Calvin's Pov
~Flashback~
Noong sinabi ni Lou na tatawagan niya si JL agad ko siyang pinigilan. Nagulat pa ako dahil sabay pa kami ni Terrence. Nakiusap ako sa kanya na sundin na lang si Lou.
Alam kong magagalit silang dalawa sa ginagawa ko pero ito lang talaga ang naiisip kong paraan para hindi ko tuluyang masaktan ng sobra si Terrence.
"Anong kagaguhan yung nakita ko, ha, Calvin?!" inis na binitawan ni Lou ang kwelyo ko. Napahawak ako dito at nag-adjust dahil medyo nasakal niya ako. "Tangina! Calvin! Harap-harapan pa talaga! Ano 'yun?! Bakit yun ang nadatnan ko?!" kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya at iyon din ang naamoy ko. Hindi ko siya masisi.
Napaupo ako sa swivel chair ko. Huminga muna ako ng malalim bago magpaliwanag.
"I'm sorry, alam mo naman 'di ba? Terrence's pheromones is my weakness. Literal na nawawala ako sa sarili ko kapag hindi ako nakapagpigil. Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw kong katakutan niya ko." pagpapaintindi ko sa kanya.
"Eh hayop ka pala eh! Ayaw mong saktan?! Ginagago mo ba ako, Calvin?! Hindi ba dahil dyan sa ginagawa mo, sinasaktan mo na siya?! Nakita mo ba yung mga mata niya kanina? Nasaan na yung kislap ng mga yun?! Tangina! Unti-unti ng nagiging manhid yung best friend ko! Yung asawa mo!" gigil na gigil niyang ani.
"Hindi ko naman sinasadya-"
"Hindi sinasadya?! Pero inuulit-ulit mo pa?! Mahal mo ba talaga ang best friend ko-"
"Tangina naman, Lou! Kwestyunin mo na ako sa lahat pero 'wag na 'wag mong kekwestyunin ang pagmamahal ko kay Terrence! Ikaw, sa lahat ng taong nakakakilala sa akin, ikaw ang may alam kung gaano ko siya kamahal-"
"Kung mahal mo, bakit patuloy mong sinasaktan! Letche naman! Calvin! Nangako ka 'di ba? Nangako ka na hindi mo gagaguhin ang kaibigan ko! Dahil alam naman natin na simula high school pa lang may ugali ka ng ganiyan! Pero ano 'to?! Putangina naman! Nakalimutan mo na yata ang pangako mo!"
"Hindi ko nakalimutan, hindi mo alam kung gaano ako nagtitiis 'wag lang siyang masaktan ng pisikal. Patago ko siyang tinititigan tuwing gabi, patago ko siyang tinutulungan tuwing dadaan siya sa heat niya, patago kong sinasabi kung gaano ko siya kamahal, lahat, patago kong ginagawa para lang maiwasan siyang masaktan ng pisikal!" napapayuko kong ani.
"At sa kagustuhan mong maiwasang masaktan siya ng pisikal, dinudurog mo naman siya, emotionally. Sa kagustuhan mong huwag siyang matakot sa'yo at huwag ka niyang kamuhian, gumagawa ka naman ng paraan para mapagod siyang mahalin ka at kapag dumating ang araw na magsawa na ang asawa mo sa mga kagaguhan mo, baka mawala na siya ng tuluyan sa'yo."
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin samantalang ako, punong-puno ng pag-aalala.
"Calvin, baka nakakalimutan mong nangako rin si JL, na mananahimik siya kapalit ng kasiyahan niyong dalawa pero hindi siya magdadalwang-isip na guluhin kayong dalawa sa oras na umiyak si Terrence sa kaniya dahil sa'yo. Swerte mo dahil sa loob ng limang taon, hindi naisipan ni TJ na kontakin kahit isa sa aming dalawa. Kapag nalaman ni JL lahat ng kagaguhan mo, hindi lang mura ang aabutin mo, sigurado akong lalapat ang kamao niya dyan sa pagmumukha mo."
"Tsk. Iiwas naman ako." napakunot ang noo niya.
"Calvin, seryoso ako dito. Tigil-tigilan mo na kung ano ang pinaggagawa mo. Sinasabi ko sa'yo, kapag si Terrence na ang naubos, baka hindi mo kayanin."
"Sinasabi mo bang pwede niya akong iwan? Na kaya niya akong pabayaan?"
