KARIM'S POV
"Wala ng lason sa katawan niya. Pero mas mabuti paring magpahinga siya ng ilang araw" ang boses ng isang matanda.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko.
"A-Arvin!" sigaw ng isang babae na nasa kanan ko.
A-Arvin....?
Dahan-dahan akong umupo. Sa pag-upo ko, siyang pagkirot ng ulo ko dahilan para mapahawak ako dito at makuha ko ang attention nila.
"Mas mabuting h'wag mong pilitin ang sarili mo, Mr. Boreanaz" ang sabi ng isang matandang lalaki.
"Arvin? Boreanaz? Ano ang sinasabi niyo?" mahinang tanong ko na para bang sarili ko ang kausap ko.
Nilingon ko ang kwarto na kinalalagyan namin dahil sa lawak nito. "N-nasaan ako? S-sino kayo?"
Lahat sila.... may pagkabiglang makikita sa mga mukha nila.
"A-ano ba ang sinasabi mo, Arvin?" ang sabi ng babaeng nasa gilid ko.
"Hmm, maaaring nagkaroon ng damage sa isip niya dahil isang napakalakas na lason ang naibigay sa kanya. Himala nalang din at nabuhay pa siya mula rito" ang sabi nung matanda at namuo ang katahimikan sa paligid.
A-anong sinasabi niya? Naaalala ko kung sino ako, ang hindi ko maalala ay kung sino sila at kung nasaan ako.
ARVIN'S POV
Pagkakita ko ng sarili ko sa reflection sa bintana, hindi ko alam kung anong klaseng reaction ba dapat ang kailangan kong gawin.
Hindi ito ang katawan ko.
Ang mga kamay na 'to, isang bata ang may may-ari nito.
Bumukas ang pinto at dumapo ang tingin ko sa isang babaeng puno ng pagkabigla nang makita ako.
"M-mabuti at gising ka na, Karim" kaagad niya akong nilapitan.
Karim? Ito ba ang pangalan ng katawan na kinalalagyan ko?
Anong nangyari, paano ako napunta sa katawan na 'to?
"Oh sa wakas, Karim! Akala namin hindi ka na magigising sa tindi ng mga sugat mo" ang sabi ng isa pang babae na kapapasok lang sa kwarto.
Sugat?
Tinignan ko ang katawan ko. Halos mapuno na ng bandage ang magkabilang braso at binti ko. At may sugat din ang ulo ko.
"Anong nangyari?" mahinang tanong ko.
Napaiwas ng tingin ang babaeng nasa tabi ko. "Hindi mo ba naaalala? May dalawang Basilik na umataki sa mga A, inutusan mo kaming tumawag ng mga instructors.... pero huli na nang dumating kami dahil walong estudyante ang nahulog sa bangin. At kabilang ka sa walong estudyante na 'yon, Karim" kalmado pero puno ng pag-aalala niyang paliwanag.
"Nakaligtas ba ang lahat?" at tumango siya.
"Kailan ka pa naging concern sa mga A? Kung hindi dahil sa kanila, wala ka sana sa ganitong sitwasyon. At ang isa pa, sila na nga ang tinulungan-- hindi man lang sanay magpasalamat..!" galit na sabi ng babaeng nasa tabi nung isang babaeng may kalmadong aura.
Kung wala namang namatay, oras na para alamin ko ang nangyayari sa katawan ko.
"Sino ako?" parehas silang napatingin sa'kin ng seryoso.
"H-ha?..." mahinang tanong ng babaeng may kalmadong aura.
"Sino ako, sino kayo at nasaan ako?" kalmado kong tanong dahil hindi ito ang oras para mataranta ako. "Hindi ko naaalala na napunta ako dito.."
"Oy, Karim. Isa pang biro mo, talagang tatamaan ka sa'kin" ang sabi nung may napakawild na aura.
"H-hindi ka ba nagbibiro?... H-hindi mo ba talaga kami naaalala? A-ako 'to, si Leerin" ramdam ko ang lungkot mula sa nanginginig niyang boses.
"Oy, Karim. Hindi na nakakatawa ang mga biro mo" at nararamdaman ko ang inis mula sa mga tingin niya.
"Celia..." pag-awat ni Leerin at pinunasan niya ang luha na naggigilid sa mata niya.
Pinilit niyang ngumiti kahit na puno ng pag-aalala ang mga mata niya, "Ikaw si Karim Davila"
Karim Davila?
KARIM'S POV
"A-Arvin Boreanaz? N-nagkakamali kayo, hindi ako si Arvin!"
Hindi nila maialis ang tingin sa'kin. Lahat sila nagtataka katulad ko. Hanggang sa may isang lalaking nanguwelyo sa'kin "Captain, h'wag mo kaming pagtripan"
Hinawi ko ang kamay niyang napakabigat para makalaya ako, "Mukha ba akong nakikipaglokohan sa inyo?"
"Miguel, nakalimutan mo na ba kung anong kondisyon ni Arvin?" ang sabi pa ng isang lalaki sa lalaking nangwelyo sa'kin.
"Katulad ng sinabi ko, maaaring naapektuhan ang isip ni Mr. Boreanaz. Maaaring sa sandaling oras na pagkakatulog niya, nabuhay siya bilang ibang tao. Madalang ang ganitong case, kaya naman, ang maipapayo ko lang ay h'wag niyo ng dagdagan ang stress sa kanya dahil maaaring lumala ang kundisyon niya" ang sabi ng matanda.
"Arvin..." lumapit sa'kin ang natatanging babaeng nasa kwarto na 'to, "Ako si Aliyah, ikaw si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals"
Generals?
N-naririnig ko ang tungkol sa kanila. Ang mga Generals ang pumuprotekta sa mundo. Sa oras na humingi ka ng tulong sa kanila, hindi sila magdadalawang tulungan ka. At ngayon, malalaman ko na ako ang Captain ng Generals? A-ang kilala bilang isang Legendary Swordman?
"S-sandali! S-seryoso ba kayo?"
"Hindi kami sa ganitong sitwasyon makikipagbiruan, Arvin" ang sabi nung lalaking nag-awat dun sa Miguel. "I-ikaw si.."
"Leo Deverell" at lumapit siya sa'kin.
Aliya Halifax, Leo Deverell, Miguel Adalwen at ako Arvin Boreanaz... ang Generals.
B-bakit nangyari 'to?
ARVIN'S POV
"Mas mabuting magpahinga ka na muna. Tawagin mo nalang kami kung may kailangan ka" ngumiti si Leerin bago siya tumayo sa pagkakaupo niya sa upuan na nasa tabi ng kama ko.
Tumango lang ako.
"Magpagaling ka, Karim!" habol ni Celia.
Pag-alis nilang dalawa. Napatingin ako sa bintana. Hindi ko maialis ang tingin ko sa sarili kong reflection.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa katawan na'to. Wala ring lakas ang katawan na kinalalagyan ko para makapagrelease ng Mana at Magic.
Kailangan ko munang magtiis.
Paniguradong buhay ang katawan ko ngayon, at ang nagngangalang Karim Davila ang nandito.
Kahit sino pa siya, nasa matinong pag-iisip naman siguro siya para maisip kung anong klaseng sitwasyon mayroon kami ngayon.
KARIM'S POV
Hindi nila pwedeng malaman na hindi talaga ako si Arvin Boreanaz. Sa oras na malaman nila, maaaring buhay ko ang maging kapalit. Madadamay pa pati sila Leeren.
Wala rin akong kasiguraduhan kung buhay pa ba ang totoong katawan ko-- kung buhay pa ba ang Legendary Swordman. Dahil sa pagkakatanda ko, nagtamo ng napakatinding sugat ang totoong katawan ko. Wala ring pakialam ang mga nasa paligid ko kung buhay ako o patay.
Kung ganuon,
S-sa akin na talaga ang katawan na 'to?
Ako na talaga ang pinakamalakas na tao sa mundong 'to?
To be Continued ...
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...