Terrence's Pov
To my dismay, si Liel ang iniluwa ng pinto. May pagkain siyang bitbit. "Good morning po. Breakfast na po kayo, Sir." panimula niya. Bahagya pa akong natigilan dahil sa pagbati niya.
"Dito ka ba natulog?" naitanong ko na lang. Napatigil naman siya sa pag-aayos ng kakainin ko.
"Kailangan ko po kasing umuwi kagabi, minessage ko na lang po si Sir Calvin na nandito na po kayo at kailangan ko ng umalis." paliwanag niya.
"Anong sabi niya?" umaasa pa rin ako na kahit konti, may pake pa rin siya.
Sandali pa siyang napatitig sa akin bago mapayuko, "A-ano, Sir... h-hindi po nagreply si Sir Calvin, eh. Inihabilin ko na lang po kayo sa guard."
"Ganun ba? Pero bakit bumalik ka pa dito?" takang tanong ko. Taka din siyang napatingin sa akin.
"Po? Uhmm, tinext niyo po ako, Sir. Sabi niyo po na kung pwedeng puntahan po kita dito kasi wala po kayong kasama." paliwanag niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"Hindi naman kita tinext ah." bahagyang napatabingi ang ulo niya sa pagtataka bago kinuha ang phone at ipinakita sa akin ang text.
Meron nga akong text. Pero bakit hindi ko matandaan na nagtext ako sa kanya. Inalis ko na lang iyon sa isip ko dahil baka hindi ko lang maalala sa sobrang sakit ng ulo ko.
Kinain ko na lahat ng niluto niya. Pasalamat na rin ako dahil pumunta siya. "Hindi ka ba hahanapin ni Calvin?" napatingin naman agad siya sa akin. Kasalukuyan niyang nililigpit ang mga pinagkainan ko. "B-baka, may ipapagawa pa siya sa'yo..." pahina ng pahina kong sabi sabay iwas ng tingin.
"A-ano, Sir... M-may schedule p-po ako. Tuwing W-wednesday lang po ako kailangan ni Sir Calvin."
"Ah, okay. Pwede ka ng umalis after mo dyan. Kaya ko naman na ang sarili ko."
"Sigurado po ba kayo Sir?" actually, no. Masyado lang masakit sa mata ang presensiya mo.
"Oo, sigurado ako." tumango na siya sa akin at naglakad palabas ng kwarto ko. "Uhmm, Liel..." agad naman niya akong nilingon. "S-salamat." tipid akong ngumiti. Nginitian rin lang niya ako.
Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Naiwan na naman akong mag-isa. Pero kasi, kung mananatili pa siya dito baka lalo lang akong masaktan. Presensiya niya lang ang kaya kong tagalan dahil siya lang naman ang mabait sa kanilang tatlo.
~May schedule? Kailan ako masasama sa schedule na 'yun?~
Itinigil ko na ang malalim na pag-iisip at nahiga ng muli. Ilang araw na namang hindi uuwi si Calvin. Lagi niya iyong ginagawa kapag ganito ang kondisyon ko. Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba akong tulungan man lang o sadyang umiiwas lang siya.
~A week after~
Tama nga ako, dahil isang linggong hindi umuwi si Calvin. Kahit text o tawag wala. Hindi talaga siya nagparamdam ng isang linggo. Pero sana nga hindi na muna siya nagparamdam kung pagbalik naman niya, panibagong sakit lang ang dala.
Nanonood ako ng TV sa sala namin at 'di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Bigla na lang akong nakarinig ng mahihinang halinghing na alam kong nagmumula sa 'di kalayuan. Nagpanggap akong tulog hindi dahil gusto ko silang mahuli, kundi para maiwasan ang pagpapahiya sa aking sarili.
"Shhh... he might hear us... mhmm..." alam kong boses ni Calvin yun. Kahit bulong lang, kilalang kilala ko na ang boses niya.
"Ohhh... goodness... he's already asleep... tara na sa taas..." si Savian. Pagkatapos ng secretary niya, si Savian naman ang iuuwi niya dito.
Narinig ko na ang mga yabag nila paakyat ng hagdan hanggang sa tuluyan na itong mawala. Pagmulat ng mga mata ko ay siyang sunod- sunod na pagtulo ng luha ko.
Hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas ng loob para umakyat at pumasok sa kwarto ko. Gusto ko na lang matulog pero rinig na rinig ko sila.
Every moan and groan, I can clearly hear it all. While my heart is being shattered into pieces again, there they are, pleasuring their selves from each others body.
Good thing my tiredness make me fall asleep. Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising para gawin ang mga dapat kong gawin.
We don't have maids na pwede kong utusan to help me, because Calvin said na kaya ko naman ng mag-isa. Kaya lahat ng gawaing bahay, ako ang gumagawa. That's my role in this house.
Pagbaba ko ay nakita ko si Calvin sa sala at abalang nagtitipa ng keyboard sa kaniyang laptop. Nakita ko naman si Savian malapit sa front door namin, may kinakausap sa phone niya.
Napaangat ang tingin ni Calvin sa akin, walang emosyon na naman. Agad naman niyang ibinalik ang tingin sa ginagawa, "Magluto ka na, dito kami kakain ng breakfast." aniya. Napatango na lang ako.
Dumiretso na ako sa kusina at naghanda na ng mga dapat kong lutuin. Alam ko naman na ang mga gustong kainin ni Calvin at Savian. Si Savian, mapili siya sa pagkain, pero kung may isang bagay ang hindi niya kinaiinisan sa akin, iyon ay ang aking pagluluto. Hindi na bago ang pagsabay niya sa amin sa almusal dahil madalas din naman siyang iniuuwi dito ni Vin.
As for Calvin, I don't know what he thinks about my cooking. Hindi naman siya nagbibigay ng comment or what, so I just cook what I think he'll like. Mabilis lang akong natapos sa pagluluto at agad ko ng inihain ito sa mesa.
Matapos kong maghain ay nagtungo na ako sa sala and there, there I found Savian sitting on my husband's lap. They're making out. Napakagat na lang ako sa labi ko bago magsalita.
"A-ano, sorry for disturbing but breakfast is ready." napatingin naman agad sila sa akin so I turned my gaze away.
"Yeah, susunod na kami." my husband said coldly.
Naglakad na ako pabalik sa dining room not really minding what I saw. Habang hinihintay sila, nagcheck na muna ako ng phone ko.
I scrolled through my social media accounts and found out that they are back.
~Will they get mad if they knew what's really happening between the two of us?~
To Be Continued...
Note:
Additional Characters:
Maverick Lacson as Louise Federick Gozon
- Terrence and Calvin's bestfriend
-Alpha
Joshuel Bautista as Jean Lexter Guazon
-Calvin's bestfrined
-Terrence close friend
-Alpha
BINABASA MO ANG
WHEN WILL IT BE ME?
FanfictionCalvin and Terrence are married. Calvin is the CEO of his own company and Terrence is a simple househusband. Everyone thinks that they are a perfect couple but little did they know that behind all the smiles they give outside is just for good public...