Terrence's Pov
Maaga akong naghanda ng susuotin ko para sa gathering mamaya. Hindi ko muna sinuot ang formal clothes ko kasi baka pawisan ako mamaya sa pagtulong sa preparations, mas mabuti ng handa.
~5:45pm~
Umalis na ako sa bahay at nag-drive papunta sa GZ Inc. Saktong 6pm ako nakarating sa company. Agad naman akong binati ng security guard sa may entrance way ng company. Nginitian ko ito.
"Good afternoon Sir, napaaga po ata kayo?" aniya.
Ngumiti ako sa kanya, "I'm here to help for the preparations." simpleng saad ko.
"Po? Naku Sir, hayaan niyo na yung mga staff na gumawa" nag-aalalang aniya.
~Hindi pwede. Baka magalit si Calvin~
"Hayaan niyo na ako. Mauna na ako, Kuya." tinanguan na lang niya ako. Dumiretso na ako sa front desk at nakita ko agad si Abby. Isa sa mga employee dito. Nginitian niya agad ako nung matanawan niya akong papalapit.
Mabait si Abby kaso hindi ko siya madalas makausap. "Good afternoon Sir Terrence, akyat na po kayo, naghihintay na sa office niya si Sir Calvin." bahagya pa akong nagulat dahil sa sinabi niya. Akala ko ay didiretso na ako kung saan gaganapin ang gathering. Pero tinanguan ko na lang siya at nagpasalamat bago magtungo sa elevator at pindutin ang floor kung nasaan ang office ni Vin.
Nang makalabas ako ng elevator ay naglakad na ako patungo sa office niya. Unti-unting bumagal ang paglalakad ko ng matanawan ko si Savian na kalalabas lang ng office ni Calvin. Nagtama agad ang paningin namin.
Kung susuriin ang itsura niya ngayon, bahagyang magulong buhok, medyo gusot na damit, at maluwag na neck tie, napahinga na lang ako ng malalim, he did it again.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka ibinalik ang tingin sa aking mga mata. He smirked. "Good Afternoon, Sir Terrence Gonzaga." pagbati niya. Binigyang diin pa niya ang apelyido ko, apelyidong hindi ko alam kung ipagpapasalamat kong naidikit sa pangalan ko.
"G-good afternoon, Savian." pagbalik ko sa bati niya.
"Sir Savi!" tinig mula sa aking likuran. Napatingin din siya doon. "May mga kailangan po kayong pirmahan, iniwan ko na po sa table niyo. Need na po yun, ASAP." wika ng isa sa mga staff.
"Sige, susunod na ako," inilipat niya ang tingin sa akin, "May inasikaso lang akong," sandali siyang huminto bago muling ngumisi, "business." at nilagpasan na niya ako matapos niyon.
Nakapanlulumo. Sabagay, kung pagkukumparahin nga naman kaming dalawa ni Savian, mas lamang siya. Bukod sa matalino at gwapo, he has all the characteristics that Calvin is looking. He's a husband material. Gustong- gusto siya ni Vin, that's why he got the position of being the CFO of the company na dapat sa akin ibibigay noon. Isinuko ko na lang dahil ayaw ko pang mas lalo akong kamuhian ng sarili kong asawa.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta sa office ni Vin. Kumatok muna ako. "Come in." aniya kaya binuksan ko na ang pinto. Busy siya. Busy siyang mag-ayos ng mga nagkalat na papeles sa desk niya.
~Inside your room, inside your office, saan ang susunod? Sino ang susunod?~
"Ehemm... Vin, saan y-yung venue?" panimula ko kaya napatigil siya sa pag-aayos. Nagbago agad ang reaksiyon niya at nag-angat ng tingin sa akin.
"Bakit ganyan ang suot mo?" seryosong aniya. Napatingin naman ako sa suot ko. T-shirt at pants.
"Sabi mo kasi tumulong ako sa pre-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumatok. Pumasok bigla ang assistant secretary niya. Hindi niya napansin ang presensiya ko.
BINABASA MO ANG
WHEN WILL IT BE ME?
FanfictionCalvin and Terrence are married. Calvin is the CEO of his own company and Terrence is a simple househusband. Everyone thinks that they are a perfect couple but little did they know that behind all the smiles they give outside is just for good public...