Chapter 14

438 16 3
                                    

Calvin's Pov

Matapos ang pag-uusap naming tatlo ay pumasok na kami sa loob ng kwarto. Natutulog pa rin si Terrence at hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanya na wala na ang baby niya, ang baby namin.

Naupo sina JL at Lou sa maliit na sofa sa loob ng kwarto samantalang ako, sa tabi niya naupo. Kinuha ko ang kaliwang kamay niya. I caress his left hand and put it on my cheeks. 

~How can I tell you the bad news without you hurting?~

Mayamaya pa ay unti-unti na niyang iminulat ang mata niya. His tired eyes landed on me. 

"C-Calvin..." hirap niyang ani.

"Shhh... Magpahinga ka lang muna." pero umiling lang siya. Napalunok ako.

"N-no... M-my baby, our baby, where's our baby? How's our baby?" napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

~Paano ko ba sasabihin?~

"Terrence, just rest muna, ha. Mas kailangan mo yun ngayon." pero hindi siya nakinig at nagpumilit maupo. Napatayo ako at agad siyang inalalayan.

Agad niyang tiningnan ang tiyan niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin, nagtatanong ang mga mata niya. "Calvin, sagutin mo ang tanong ko, please." pagmamakaawa niya.

Napaiwas ako ng tingin at napakagat sa labi ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin, hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi. 

"Calvin, please..." hinigit pa niya ng bahagya ang damit ko. Napabuntong- hininga ako ng malalim.

Tiningnan ko siya, mata sa mata. "Listen carefully okay?" he eagerly nodded. "Sabi ng doktor, mahina talaga ang kapit ni baby-"

"P-pwede bang get straight to the point na l-lang? I-I already know that kasi" pigil iyak niyang ani.

Isang malalim na naman na paghinga. "TJ, the baby is gone. Our baby is... is g-gone." finally, I said it. 

Bahagya siyang natigilan at sunod-sunod na umiling. Nakita kong nagising na rin si JL at Lou. "No! No!" habang sinasabi iyon ay mahigpit siyang nakahawak sa tiyan niya. "Tell me you're just lying! Please, Calvin!" paghigit niya sa braso ko.

Wala akong nagawa kundi ang yakapin lang siya. "I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit kong ani habang mahigpit siyang niyayakap. 

"No!... No!... Tell me! You're just lying right? My baby is still in here, right?" hindi ko siya kayang makitang ganito. "I-Its all my fault! K-kung malakas lang ako... sana...s-sana-"

"No! Its not your fault! Please, don't blame yourself... " mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pag-iyak sa dibdib ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang aluin siya. Napatingin ako kina Lou na malungkot ding nakatingin sa amin.

Binigyan ko sila ng tinging nagsasabing tumawag sila ng nurse. Mukhang naintindihan naman nila kaya agad na lumabas si JL para tumawag nga ng nurse. 

"Shhh... it's not your fault, okay? Its not your fault..." naramdaman kong mas humigpit ang kapit niya sa mga braso ko. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at pagsisi sa sarili niya at paulit-ulit ko ring sinasabing hindi niya kasalanan. 

Dumating na iyong nurse na pinatawag ko at tinurukan lang niya si TJ ng pampatulog. Nawalan siya ng malay sa bisig ko. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Inayos ko din ang kumot niya.

~Ako ang dapat sisihin, kung alam ko lang sana, kung nandun lang sana ako, baka hindi ito nangyari~

Napabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa balikat ko, si JL. "Sabi mo kay TJ 'wag niyang sisihin ang sarili niya, pero heto ka at iniisip mong kasalanan mo." hindi ko namalayang umiiyak na rin pala ako.

"Totoo naman eh, kung alam ko lang talaga sana-"

"Yun na nga eh, hindi mo alam. Kaya hindi mo kasalanan, Calvin. Siguro, hindi pa talaga oras para magka-anak kayo." napatingin ako kay JL.

