Chapter Forty-Seven
ANG imahe ni Almira na nasulyapan ni Meredith sa kusina nang umagang iyon ay labis na nagpagulo sa isipan niya. Ilang araw na hindi iyon nakatkat sa isipan niya na kahit hanggang sa trabaho ay dala-dala niya. Ilang beses pa niyang nasinghalan si Gideon dahil maya'tmaya siyang kinukulit.
"I already told you. Just tell her the fucking truth!"
"I don't think she can handle the truth."
"Jack Nicholson much?" her brow raised up in sarcastic retort. "She's not some fucking China doll,so just tell her the truth. Dahil habang pinatatagal mo pa ang pagtatago sa kanya ng totoo ay lalo mo lang pinalalala ang sitwasyon. O hihintayin mo pa bang tuluyan ng magdalaga ang anak niyo bago ka magpakilalang ama sa kanya? And Lou, she had been mourning for years thinking she already lost you."
"Exactly. That's why I don't know where to start? Should I go along the line that I... uh, I was reborn?"
"Reborn my ass. Ano ka isang pambihirang nilalang na binigyan ng isang pambihirang pagkakataon?"
"Aren't I?"
"Tss. Just tell her the truth. It will set you free."
"Ako lang?"
"I stand corrected. I mean, us. It will set us both free. Alam kong magtatampo sa akin si Lou. But knowing how sweet and kind-hearted she is, I'm sure... um, mapapatawad niya rin tayo."
"Sure?"
"Magtatampo sigurado 'yon dahil kahit naman puwede ng maging kandidata 'yon sa kabaitan ay tao pa rin si Louise. Isip-bata nga lang minsan. But that's the good thing about her, hindi rin siya mapagtanim ng sama ng loob."
"Tsk. Natatandaan mo ba no'ng magtampo sa akin 'yon dahil nakalimutan ko siyang sunduin sa school? She ignored me for six months. Six months--jeez. Minor pa kung tutuusin ang kasalanan ko dahil may valid reason ako kung bakit hindi ko siya nasundo. And when she was sixteen, do you know the most outrageous thing she did just because I refused to buy her ice cream? She locked herself inside her closet and didn't eat for almost two days."
"She was young. We do the craziest things when were young. I'm sure hindi niya na maiisip na gawin 'yon ngayon, ano ka ba?"
Napabuga ito ng hangin. Saka parang natutulirong nahagod ang buhok.
"Kung anong laki mong tao siya ring laki ng takot mo kay Lou," naiinis na sikmat niya rito.
"Mahal ko kasi."
Napipilan siya sa sagot nito. Hindi lang sa masuyong paraan ng pagkakasabi nito sa mga kataga kundi sa sinabi nito mismo.
Mahal ko kasi.
She realized love can either make a person strong or vulnerable. Sa pagpikit niya ay para na namang tukso na gumuhit ang imahe ni Almira habang hinahaplos nito ang pipis na tiyan. Gusto niyang muling komprontahin ang asawa. Ang tanungin ito kung may namamagitan ba rito at kay Almira. Ang makita ang kanyang asawa na tila parating kaylalim ng iniisip ay nakadaragdag lamang sa kanyang pagsususpetsa. Her degree in Psychology doesn't work on her husband. She couldn't figure him out.
Lumipas pa ang mga araw at napapansin ni Meredith na halos umaga ng umuuwi si Vengeance. Nang minsang tanungin niya ito ang sagot nito ay may inaayos lang daw itong problema sa kompanya. She didn't rely on his answer so she asked her PI to look into it. And yes, he confirmed na may minor accident nga na nangyari sa isa sa mga luxury ship ng Blythe Shipping Lines. Naagapan daw ang issue kaya naman hindi na iyon naibalita sa alin mang news media outlet.
Somehow ay medyo napanatag ang loob niya roon. Sa sobrang kaabalahan kasi nila sa mga nakalipas na araw ay bihira na silang magkausap. Dumagdag pa roon ang pakiramdam niya na may itinatago si Vengeance sa kanya. Lou calls it feelers but now she prefers calling it a wife's instinct. Vengeance is keeping something from her. And she will definitely uncover it by hook or by crook.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
אקשןSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
