Chapter Forty-Five
"ROCKY?"
Nang dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi ng lalaki ay ganoon na lamang ang tuwa ni Meredith.
"Hello, Madam M."
"Rocky, ikaw nga!" masayang nilapitan ni Meredith ang taong matagal din niyang inasam na muling makita at makausap. "Kumusta?"
Ang lapad ng ngiti nito. Ngiting pamilyar na pamilyar pa rin sa kanya. Bagaman ibang iba na ang hitsura nito sa dati ay naka-dreadlocks nitong buhok. Maiksi na ang gupit nito at mukha ng isang role model citizen. Ang dati'y Hawaiian shirt at tattered jeans na isinusuot nito, ngayon ay simpleng t-shirt, pantalon, at rubber shoes na.
"Nakakapanibago na ang hitsura mo, ha?" aniya rito habang pinahahapyawan ito ng tingin.
Nasa labas sila ng isang establishment. Palabas ito at siya naman ay papasok para bumili ng malamig na inumin.
"Ikaw rin," sagot nito. Mababakas sa mukha ang kaparehong kasiyahan na kanyang nararamdaman. "Lalo kang gumanda. Pihadong patay na patay pa rin sa'yo si Young Master."
"Naku, hindi lang patay na patay," itinaas ni Meredith ang kaliwang kamay para ipakita rito ang suot na wedding ring. "Tinalian na ako para raw hindi na ako makawala."
Napatawa ito nang maikli. "Masaya ako at kayo rin pala ang nagkatuluyan sa bandang huli."
"You mean, hindi ka nakakabalita ng nangyayari sa buhay niya?"
"Itinakwil na rin ako ni Kuya Bee pagkatapos ng," ikinibit nito ang balikat at sadyang hindi itinuloy ang huling mga pangungusap. "Pero teka, ang huling balita ko sa'yo iba ang pinakasalan mo. Atsaka, Zamora ang dala mong apelyido, di ba? Sa'yo nakakabalita ako kasi madalas kang maging laman ng balita. Lalo na kapag mga kontrobersyal na kaso ang hawak mo. Lalo na itong huli, 'yong nagpakamatay."
Ipinalis niya ang isang kamay sa hangin. "Mahabang kuwento."
"Aabutin ba ng isang taon kapag ikinuwento mo?"
Napailing-iling siya kasunod ang maikling palatak. "Makulit ka pa rin. 'Yan yata ang hindi nagbago sa'yo."
"Kakambal ko 'yon, eh."
"May oras ka ba? May deli sa loob, doon na lang natin ituloy 'yong mahabang kuwento," itinuro niya rito ang establishment.
Napangiti ito. "Sige."
She ordered beverages and food they can munch on while catching up. Mahabang panahon man na wala silang balita sa isa't isa ay komportable pa rin siyang kasama si Rocky. Ngumingiti ito at nagbibiro pa rin na tulad noon ngunit kapansin-pansin ang tila lungkot sa likod ng mga mata nito.
"Kumusta ka naman? Ikaw muna ang magkuwento. May asawa't anak ka na ba? Si... Suzy. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?"
"Pinatay ko siya."
She gave him a blank stare. "Puwede ba. I've been around criminals to smell the rotten ones at arm's length. Tell me the truth, Rocky. What happened to Suzy? Where is she?"
Umiling ito. "Hindi ko alam."
At nakita ni Meredith ang katotohanan sa mga mata ni Rocky. People saw him as the tough guy back in Purok 6, when in truth he has the heart of a gentle giant. At kung paanong naniniwala siyang hindi nito kayang pumatay ng tao ay naniniwala siyang hindi rin ito nagsisinungaling sa mga sandaling iyon.
"Hindi ko intensyong pagtakpan noon si Suzy pagkatapos ng tangkang ginawa niya sa buhay mo. Pero isang sikreto ang natuklasan ko tungkol sa kanya at kay Young Master. Sikretong sumira sa paggalang ko kay Master Harry."
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
AcciónSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