"Kahit na, ilang beses niyo akong sinabihan pero hindi ako nakinig. Kung noon pa ako nakinig-"

"Vin, kahit na noon ka pa nakinig sa amin, sa tingin mo ba hindi mangyayari ang business trip mo sa Japan at pagbalik mo may mga papeles ka na agad na pipirmahan na kulang pala kaya ipapakuha mo kay Liel tas may pinadagdag ka, na si Savian ang kukuha? Hindi 'di ba? Talagang tadhana at kapalaran lang ninyong dalawa iyon. Malamang, hindi pa talaga oras para magka-baby kayo."

"At sa tingin ko kailangan niyo munang ayusin ang relasyon niyo bago kayo magka-anak." Lou interrupted. Nalipat sa kanya ang tingin ko. "The two of you should talk about your marriage kapag okay na ang kalagayan ni Terrence." napatingin ako kay Terrence. I held his hand. 

"Tuparin mo muna ang pangako mo bago ka humiling ng anak."pang-aasar ni JL.

"Sira ka talaga!" mapaglaro kong hinampas ang kanyang braso. 

"May nakakalimutan ka yata," ani Lou. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sina Savian, bukod sa kailangan mo siyang kausapin tungkol sa nangyari, kailangan mo ring mag-sorry sa kanya, sa kanilang tatlo." 

Napatango-tango ako dahil sa sinabi niya. "Kakausapin ko sila," napatingin ako kay TJ, "Kapag naayos ko na yung sa aming dalawa. May plano din kasi akong gawin para makapagsimula muli kaming dalawa." nakangiti kong ani.

"Hinay-hinay lang Calvin, baka mabigla si Terrence, remember, he lost a child, the both of you. Dapat handa ka sa kahit anong reaksyon niya once na nagising na naman siya. Nakita mo naman kanina 'di ba?" pagpapaalala ni Lou.

"Alam ko naman iyon, don't worry, hindi na ako maduduwag, paninindigan ko na siya this time." I assured the both of them.

"Saka, please, kung ipagtabuyan ka man niya, sana 'wag kang basta-basta susuko. Calvin, please, gawin mo ang lahat para magkaayos kayong dalawa. 'Wag mo ng dadagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi na talaga ako magdadalawang isip na basagin 'yang gwapo mong mukha." biro na may halong pagbabantang ani Lou. 

Natawa naman kaming dalawa ni JL dahil sa sinabi niya. "Kung makapagsalita ka, parang aalis ka na naman ah." naniningkit ang matang ani ko.

Mahina siyang tumawa kaya parehas kaming naguluhan ni JL. "Lou, don't tell me..." ani JL.

"Relax... 2 months lang naman, may mga kailangan lang asikasuhin," mukhang hindi kumbinsido si JL kaya napaangat ang isa niyang kilay. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi ng mga ito. "Tsk, oo na, sige na! Kasama ko si Kevin! Actually, one month ko na siyang nililigawan at naipangako ko kasing dadalhin ko siya sa Denmark."nahihiya siyang napatingin sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko dahil doon. Kaya pala madalas ding nagmamadali si Liel minsan umuwi nung mga nakaraang buwan. "Ipinagpapaalam mo na ba siya sa akin ng vacation leave?" pag-uusisa ko. 

"Oo, sana?" natawa naman ako.

"Biro lang. Oo naman, pero pwede bang kausapin ko muna siya bago kayo magbakasyon para naman wala na siyang isipin." pagbibiro ko pa at nakangiti naman siyang tumango.

"Ano... Calvin, actually... ako din may ipagpapaalam..." pagsingit ni JL sa usapan. 

"Ano yun?"

"Si Ellizer kasi... niyaya ko rin siya ng out of town eh." napamaang na lang ako. 

"Talagang mga empleyado ko ang tinitira niyong dalawa ahh." hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanilang dalawa.

"Sige na, sige na, sa inyong sa inyo na si Migs at si Liel pero kakausapin ko muna sila, ha. Malinaw yun."

"Oo naman, basta, ayusin niyo yung sa inyo ni Terrence. Hindi rin naman kami makakaalis at makakapagbakasyon ng alam naming hindi kayo nagkakaayos." ani JL.

Napangiti naman ako dahil doon. Tiningnan ko muli si TJ na mahimbing na natutulog. Mabuti at hindi siya nagigising sa ingay naming tatlo. 

Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. 

~I'll fix everything, We'll start over again~



To Be Continued...

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon