KARIM'S POV
"Nakarating narin kay Haring Madison ang tungkol sa nangyari kay Arvin" putol agad ni Aliyah kay Leo bago pa man niya masabi ang pinakaimportanteng detalye.
"Anong sabi ng Hari?"
"Na mas makakabuting walang makaalam sa nangyari maliban sa ating apat na naririto at sa Hari, maging sa Doctor na gumamot kay Arvin"
"Hmm, para maiwasan ang giyera...?" mahinang patanong na sabi naman ni Aliyah matapos ng napakaseryosong tingin niya at dumapo ito sa'kin, "Sa oras na malaman ng buong Kaharian ng Abarca-- hindi, sa oras na kumalat ang balitang nawala ang ala-ala ng Captain ng Generals, maraming magtatangka na sakupin ang Abarca"
"Hm. Mahina ang depensa natin kung wala ang lakas ni Arvin" dugtong ni Leo.
"Anong balak ng Hari? Hihintayin nalang ba natin na bumalik ang ala-ala ni Captain?" tanong naman ni Miguel.
"Wait, Leo. May nakakalimutan tayo" napunta ang attention namin kay Aliyah. "Matitikom nating lima ang tungkol sa nangyari kay Arvin, pero hindi ng mga taong nandito sa loob ng Palasyo"
"Tungkol duon, nabigyan narin ng solution ng Hari ang bagay na 'yon. At para sa tanong mo Miguel, hindi natin hihintayin na bumalik ang ala-ala ni Arvin. Ang laban na magaganap ilang araw mula ngayon sa pagitan niyong dalawa, ipapaniwala natin sa lahat na parang wala ang mga nangyari kay Arvin"
Ang kaninang mga tingin ni Miguel na parang ala siyang pakialam sa pinag-uusapan, ay biglang nagbago sa isang salita ni Leo. Tumalim ang mga tingin niya kay Leo na parang hinahamon niya ito, "Sinasabi mo bang magpanggap ako?"
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagbabalik ng tingin ni Leo kay Miguel, "Bakit, sinasabi mo bang mananalo ka? Kahit hindi ka magpanggap, alam nating kahit isa sa'ting tatlo, walang makakatalo kay Arvin"
Sa sobrang bigat ng atmosphere dahil sa kanila, halos hindi na ako makasingit sa usap.
Naramdaman ko ang tingin ni Aliyah sa'kin at sinalubong niya naman ako ng ngiti na nagpakalma sa'kin, "Kahit na anong pag-aaway pa ang gawin niyo. Hindi niyo mababago ang katotohanan na hindi kayang lumaban ngayon ni Arvin. H'wag tayong magtake advantage dahil lang nasa ganitong sitwasyon si Arvin. Ikaw ba, Arvin, anong desisyon mo? Ikaw ang Captain, nasa'yo ang huling salita"
"Sa tingin ko magiging unfair din para kay Miguel kung magpapanggap lang kami. Kaya kung ako ang tatanungin, mas okay kung mananalo ka dahil pinaghirapan mo ang pagkapanalo mo. Gusto kong maging patas ang laban" at mas lalong lumaki ang ngiti ni Aliyah.
"Okay! Case closed"
Napabuntong hininga naman si Leo habang si Miguel, may malademonyong mga ngiti.
LEERIN'S POV
"That's all for today. See you tomorrow" sa paglabas ng teacher siyang pag-ikot ko ng upuan paharap kay Karim, ang ballpen na naglalaro sa mga daliri niya ang una kong napansin.
Nang lingunin ko na siya, seryoso naman siyang nakatingin sa labas ng bintana.
"Oy, Karim!" kasabay ng napakalakas na pagbagsak ng dalawang palad ni Celia sa table ni Karim.
Sa lakas nito, nagulat si Karim at nahulog ang ballpen sa lapag na kaagad ko namang pinulot.
"Celia.." paglingon saglit ni Karim para tignan kung kaninong kamay ito.
"Anong ibig sabihin nito?!" hinarap ni Celia ang isang papel palapit sa mukha ni Karim na halos mapaatras na.
Pumunta naman ako sa likod ni Karim pagkababa ko ng ballpen sa table niya. Isa itong quest paper, S-Ranked Mission. Paghatid sa isang important person papunta ng Abarca.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
