Chapter 9

371 15 5
                                    

Terrence's Pov

~A month later~

Maayos naman ang lahat. Naghahalinhinan si JL at si Lou sa pagbabantay sa akin dito sa bahay. Medyo kailangan ko daw kasing mag-ingat sabi ni Dra. Jacque kasi medyo mahina ang kapit ni baby ko. Nalungkot ako dahil sa balita na yun kaya mas dinoblehan ko pa ang pag-iingat at sinigurado ko talaga na puro healthy foods lang ang kakainin ko.

Hindi pa rin alam ni Calvin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sasabihin ko na sana nung one time na umuwi siya dito pero nagmamadali siya dahil may business trip pala siya sa Japan for 3 weeks. Ngayong linggo ang uwi niya at plano ko ng sabihin sa kaniya. Sana lang talaga ay good mood siya.

"Sir, una na po ako." si Liel. Alam niya din ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nabuking niya ako dahil nagpunta siya dito one time at narinig niya kaming nag-uusap ni Lou. Nakiusap na lang muna ako na huwag na munang sabihin kay Calvin dahil gusto ko ako ang magsasabi sa kanya. 

Mabuti na lamang at pumayag siya. Nandito siya ngayon dahil may mga papeles siyang kinuha sa kwarto ni Vin, kaya ko rin nalaman na ngayong araw na ang balik niya. Naikwento niya rin sa akin na nung isang buwan siyang hindi nagparamdam ay wala itong ginawa kundi ang magtrabaho at magtrabaho lang. 

Nagulat ako sa balitang yun. Isa din iyon sa mga rason kung bakit nag-decide na akong sabihin sa kanya. "Sigurado po ba kayong wala na kayong kailangan? Baka po kasi hindi na ako makabalik mamaya eh." ani Liel.

"Waka naman na, salamat nga pala sa mga prutas." ngumiti lang siya sa akin.

"Una na po ako." tinanguan ko lang siya saka siya naglakad palabas ng pinto. Mabait talaga si Liel at medyo nagiging close na rin kami simula nung nalaman niyang buntis ako. 

Wala si JL at si Lou ngayon dahil may mga trabaho sila sa kani-kanilang mga company. Naisipan kong magluto at magbake kaya iyon na lamang ang ginawa ko. 

Nang makaramdam ng antok ay umakyat ako sa taas para matulog muna. Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagdoorbell. Napakunot ang noo ko dahil gigil na gigil ang kung sino mang tao sa labas. 

Bumangon ako at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lamang ay bigla na lang akong binunggo ni Savian. "Napakabagal! Importante ang pinapakuha ni Calvin kapag nagalit siya sa akin, malalagot ka talaga!" gigil na sabi niya.

Binunggo niya muli ako bago dire-diretsong umakyat papunta sa kwarto ni Vin. Naalala ko na may ilang mga gamit pa nga pala ako sa kwarto ni Vin. Hindi iyon pwedeng makita ni Savian dahil baka malaman niyang buntis ako at maunahan pa akong masabihan si Vin. 

Dali-dali ko siyang sinundan at pinigilan bago pa man siya makapasok ng tuluyan sa kwarto ni Vin. "Savi! Teka! May kukunin muna ako!" paghawak ko sa braso niya na siyang nagpakunot ng noo niya. Marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Ano bang problema mo?! Hindi mo ba naiintindihan na kailangang-kailangan na ni Vin yung ipinapakuha niya sa akin! Wala ka na ngang silbi, wala ka pang utak!" sigaw niya sa akin. Bigla akong nahirapang huminga dahil sa takot pero kailangan ko talaga siyang maunahan papasok sa kwarto.

"Savi, please. Sandali lang talaga 'to!" pagmamakaawa ko.

"Ano ba?! Bitaw!"

"Savi, makinig ka naman oh, sandali lang talaga 'to." 

"Ayaw mo talagang makinig ha!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig. Masakit ang pagkakabagsak ko pero pinilit pa ko pa ring tumayo.

"Talagang hindi ka pa nadala. Alam mo dapat sa'yo hinihiwalayan na ni Vin eh! Wala ka namang kwentang asawa!" sigaw niya bago higitin ng marahas ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit.

"Savi, please, may kukunin lang talaga ako. Ako ng bahalang magpaliwang kay Vin." napangisi siya dahil sa sinabi ko.

"Ha! At sino ka ba sa inaakala mo? Tanga ka na lang kung aakalain mong makikinig si Calvin sayo! Binabalewala ka nga 'di ba? Boba!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

"Savi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kaladkarin niya ako pababa ng hagdan.

~Shit! Bakit ba kasi ang hina-hina ko!~

Agad kong hinawakan ang tiyan ko dahil doon. Hindi ako makakalas sa pangangaladkad ni Savian. Tumutulo na ang luha ko. Nag-aalala sa pwedeng mangyari sa baby ko.

"Savi! Stop! Ano ba?!" pag-iyak ko pero hindi siya nakinig. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin at nang makarating kami sa baba ay tinulak niya ako ng malakas sa sala.

Wala na akong dapat aalalahanin kung hindi lang tumama ang tiyan ko sa center table. Agad na nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa tiyan ko bago sa pagitan ng mga hita ko.

Naramdaman ko agad ang sakit at hapdi ng ibaba ko. HIndi na tumigil sa pagtulo ang luha ko nung dampian ko ng haplos ang kanang hita ko at pagkataas ko sa kamay ko ay may nakita akong dugo. 

Nanginig ako sa sobrang takot sa mga pwedeng mangyari. 

~Ang baby ko. Baby, please, kumapit ka lang~

Napatingin ako kay Savian na noon ay gulat na gulat. "B-buntis ka? P-paanong-" 

"Savi- t-tulong... os-ospital, k-kailangan k-kong ma-makapunta sa ospital." pagmamakaawa ko. 

Pero tuluyan na akong nanlumo nung sunod-sunod siyang umiling. "N-no, tell me that's not Calvin's child!" lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko bago ako inuga-uga. Hindi ito nakakatulong dahil mas nararamdaman ko ang sakit.

"Terrence! Tell me!" galit na sigaw niya.

"N-no time for that. Savi p-please, I-I ne-need to go to the ho-hospital." I begged pero agad niya akong binitawan.

"No! This can't be happening! Hindi 'to pwede! I'm sorry Terrence pero hindi ko hahayaang magkaanak si Calvin sa'yo! Ako! Ako ang magdadala ng tagapagmana niya! Ako lang! I'm sorry pero kailangan kong hayaang malaglag ang bata na 'yan!" natataranta niyang ani.

"W-what?!" hindi ako makapaniwala sa takbo ng utak niya. Paulit-ulit ko siyang tinawag pero tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng bahay at hindi na muling lumingon pa. 

Sobra-sobra na ang pagdurugo ko at takot na takot na ako. "Savi? Bakit ba ang tagal mo, kanina ko pa hinihin-" boses ni Calvin.

"V-Vin" mahinang pagtawag ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko silang dalawa sa harap ng pinto. Hindi pa pala tuluyang nakakaalis si Savian. "V-Vin, t-tulong" nakita kong nanlaki ang mata niya nung makita ang sitwasyon ko. 

Pupuntahan na niya sana ako pero pinigilan siya ni Savian. "No. Vin, j-just let him be." nanginginig na ani ni Savi.

"What the fuck! Let me go!" inis niyang itinulak si Savian at dali-daling tumakbo palapit sa akin. He held my head at put it on his lap. "What happened? Hey, Terrence!"

"O-our b-baby... h-hospital..." konti na lang ay mawawalan na ako ng malay.

"Baby, what baby?" nanlaki ang mata niya when realization hit him. Dali-dali niya akong binuhat palabas ng bahay. "Savi! Open the back seat!" sigaw niya. Wala ng nagawa si Savian kundi sumunod. Agad akong inihiga ni Calvin sa backseat at nagtungo agad sa driver's seat. 

Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang mga takot na mata ni Savian. Hindi na siya sumama sa amin. Pinaharurot ni Calvin ang sasakyan papuntang hospital. Hinang-hina kong hinawakan ang tiyan ko.

~Baby, please, kumapit ka. Kumapit ka lang~




To Be Continued...

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon