CHAPTER 03: Doubt

73 8 0
                                        


MIGUEL'S POV

"About sa laban ni Arvin at ni Miguel 2 weeks from now, mas mabuting ipostpone nalang muna natin" panandalian kong nilingon si Aliyah.

"Wala sa tamang kondisyon si Arvin para lumaban" dugtong niya pa.

"Hmmm, pero hinihintay mo rin ang oras na magkalaban kayo ni Arvin, hindi ba, Miguel?" nilingon ko si Leo na parang pinag-iisipan ng mabuti ang pinag-uusapan namin.

Dati oo, sabik na sabik akong makalaban ang Captain ng Generals pero ngayon... para saan pa? Nabuhay nga siya mula sa lason ko, pero mistulang ibang Arvin ang nakaligtas dito.

"Kung gusto mo, tayo nalang ang maglaban" suggestion ni Leo.

Umayos ako ng upo, "Bakit hindi natin hingin ang opinyon ng mismong taong dapat na lalaban?" tumayo ako, "Pupuntahan ko si Captain. Gusto ko ring malaman ang opinion niya"

Hindi na sila sumagot kaya lumabas na ako sa meeting room.

Kung ikaw nga ang Captain na kilala ko, kahit wala ang mga ala-ala mo, pipiliin mo paring lumaban.

Huminto ako sa harapan ng pinto ng kwarto ni Captain nang marating ko 'to. "Captain, ako 'to... si Miguel"

Mga ilang segundo ang lumipas walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto. Nilingon ko ang buong paligid, pero wala akong Arvin na nakita sa kwarto.

LEERIN'S POV

Matapos ang isang araw, nandito na kami sa battle field.

"Waa~, di ko inaasahan na mabibigyan ako ng malaking chance para durugin si Vann" napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Celia.

"Hindi na e-epekto ang plano natin, kaya sa pagkakataon na 'to... kailangan na nating pabagsakin ang kalaban mismo" sabi pa ni Pres at nilingon niya ako bigla, "Si Karim nga pala?"

"Kahapon ko pa siya hindi makita" mahinang sagot ko.

"Hmm? Nasa kwarto lang naman ako maghapon" nilingon namin si Karim na basta-basta nanamang lumilitaw sa tabi namin.

"Wala ka sa kwarto mo...!" sabi ko sa kanya ng mahina pero papataas na tono.

"Hm? Baka ibang kwarto ang napasukan ko"

"K-Karim..!" nagulat ako sa pagpatong niya ng kamay niya sa ulo ko, "Inaalis ko lang ang kaba mo"

Pero dahil sa sinabi niya, parang lalo akong kinabahan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"H-hindi ako kinakabahan"

"Good"

Matapos nito, nagsimula ng mag-announce ang pagsisimula ng laban "Simulan na ang laban!"

Wala pang ilang segundo, matapos mag-announced ng announcer... may lumipad na na apat na arrow pa-aataki samin.

Lahat nakasakto ang posisyon paataki isa-isa sa'min.

Iniwasan namin 'tong tatlo nila Eugene at Celia, habang ang ipinagtataka ko ay ang hindi pag-iwas ni Karim. Kaunting distansya lang ang layo ng arrow sa pisngi niya na halatang alam niya kaya hindi niya iniwasan.

"Haha, isang bow lang tayo habang sila... apat na bow ang pinili? Hindi ba parang nasa disadvantage tayo?" nakangiti pero kinakabahang sabi ni Celia.

"Bago tayo ng plano. Dahil ikaw Leerin ang may hawak ng bow, ikaw ang sa defense at kapag nakahanap ka ng chance, maghanda ka para sa offense. Protektahan mo siya, Celia. Kami ang bahala ni Karim sa offense. Nasa disadvantage sila kapag close-combat na" bago pa kami makapag react ni Celia, sumugod na sila.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon