Chapter 10

397 18 5
                                    

Calvin's Pov

Nakarating na kaming hospital at agad kong ipinaasikaso sa mga doktor at nurses ang asawa ko. Mabuti na lang at agad siyang nabigyang pansin. 

Tinawagan ko agad si Lou at sinabi kong dinala ko si Terrence sa hospital, sinabi niya sa akin na papunta na daw silang dalawa ni JL dito.

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako palakad-lakad sa hallway. Hindi ko alam na buntis siya, bakit hindi niya sinabi sa akin. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa pagitan nila ni Savian at kailangan kong malaman kung ano na naman ang ginawa niya sa asawa ko.

Sa ngayon, nailipat na si TJ sa isang private room at hinihintay ko na lang ang doktor niya para malaman kung may masama bang nangyari sa baby namin o kay Terrence o sa kanilang dalawa.

"Kamag-anak ka ba ng pasyenteng nasa loob?" napaangat ang tingin ko sa doktor na lumabas mula sa kwartong kinalalagyan ni TJ. Agad akong lumapit dito.

"Asawa po. Ano po bang nangyari? Bakit siya dinugo? Okay lang po ba siya o yung baby?" taranta kong tanong.

"Mister, huminahon ho kayo. Nalaman namin na sadyang mahina ang kapit nung bata pero don't worry dahil maayos naman ang kondisyon ng asawa mo, unconscious pa nga lang siya. But, yung tungkol sa baby," huminga ng malalim yung doktor.

"Dok, ano ba?! Sabihin niyo na!" naiinis na ako at the same time alalang-alala.

"I'm so sorry, we did everything to save the baby pero mahina talaga ang kapit nito at baka makasama pa sa asawa ninyo kung ipipilit pa namin." napatulala ako dahil sa sinabi ng doktor.

"S-so you mean to say na, na wala na yung baby." 

"I'm so sorry" malungkot na ani ng doktor. "I have to go ahead, marami pa akong pasyente. Pwede ka ng pumasok sa loob." matapos niyon ay nilagpasan na ako ng doktor. Nanghihina kong binuksan ang pinto ng kwarto at dahan-dahang pumasok sa loob.

Mahimbing na natutulog si Terrence habang ang dalawang kamay ay nasa ibabaw ng kaniyang tiyan. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi ng kama. Tinitigan ko lamang ang maamo niyang mukha.

~Sa tuwing natutulog ka lang, doon ko lang kayang panindigan ang pagmamahal ko sa'yo~

Natigil ang pag-iisip ko ng may biglang kumatok. Pagbukas ng pinto ay iniluwa sina JL at Lou. Madami pa silang dapat ipaliwanag sa akin. Nagtungo sila sa kabilang side ng kama. Ramdam kong kinakabahan sila. Nung magtama ang paningin naming tatlo ay ako na ang unang nagsalita.

"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" agad naman silang tumango at nauna ng maglakad palabas ng kwarto. Tiningnan ko muna si TJ bago siya halikan sa noo na lagi kong ginagawa bago umalis ng bahay namin. 

Naglakad na ako palabas at nakita kong nakasandal sila pareho sa pader. "Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na buntis pala siya?" rekta kong tanong. Napatingin naman agad sila sa akin at napabuntong-hininga.

"Its TJ's idea, Vin. Nung nalaman kasi niya na buntis siya, hindi pa siya handang makita ka. Ayaw pa niyang ipaalam sa'yo dahil baka kung ano daw ang gawin mo." pagpapaliwanag ni Lou.

"What? Alam niyo namang hindi ko yun magagawa 'di ba?" 

"Pero ginawa mo na, nasaktan mo na siya, physically at emotionally." mariing ani JL.

"Ilang buwan na siyang buntis?"

"2 months. I bet hindi mo napansin kasi maliit pa lang ang tiyan niya nung huli kang umuwi sa bahay bago ka tumuloy sa business trip mo." ani JL.

"Anong sabi ng doktor? Kumusta yung bata at si TJ?" Lou finally asked. I looked at him with a worried face.

"W-wala na yung baby, na-nakunan siya." konti na lang ay maiiyak na ako.

"What?!" sabay nilang gilalas.

"H-hindi ko alam. Pag-pagdating ko sa bahay, dinurugo na siya. Nag-away ata sila ni Savi..." pahina ng pahina kong sabi.  

"Bakit ba kasi nandun si Savian?!" galit na ani JL.

"I-I asked him to get the papers that Liel forgot to bring. Ka-kailangan na kasi agad-agad pirmahan... Hin-hindi ko naman alam na sasaktan na naman niya si TJ." nakayuko kong pagpapaliwanag.

"Tsk. How are we going to tell him? Sa tingin ko hindi niya matatanggap ang nangyari..." Lou worriedly asked.

"Hindi talaga. Calvin, sa oras na magising na si TJ, ikaw ang magsabi sa kanya." napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni JL.

"What?!"

"Vin, he needs you right now. Stop worrying and hiding, for pete's sake, 5 years na kayong kasal, 5 years mo ng trina-try na balewalain siya, at 5 years mo na rin siyang minamahal patago!" 

"Natatakot ako! Paano kung magawa ko na naman sa kaniya yung nagawa ko nung gabing yun? He's not in his good condition right now at kapag hindi na naman ako nakapagkontrol baka masaktan ko na naman siya..." 

"Ha? At ano sa tingin mo? Hindi pa siya sanay sa lahat ng sakit na idinulot mo sa kaniya sa mga nakaraang limang taon? You said that you're afraid to hurt him physically but you still hurt him emotionally which is more devastating than the first one." pagpapaliwanag niya. "Wake up, Calvin Gabriele! You just lost a child, hindi ka pa kikilos?" 

"We know that you already stopped playing with those three after what happened. The next thing you can do is to approach him and be honest with him, Vin." Lou added.

"Paano kung talagang inayawan niya na pala ako? Paano kung ayaw na niya talaga akong makita? Parang hindi ko yata kayang harap-harapan niya akong ipagtabuyan." nanlulumo kong ani.

"Fuck, Calvin! Napakaduwag mo! Nakapagtiis nga si TJ ng limang taon, ikaw, susuko ka na lang agad-agad!" inis na inis na niyang sabi. 

"I'm sorry..."

"'Wag ka sa'min mag-sorry, hindi namin kailangan 'yan. Say sorry to TJ, ang kailangan namin ay tuparin mo ang ipinangako mo sa amin bago kayo ikasal dalawa." Lou reminded.

"Tama si Lou, this is your chance to fulfill your promise, please Calvin, I know you can do it. Alam nating tatlo dito kung ano ang totoo at sana, sana magkaroon ka na ng paninindigan. Take all the responsibility as you should been in the first place." 

"Huwag mo ng hintaying dumating yung araw na tuluyan ng mapagod si Terrence kakahintay sa'yo. Kakahintay na mahalin mo na ang totoo niyan, hindi naman na niya dapat hintayin kasi nararamdaman mo na, kulang na lang ay ipakita mo sa kanya, ang maiparamdam mo rin sa kanya."

Napayuko na lang ako dahil tumagos sa puso ko lahat ng sinabi nila. Mahal ko si Terrence pero hindi ko kayang panindigan lahat ng iyon. 

~Makakaya ko na nga ba, makakaya ko na nga bang tuparin lahat ng ipinangako ko bago ang kasal natin?~



To Be Continued...

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon