Terrence's Pov
Hindi nga kami tumuloy sa engagement party ni Mr. Lim. Wala na akong nagawa kundi tuluyan ng umuwi.
~Naiinis na ako, pangalawang beses na akong naghanda para sa party pero 'di naman natutuloy!~
Kahit pilitin kong matulog ay hindi pa rin ako mahimbing. Bumangon ako at bumaba sa sala.
~12am na~
Hindi ko alam pero merong nagsasabi sa aking maghintay dahil sigurado akong uuwi si Calvin ngayon. Nanood na lang muna ako ng TV, baka sakaling dalawin ako ng antok.
Nakatapos na ako ng isang movie ay hindi pa rin ako inaantok. Lalo lang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Vin sa labas. Inabangan kong makapasok siya sa pinto.
Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya dahil sa akin agad tumama ang paningin niya. Tinitigan niya ako ng ilang sandali. Kakaiba ang mga titig niya sa akin ngayon. Sa unang pagkakataon ay may naramdaman akong emosyon pero saglit lang iyon.
Iniwas niya ang kaniyang paningin at bumuntong hininga. "B-bakit gising ka pa?" aniya.
~Ako ba ang kausap niya?~
"A-ah, hinihintay ka..." mahina kong ani. Bahagya naman siyang natigilan dahil sa isinagot ko. Tumingin siya sa akin. Akala ko ay pagagalitan niya na naman ako dahil nung huling beses na hinintay ko siya ay sinigawan niya ako bigla.
"Matulog ka na, dadalaw si Federick dito bukas." mahinahong aniya. Napaawang ang labi ko dahil sa tono ng kaniyang pagsasalita.
~Sa unang pagkakataon ay kinausap mo ako ng mahinahon, may emosyon na hindi ko matukoy~
"Terrence..."
"Terrence..."
"Terrence!" bahagya niyang inuga ang balikat ko. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Masiyado siyang malapit sa akin ngayon.
"H-huh?" napatingala ako sa kanya dahil kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa sofa.
"Ang sabi ko, matulog ko na. Lou will drop by here tomorrow." kalmadong pag-uulit niya.
~Naninibago talaga ako... Anong nakain nito?~
"P-paano kapag nagtanong siya tungko-"
"Tell him the truth." he avoided his gaze after.
"W-what?" naguguluhan kong ani.
Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Tell him everything. 'Wag kang magsisinungaling, 'wag mo kong pagtatakpan."
"P-pero.."
"Just listen, okay." kunot noo niyang ani. "Just do it. No buts. Just follow." mariin niyang ani bago maglakad paakyat sa kwarto niya. I just heaved a sigh.
~Ganun pa rin pala. Hayst~
Ilang minuto ang nakalipas at umakyat na rin ako sa kwarto. Mabuti at nakatulog agad ako. Kinabukasan, akala ko hindi aalis si Vin dahil sabi nga niya, darating si Lou pero nung kinatok ko ang kwarto niya, napagtanto kong wala na pala siya. Baka may importanteng aasikasuhin sa company.
Naglinis at inihanda ko na lang ang bahay para sa bisitang darating mamaya. Nagluto din ako. Mga alas tres na ng hapon nung may mag-doorbell. Dali-dali ko itong pinagbuksan at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Lou kaya unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi ko. Nagulat ako dahil hindi lang pala siya ang pupunta.
"TJ." kinabahan ako bigla dahil sa tono ng pananalita ni JL. Yes, JL is with him. Napakaseryoso ng mga mukha nilang dalawa.
"J-JL, Lou... uhmm... come in." panimula ko. "W-wala si Vin, maagang umalis, eh. May aasikasuhin sigurong importanteng mga pape-"
BINABASA MO ANG
WHEN WILL IT BE ME?
FanfictionCalvin and Terrence are married. Calvin is the CEO of his own company and Terrence is a simple househusband. Everyone thinks that they are a perfect couple but little did they know that behind all the smiles they give outside is just for good public...