Chapter 8

383 19 3
                                    

Terrence's Pov

Kagagaling lang namin kay Dra. Jacque and JL is right. I am really pregnant. Two weeks na daw akong buntis, sabi ni doktora. 

Nasa biyahe pa lang kami pabalik sa bahay. Si JL ang nag-dadrive at nasa passenger seat naman si Lou. I'm here at the back seat, thinking many things. 

Napabalik lang ako sa ulirat nang magtanong si Lou. "When are you planning to tell Vin?" 

"I'm not telling him" I saw that JL glanced at me through the rear-view mirror while Lou looked at me from behind his seat.

"Why? I mean, he has to know." Lou said.

"Ayoko siyang makita, baka kung ano pang gawin niya." actually, hindi lang naman iyon, natatakot ako na baka ayaw niya sa magiging anak namin at sabihin pa niya na ipalaglag ko ito.

"Pero-" I didn't let JL finish his sentence.

"Saka na lang, ayoko pa talaga siyang makita." 

"Pero paano? Nasa iisang bahay kayo. Anytime pwede siyang umuwi at imposibleng hindi niya maamoy na buntis ka." JL said.

"Saka ko na iisipin yan. Gusto ko na munang makauwi at magpahinga, please." I begged. Naii-stress ako sa kanilang dalawa.

"Okay, We're sorry. Don't stress yourself too much." Lou said. I'm grateful that these two alpha is with me. Hindi ko alam gagawin ko kung wala sila. Buti na lang talaga at umuwi na silang dalawa dito sa Pilipinas.

Naging tahimik na ang biyahe namin hanggang sa makauwi kami sa bahay. Sadly, they had to leave dahil may mga kailangan silang asikasuhin. Naiintindihan ko naman na may iba pa silang responsibility bukod sa akin kaya hindi na ako nagreklamo.

I just requested na bumili sila ng tewnty-four potatoes at gawin nilang potato chips. They just heaved a sigh, finally understanding why I'm requesting too many things lately. 

Nang makaalis na sila ay umakyat muna ako ng kwarto. Naupo ako sa dulo ng kama at pinakatitigan ang tyan ko.

~I still can't believe that I'm pregnant~

That's my first at hindi ko alam na mabubuntis agad ako ng ganun kadali. Pero wala na akong ibang dapat isipin ngayon kundi ang kung paano ko aalagaan at mamahalin ang baby ko.

I'll definitely make sure that he/she will receive the love he/she deserve. Kung kailangan ko siyang ilayo sa sakit, I'll do everything I can to make that happen. Hindi pa man siya nalabas ay nai-imagine ko na lahat ng mga pwede naming gawin kapag lumaki na siya.

I rested my hand above my tummy, I'll give you my full attention and spoil you with love, baby.

Nakatulog ako, sa sobrang himbing ng tulog ko ay 'di ko na namalayan ang oras. I slowly opened my eyes and I saw Calvin...

~Wait, Calvin?!~

My eyebrows furrowed and his eyes widened in surprise. I shut my eyes immediately and open it to make sure I'm not dreaming. When I opened my eyes again, there's no Calvin. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. 

~Bakit ko pa aasahan na totoo yun?~

I just sighed. Baka namamalikmata lang ako. Tumayo na ako at maglalakad na sana palabas when I smelled a familiar scent.

~That is Calvin's scent~

Napalingon ulit ako sa kama only to find one of Vin's clothes on the floor. I realized na doon nanggagaling ang amoy. Napailing na lang ako bago lumabas ng tuluyan sa kwarto.

Dumiretso ako sa kusina para maghilamos at magtimpla ng gatas. I checked my phone and I saw Lou's message. He said that they'll be here at 9am at huwag na daw akong magluto dahil magluluto na sila.

Nilibang ko na lang muna ang sarili ko sa ibang mga bagay na pwede kong gawin hanggang sa mag-9am na wala pa rin sina JL. Naiinis ako dahil hindi sila on-time. 