"Alam mo, kung may isa't kalahating gago, ikaw naman, isang daang bobo, isang daang tanga, isang daang gago, at isang daang puta!" inis na inis niyang sinabi iyon sa mismong mukha ko. "Sa tingin mo, anong tumatakbo sa isip ng asawa mo habang ginagawa mo sa iba ang mga bagay na dapat siya lang ang nakakaranas? Sa tingin mo, bato si TJ, walang pakiramdam? Ikaw, sa lahat ng tao, ikaw ang mas nakakakilala sa kanya. Alam mo kung gaano kahina ang loob niya, hindi ba?"
Napayuko na lang ako nang maalala ko lahat ng mga pangyayari simula elementary hanggang college. I was always there for him. Whenever he needs something, patago ko iyong ilalapag sa mesa o locker o kung nasaan man siya. Sa oras ng kapahamakan, ako yung nandun para iligtas siya. Naalala kong sobrang inis na inis ako sa kanya nung one time na naisipan niyang mag-commute.
Muntik na siyang magahasa, buti na lang at nakutuban ko na agad iyong driver at mga pasahero kaya nakatawag agad ako ng pulis. Kitang-kita ko kung gaano siya katakot nung time na 'yun na muntik na rin akong mapalabas sa pinagtataguan ko.
Akala lang niya na wala akong pakialam pero ang totoo, sa kada may achievement siyang nagagawa, sa kada nagagawa niyang kapalpakan, sa kada pag-iyak niya, sa kada pagtawa niya, sa anumang kilos niya, nakamasid ako. Patago ko siyang hinahangaan hanggang sa magising na lang ako isang araw na mahal ko na pala siya.
"Mahal mo 'di ba? Bakit hindi mo panindigan? Calvin, alam nating tatlo nina JL na hindi arrange marriage ang nangyari. Sa sobrang kaduwagan mong lumapit sa kanya at hilinging maging boyfriend siya, humiling ka sa mga magulang mong ikasal kayong dalawa na agad naman niyang pinayagan kasi mahal ka niya eh. Handa siyang matali sa'yo kahit na ang alam niya, wala kang pakialam sa kanya. "
"Meron nga eh-"
"Patapusin mo muna ako." napatikom naman agad ang bibig ko. "Takot na takot ka noon nung malaman mong gusto rin ni JL si TJ. Kasi sa mata ng lahat, mas kagusto-gusto si JL, na totoo naman." napamaang ako dahil sa sinabi niya. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Inggit na inggit ka kay JL kasi siya, nakakausap niya si TJ, ikaw, ang alam ni TJ, hindi mo siya gusto. Na kinamumuhian mo siya. Dahil hindi mo na kinaya ang selos at inggit mo, hiniling mong ikasal kay TJ 'di ba?"
"Where the heck will this conversation go? Your point is?" napipikon na ako dahil pinapaalala pa niya ang tungkol kay JL.
"The point is, ikaw ang humiling, ikaw ang may gustong ikasal sa kanya. Nangako ka sa amin na aalagaan, mamahalin, at ituturing mong prinsipe si TJ. Pagbali-baliktarin mo man, obligasyon mo siya, dahil asawa mo siya at asawa ka niya at higit sa lahat dahil mahal mo siya. Ngayon, kung idadahilan mo yang rason mong yan, kaya mo ginagawa lahat ng ito, tangina, ikaw na ang pinakagagong asawa sa buong mundo!" napasandal siya sa kinauupuan niya matapos niyang sabihin iyon.
"Hindi mo na kailangang ipamukha pa, alam ko naman." napapayuko kong ani.
"Alam mo pala, bakit nagpapatuloy ka pa. Please, Vin, he is your omega. Napakaswerte mo sa kanya. Ibalik mo naman, ibalik mo hindi dahil kailangan, ibalik mo kasi kaya mong ibalik, kasi may maibabalik ka. Kasi parehas lang naman kayo ng nararamdaman. Duwag ka lang at walang paninindigan. You're an alpha, right? Act like one." nagpapaintindi ang boses ni Lou. Actually, alam ko naman na lahat ng sinasabi niya, totoong duwag lang ako at walang paninindigan.
~Fuck, Terrence! You're that danger zone I'm trying to avoid, can I move closer to you this time?~
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
WHEN WILL IT BE ME?
أدب الهواةCalvin and Terrence are married. Calvin is the CEO of his own company and Terrence is a simple househusband. Everyone thinks that they are a perfect couple but little did they know that behind all the smiles they give outside is just for good public...