Epilogue

365 11 4
                                    


I walked in the open ground. I'm enjoying the fresh air and the soft green grass. Humiga ako sa damuhan at tiningnan ang kulay asul na langit. May mga ilan akong nakitang ulap.

Mayamaya pa ay may dumaan na grupo ng lumilipad na mga ibon. Napangiti ako. Ang sabi ni Papa, playground daw itong pinuntahan namin. Pero lagi akong nagtataka kasi wala namang mga batang naglalaro, katulad ko. 

We are here to celebrate my 8th birthday. Last year, sobrang laki ng naging celebration ko. Sobrang daming invited na mga guest. Ang karamihan pa ay mga businessman na hindi ko naman kilala.

Humiling ako kina Taytay na sana simple na lang ang maging celebration ng birthday ko. Gusto ko tahimik lang at walang masiyadong bisita. Tinupad naman nila.

Ako rin ang humiling na dito kami sa playground mag-celebrate kasi for some reason, I can found comfort in here. May mga daisies akong nakita sa tabi ng daan kanina at sobrang saya ng puso ko na parang iyon ang pinakamagandang regalong nakita ko kahit hindi naman iyon para sa akin.

Nandito kaming lahat sa playground, maging sina Mamita at Lola Mommy. Nandun sila, naghahanda ng mga kakainin namin.

"Firi! Anak! Nasaan ka ba?" narinig ko na ang sigaw ni Papa. Malamang ay kakain na kami. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. 

"Papa!" nakangiti niya akong sinalubong ng yakap. 

"Kung saan-saan ka nagpupunta, mamaya mawala ka pa." he said. Binuhat niya na ako palapit kung nasaan ang iba.

"Oh, nandito na ang Baby Firi namin!" pagkalapit namin ay agad akong binati ni Taytay Liel.

"Hindi na po ako baby, Taytay." tinawanan lang niya ako. Ibinaba na ako ni Papa Savi at tumakbo naman ako palapit kay Tata Migs. Hinawakan ko ang tiyan niya.

"Hala! Anlaki na po ng tiyan niyo! Masakit po ba magbuntis, Tata Migs?" natawa naman siya at ginulo-gulo ang buhok ko. 

"Firi, masakit magbuntis pero mas masakit kapag ginagawa pa lang." nahampas ni Tata Migs si Tata JL dahil sa sinabi nitong hindi ko naman naintindihan.

"Paano po ba gumawa ng baby, Tata?" inosente kong tanong.

"Hay nako kayo. Firi, come here." si Taytay Lou naman ang tumawag sa akin. Agad naman akong lumapit.

"Bakit po Taytay?" 

"Masiyado ka pang bata para sa usapan na iyon ha. Saka na kapag malaki ka na, ang baby baby mo pa, kung ano-ano ng tinatanong mo." pangangaral niya.

"Hay nako. Eto na naman po ang napaka istriktong Taytay Lou." pang-aasar ni Tata JL kaya binato siya ni Taytay ng paper plate. Natawa naman ako dahil dito.

"Firi, may iba ka pa bang gusto, for your birthday? Sabihin mo lang, bibilhin agad namin." ani Papa Savi.

"Wala na po, Papa." masiglang sabi ko.

"Sigurado ka ba apo. Wala ka ng ibang gusto?" tanong ni Lola Mommy. Kasalukuyan silang magkakaharap nina Mamita ngayon.

"Wala na po talaga, ang mahalaga kumpleto tayo ngayon!" napangiti naman silang lahat dahil doon. 

Sobrang saya ko talaga dahil kumpleto kami. Si Papa Savi, Si Taytay Lou at Taytay Liel, Si Tata JL at Tata Migs, si Lolo Daddy at Lola Mommy, pati si Mamita at Grandpa. 

May nahagip ang mata ko. Nilapitan ko iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang tanong ko. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung anong dahilan.

Tuwing pupunta kami dito sa playground, saka ko lang nararamdaman na kumpleto talaga kami. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang nilapitan na pala ako ni Papa Savi. Tiningnan niya rin ang tinitingnan ko.

~Calvin Gabriele Gonzaga~

~Terrence Jax Gonzaga~

Pagbasa ko sa pangalan. "Papa," pag-agaw ko sa atensyon ni Papa Savi. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin. 

"Why, anak?" 

"Papa, bakit po nasa kahon na 'yan si Daddy at Dada?" inosente kong itinuro ang dalawang kahon na parang tiles sa harap naming dalawa. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Huminga siya ng malalim at saka umupo para magpantay ang tingin naming dalawa. Niyakap niya ako bigla. Nagulat ako dahil dito.

Naramdaman ko na lang na nababasa na ang damit ko sa bandang balikat.

"Papa, umiiyak ka ba?" humarap ulit siya sa akin. Nakita kong pinupunasan niya ang mga luha niyang walang tigil sa pagtulo. "Papa, why are you sad?" I held his cheeks.

"Do you know that your Dada love flowers, specially daisies?" he suddenly asked. 

"Hindi po." I honestly answered.

"And do you know that your Daddy used to left a bouquet of daisies in front of their door for your Dada?" he added.

"Hindi rin po." natawa naman siya sa sagot ko. Nakangiti siya habang umiiyak pa rin. Hinila niya ako and he made me sat on his lap. Tiningnan niya yung dalawang kahon kaya tumingin din ako doon. 

"You know, ipinaglihi ka ni Terrence sa mga bulaklak at sinadya pa talaga ni Calvin ang bulaklak na gusto ng Dada po sa Davao." pagkukwento niya.

"Sa Davao po? But, that's too far away from here." kunot-noo kong tanong.

"Exacty, ganun kamahal ng Daddy mo ang Dada mo. Kakaiba ang naging pagmamahalan nilang dalawa, Firi." 

"What do you mean pong kakaiba?"

"One of them hid for a long time and one of them waited forever. They are both inside a book but never been on the same page." malalim niyang ani.

"Do you mean to say that Daddy and Dada didn't experienced forever?"

"No, Firi. They had experienced their forever. They had experienced it together."

"Is there any chance na aalis po sila sa kahon na 'yan?"

Malungkot naman siyang tumingin sa akin habang ako, tinititigan lang ang mga kahon sa harap ko. 

"Kung nasaan sila ngayon, hindi na sila pwedeng bumalik dito, Firi. But you don't have to worry, alam ko namang binabantayan ka pa rin nilang dalawa. Besides, you're the fruit of their unconditional love for each other." ngumiti sa akin si Papa so I smiled back. He pinched my nose.

Napatingin ulit ako sa mga pangalan nila sa kahon. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Papa. Hindi ko maintindihan ang mga kwinento niya. But I promised, kapag lumaki na ako, ipapakwento ko ulit kay Papa and I'm sure by that time, maiintindihan ko na.

~You're in your own paradise now, You had found your happily ever after~



End.

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon