PETER'S POV
"Karim Davila, gusto ko sana silang salubungin bilang Peter Gaillard" pakiusap ko at napansin ko ang pasimpleng pagngiti niya.
Nung una akala ko paglalaruan niya pa ako pero tumango siya, "Hm"
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagbiglang seryoso ng mga tingin niya kahit hindi parin nawawala ang ngiti niya, "Pero sigurado ka? Hindi pa dumadating ang tadhana mo"
Tadhana... Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hanggat hindi ko nalalampasan ang napakalaking pagsubok ko sa buhay, kahit dito sa loob ng Abarca-- hindi ko masasabi na ligtas ako.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pagbalik ko ng lingon sa kanya ay nagpalit na kami ng anyo, sa madaling salita ay bumalik na ako sa totoo kong anyo, ganun din siya.
MIGUEL'S POV
Bago ko binitawan ang string, nilingon ko muna ang totoong Karim Davila sa tabi ko na parang handa ng tamaan ng konsensya.
"Ayaw mo bang ikaw ang tumapos ng buhay niya? Tutal inagaw mo narin naman ang pagkatao niya" biro ko pero umiwas lang siya ng tingin.
"Tsk. Kung ayaw mo, ako nalang ang tatapos ng problema mo"
Hinatak ko ang string at itinapat ko ang arrow sa ibaba para marami itong direction na magawa.
Pagkabitaw ko ng string, may ngiti ko itong sinundan ng tingin hanggang sa halos hindi ko na 'to matanaw.
Good bye, Arvin Boreanaz.
PETER'S POV
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Karim?" tanong ni Vann at nagpatuloy siya, "Sa oras na mamatay ang Prinsipe, buhay din natin ang magiging kabayaran"
May kaba kong nilingon si Karim pero ngumiti siya at kasunod nito ang mabilis na pag-abot ng kamay niya malapit sa dibdib ko.
Nang lingunin ko kung ano ang nasa kamay niya, isa itong arrow na parang gustong kumawala sa kamay ni Karim.
"Sinabi ko na, hindi ba? Na wala akong hahayaan na mamatay" dahil sa sagot ni Karim, lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naghalong kaba at takot. "Magus Enhancement..... Ablendan (Black Hole)" at mayroong parang humati sa space na unti-unting hinigop ang arrow.
Tinignan ko si Karim pero napakalma ako ng mga tingin niya, "May isang salita ako. Kapag sinabi kong hindi kita hahayaang mamatay, papanindigan ko 'to"
"Hm" may ngiti kong pagsang-ayon dahil sa di ko malamang dahilan ng pagkawala ng kaba ko.
"May nasaktan ba?" kaagad na tanong ni Kuya Leo pagkalapit nila.
Umiling ako, "Okay lang kami"
"Galing sa loob ng Abarca ang pana. Mabuti na lang at kasama niyo kami na pupunta sa Palasyo" sabi ni Ate Aliyah pero nagsalita si Karim na kahit kami ang kausap niya ay nasa Abarca ang mga tingin niya.
"Wala na sa Abarca ang kalaban na may tangka sa buhay ng Prinsipe"
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ate Aliyah at nilingon kami ni Karim pero sa'kin huminto ang tingin niya, "Dahil hindi mo tinakasan ang tadhana mo-- ikaw mismo ang lumapit. Sa madaling salita, ikaw lang ang hinihintay ng papatay sa'yo. Kung naghihintay sila para sa isang ambush, ibig sabihin planado na ang lugar na pagtatakasan nila. Sapat ang oras na naibigay ng magnet arrow para makatakas sila"
Lahat kami halos hindi maka imik dahil sa sinabi niya hanggang sa magbuntong hininga siya. "H'wag kayong ma-amazed dahil gamit ko ang Deduction Unique Skill" mahinang sabi niya na halos maging bulong na at kumindat siya habang nasa labi niya ang hintuturo niya.
BINABASA MO ANG
Switched
ФэнтезиDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...