Mayamaya pa ay may nagdoorbell na. Tiningnan ko ang oras at 20 minutes silang late kaya nakabusangot kong binuksan ang pinto. Napawi agad ang ngiti nila nung makita nila ang mukha ko.

"Hey, what happened? Why do you look like that?" Lou worriedly asked.

"Sabi niyo 9am, anong oras na oh." kunot-noo kong ani.

"TJ, we're just late for 20 minutes, bakit galit ka na agad? Okay lang naman sa'yo maging late kami ah." JL said that made my brows knitted even more.

Nagkatinginan lang silang dalawa bago muling humarap sa akin. "Okay, okay, sorry. Natagalan lang sa pagkulo yung niluto namin. Sorry na, okay?" JL sincerely said.

"Okay! Pasok na kayo! Gutom na ako eh!" my mood shifted easily from angry to cheerful. Napamaang na lang silang dalawa at nakangiting umiling bago tuluyang pumasok sa bahay.

"Here oh, baka gusto mo munang mag-snack. Niluto na rin namin yung request mong potato chips. 24 talaga yan ha, walang labis, walang kulang at fresh lahat." Lou happily said.

I tilted my head slightly, looking at the potato chips. "Why? 'Di ba you requested this?" JL asked.

"Yeah, just put it down there," turo ko sa mesa.

"Hindi mo ba muna kakainin?" 

"Nope. Wala naman akong sinabing kakainin ko eh. I only said na magluto kayo pero wala akong sinabing kakainin ko." I smiled after explaining.

"What?!" bulalas ni Lou. "Terrence Jax! Ang hirap hirap maghanap at magluto tas hindi mo kakainin?! Andami dami niyan oh, sasayangin mo lang!" mahinang sigaw niya which made me teary eyed. 

Agad naman silang nag-alala. "H-hey, I- I didn't mean to..." tumakbo na ako paakyat sa kwarto, hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod nilang sinabi. Nagtalukbong ako ng kumot at doon umiyak ng umiyak.

~Aiisshhh... Napakababaw naman ng iniiyakan ko. Pero kasi, wala naman talaga akong sinabing kakainin ko yun!~

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa kumulo na ang tiyan ko. Tatayo na sana ako pero may biglang kumatok at biglang pumasok sina JL. Sinimangutan ko agad si Lou pagkakita ko sa kaniya kaya naman lumungkot agad ang mata niya.

"You haven't eaten anything yet." ani JL, while holding a meal. Nagliwanag ang mata ko ng makita ko kung ano yung pagkain. Agad akong natakam pero nawala din nung i-abot yun ni JL kay Lou para siya ang magbigay sa akin.

Naglakad si Lou palapit sa akin with a sorry face. Umupo siya sa tabi ko. Naupo din ako at sumandal sa headboard ng kama ng nakabusangot pa rin.

"Look, TJ," panimula niya pagkatapos ilagay sa side table yung pagkain, "I'm sorry, hindi ko naman sinasadya na masigawan kita. Alam mo namang ayaw ko ng may nasasayang na pagkain. Dapat mas inintindi ko yung sitwasyon mo." he said sincerely pero trip ko talagang magtampo ngayon kaya imbes na sagutin siya ay kinuha ko na lang yung pagkain sa side table at nagsimula ng kumain.

Napabuntong hininga na lang siya ng malalim. Nakita kong lumingon siya kay JL at nagkibit balikat.

"Hay, wala pa tayo sa kalagitnaan ng pagbubuntis po, ganyan ka na ka moody. Pero okay lang, we'll always understand you." JL said that made me smile.

~How I wish that that is Calvin whose saying those words. How I wish that he is the one dealing with my mood swings and is right beside me. How I wish that Calvin is here but he's not and he'll never be~



To Be Continued...

WHEN WILL IT BE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon