Chapter 22

453 20 5
                                    

Terrence's Pov

~11 months later~

"Shhh... Tahan na poo... Parating na si Daddyyy... tahan na po, Baby Firi kooo..." patuloy ko lang pinapatahan si Baby Firi. Hindi naman siya gutom, hindi rin siya dumumi, hindi ko na alam kung bakit iyak ng iyak ang batang ito.

"Oh! Bakit umiiyak ang Baby Firi namin?" boses ni Calvin. Lumapit siya kaagad sa aming dalawa. "Love." he kissed me on my forehead. 

"Love." I kissed him on his cheeks. He then proceed to kiss Firi's nose. 

"Pinaiyak ka ba ni Dada, ha?" siya naman ang sumubok magpatahan. Kinuha na niya sa akin si Firi. 

"Hindi ko nga alam kung bakit siya iyak ng iyak eh." nilaro-laro lang siya ni Calvin at tumigil na ito sa pag-iyak. 

"See, Love. Mas favorite niya talaga ako kesa sa'yo." pang-iinggit niya.

"Favorite. Oo, favorite ka niya pero kapag lumaki siya ikukwento ko kung gaano ka kawalang kwenta nung nanganak ako." pagsusungit ko.

"Grabe, sorry na nga. Kinabahan lang ako nun, eh. Promise, babawi ako next time."

"Next time? Anong next time?" 

"Next time, kapag nanganak ka na ulit. Gawa na ulit tayo ng bago, Love." pinalo ko ang braso niya. "Aray naman!"

"Anong gawa ng bago?! Wala pang 5 buwan si Firi gagawa na ulit tayo? Ikaw kaya ang manganak! Kala mo madali eh!" mga kalokohan talaga nito.


~Flashback~

"Calvinnnn!!! Arayyy!!! Manganganak na ata akooo!!!" pagdaing ko dahil sobrang sakit na ng tiyan ko.

"Ano?!" marahas na bumukas ang pinto ng kwarto. "Anong manganganak?! Sinong manganganak?!" bakit ba ngayon pa siya nataranta?

"Ako! Ako 'yung manganganak! Dalian mo naaa! Ang sa-sakit na ng tiyan ko!"

"Te-teka, tatawagan ko muna sina JL!"

~Aiishhh! Bakit kaya hindi mo muna ako dalhin sa hospital?!~

"Calvin! Ano ba?! Anak mo 'tong lalabas sa tiyan ko! Dalhin mo na ako sa hospital! Ang sakit-sakit na!"

"Shit!" kahit na natataranta ay binuhat na niya ako pababa at agad na isinakay sa kotse. Sobrang sakit ng nararamdaman ko kahit nasa biyahe pa lang kami.Nang makarating kami sa hospital ay agad naman akong inasikaso.

On going na ang operation ko at kanina ko pa ipinapatawag ang asawa ko para may makapitan ako pero wala pa rin siya hanggang ngayon. 

May pumasok na isang nurse, naalala kong ito iyong inutusan ng doktor para ipatawag si Calvin. "Sir, nasa emergency room po yung asawa niyo."

Bahagya kong iniangat ang katawan ko para malinaw ko siyang makita. "Emergency room, bakit? May masama bang nangyari?" taranta kong tanong kahit na sobrang sakit na sa bandang ibaba ko.

"W-wala naman po, Sir, kaso baka hindi na po muna advisable na papasukin siya dito, nahimatay po kasi yung asawa niyo sa sobrang pagooverthink." naibagsak ko na lang ang katawan ko at hindi makapaniwalang mas naunang mahimatay si Calvin kesa sa akin.

~Hindi naman siya ang manganganak pero siya ang nahimatay!~

~End of Flashback~

"Grabe ka naman sa akin." nakatulog na si Firi kaya inihiga na niya ito sa kuna.

"Oh bakit?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Excuse me, ako kaya nagbigay ng magandang pangalan sa kaniya!"

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon