ARVIN'S POV
"Hanggang sa susunod po nating pagkikita, Haring Madison" may ngiti namin siyang tiningala at hinatid kami ng Generals palabas ng Abarca.
"Saan ka nagpunta kagabi?" seryosong tanong ni Vann.
"Restroom" tipid kong sagot kaya hindi na siya nakaimik pa. Naramdaman ko naman ang tingin sa'kin ni Miguel pero hindi ko nalang ito pinansin.
"Magkita tayo sa susunod na araw" may ngiting sabi ni Leo sa amin pagkarating namin sa East Gate.
Tumango lang kami ni Vann bago namin sila talikuran. Nagsimula na ang paglalakbay namin pauwi ni Vann.
LEERIN'S POV
"Nakarating na ang sulat kay Ms. Helen. Pauwi na si Vann at Karim" biglang sulpot ni Celia sa tabi ko habang hindi ko naman maalis ang tingin ko sa labas ng bintana.
"Ooh, kung pabalik na silang dalawa mas mabuting ipaghanda natin sila ng makakain" sabi ni Sister Bethy at kaagad siyang dumiretso sa kasina.
"Oh" inabot ni Celia sa akin ang isang saging na kasama nung kaninang kaninakain niya, "H'wag ka magpaka-stress. Makakauwi ng buhay 'yon. Tutulungan ko na muna si sister sa pagluluto, ikaw pumunta ka sa kwarto ni Karim at linisin mo ang kwarto niya"
"B-bakit ako?" nang marealised ko na paniguradong magulo nanaman ang dadatnan ko sa kwarto ni Karim kahit na nalinis ko na 'to noon.
Ngumisi naman itong si Celia, "Hindi ba't trabaho 'yon ng asawa?"
Nagulat naman siya nang may humampas na palanggana sa ulo niya, "Usapang asawa nanaman 'yang iniisip mo. Palibhasa wala ka pang pinapakilala sa'kin" si Eugene na kakapasok lang ng kusina, si Celia kaagad ang napansin niya.
"Tingin mo may mapapakilala ako sa'yo hanggat nandito ako sa East Ground? Walang gwapo dito, like duh-- ang dudugyot ng mga lalaki" at nahampas ulit si Celia ng palanggana, "Ang dami mong arti"
"Of course, future ko ata ang pinag-uusapan natin dito"
"Kayong dalawa, tumigil na kayo. Celia hugasan mo nalang ang pinggan. Ikaw naman Eugene, hanguin mo ang mga sinampay ko sa likod. At ikaw Leerin bakit nakatayo ka lang diyan? Ano mang oras nandito na sila Karim"
May ngiti ko silang iniwan at nagtungo agad ako sa kwarto ni Karim. Pero sa pagbukas ko ng pinto, nabigla ako. Hindi ito magulo hindi katulad ng inaasahan ko. Parang walang bagay na nagalaw simula nung makauwi kami rito.
Wala rin akong maisip na gawin o ayusin sa kwarto ni Karim kaya napagdesisyunan ko na bumalik sa kusina.
Napansin naman ako kaagad ni Celia, "Suko ka na sa kwarto ni Karim?" pang-iinis niya.
Umiling naman ako, "Malinis ang kwarto niya...." at lumapit na ako sa kanila.
"Haha! Masamang biro, Leerin"
"Hindi ako nagbibiro" mahinang sagot ko.
"Sa susunod na araw na ang recruitment ng mga Generals sa East High. Kamusta ba ang naging resulta ng camp niyo?" tanong ni Sister.
"Panalo Sister. Ha! Akala ata nung Vann na 'yon, hindi ko siya madudurog!"
"May sinasabi ka ba, Celia?" pare-parehas kaming nalingon sa pintuan at nanduon si Vann at sa likod niya ay si Karim na naghuhubad ng sapatos.
BINABASA MO ANG
Switched
FantasyDalawang tao, dalawang buhay at may sari-sariling hangarin. Si Arvin Boreanaz, ang Captain ng Generals at kilala bilang isang malakas na warrior sa kabila ng hindi paggamit ng Mahika. At si Karim Davila, isang kilalang mahinang estudyante na tanging...
