sa pamamagitan ng paghigop nito ng Mahika.

"Sila Leo at Miguel nasaan?" tanong ko.

"Naghihintay ngayon sa North Gate si Leo. Nasa West Ground parin si Miguel"

"Puntahan mo si Leo. Priority natin ang mga tao. Wala kayong hahayaan na makapasok kahit na isang Absaar sa Abarca" at tinalikuran ko na siya.

"S-saan ka pupunta, Arvin?..!"

"Lugar kung saan kita ko ang buong Abarca" at tumakbo na ako paakyat sa itaas.

ARVIN'S POV

May mga Absaar din sa Abarca?

"Ikaw na ang bahala kay Karim, Luna" at naglaho siya.

Huminga ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang paglalakad ko.

Oras na para harapin kita.

SOMEONE'S POV

Nag-eenjoy ako sa mga nakikita ko nang may tumamang napakainit na bagay sa dibdib ko. S-spear?...

"Bakit hindi ka mamirmi sa isang lugar?" tanong niya, pero dahil sa hood na suot ko, natatakpan ang mga mata ko, pero hindi ako maaaring magkamali sa boses na 'to, "Prince Peter"

"Hindi mo parin pala nakakalimutan ang boses na 'to" at biglang lalong uminit ang spear na nasa dibdib ko na halos magsuka na ako ng dugo at bumagsak ako mula sa sanga ng puno na inuupuan ko, "Ipaliwanag mo sa akin kung bakit at paanong inaataki ng mga Absaar ang Abarca"

"H-hindi ikaw si Peter Gaillard... Sino ka?!" tanging nasabi ko nang marealised ko na isang Clairvoyance ang Unique Skill ni Peter at hindi offensive skill.

Kahit natatakpan ng hood ang mga mata ko, hindi ko alam pero-- nakita ko ang napakafamiliar na ngiti sa mga labi niya. "Magkita nalang ulit tayo-- sa oras na mabuhay ka ulit. Safiya" at sa sobrang init ng spear na nakatusok sa dibdib ko ay wala akong nagawa kung hindi ang mapasigaw hanggang sa unti-unting nasusunog ang buong katawan ko.

Babalikan kita kung sino ka man!

KARIM'S POV

Huling hadgan nalang paitas ang kailangan kong tapakan nang biglang mawala ang napakaraming itim na Mahika sa paligid ng Abarca.

Sa lugar na kinatatayuan ko, mas naramdaman ko kung gaano kapayapa ng Abarca. Pero isang bagay ang ipinagtataka ko, anong nangyari?

To be Continued ...

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon