Chapter Forty-Six
MEREDITH was tapping her fingers impatiently on the table. Mag-a-alas dose na ngunit wala pa rin si Vengeance. Lately ay parating busy ito at palaging hatinggabi na kung umuwi. Hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng asawa dahil sa tuwing magtatanong siya ay laging paiwas ang mga sagot nito. And she's beginning to get suspicious of his late night activities. Is he hunting monsters with his friends like he said he does? Or he's busy with something else?
And that something else is what's keeping her awake at night. Oo nga't mahal siya nito katulad ng sabi nito sa kanya. Pero ano ang katiyakan niyang hindi ito maghahanap ng ibang putahe? She remembered that night when she followed him in that bar. Tatlong babae na halos hubo't hubad ang nagsisiksikan sa kandungan nito. And that sight still lingers inside her head up to that day. Bagay na naghatid ng hindi mapangalanang pait sa kanyang dibdib.
Yes, it was her choice. Her mother made her promised na kahit ano ang mangyari ay hindi niya hahayaang matupad ang mga plano ng kanyang ama. Idagdag pa na litong-lito rin siya ng mga panahong iyon. Hindi siya sigurado kung takot, galit, o pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Vengeance. She knew back then that she felt something for him. Ngunit kung gaano kalalim at kung sapat ba iyon para matanggap niya pati na ang madilim na parte ng pagkatao nito ay hindi siya nakatitiyak. And back then, she was pressed for time to outwit her father. Wala siyang panahon na analisahin pa ang nararamdaman para kay Vengeance. Kaya naman pikit-mata ay siya na mismo ang nag-alok kay Ram na pakasalan siya nito.
She wanted to take charge of her life away from the shadow of her father--of Sonny Villegas. And she can only do that by taking a spouse, by taking another man's name. Which made her father furious and disowning her in the process. Pero kung sa palagay nito ay mababago niyon ang direksyong tinahak niya, nagkakamali ito. She's the master of her own fate. Hindi siya makapapayag na manipulahin ng kahit na sino ang buhay niya. Least of all, by her father.
Sinubukan pa siya nitong kumbinsihing bumalik. But she was adamant. Sa huli ay ginamit nito ang Mommy niya para pilitin siya. But her mother refused to be used as pawn that she chose to end her life instead. Isa iyon sa pinakamasakit na kabanata sa kanyang buhay. Sumunod ay ang pagkalaglag ng sanggol na hindi niya akalaing dinadala niya sa sinapupunan. She would have welcomed her baby even if she was conceived out of wedlock. But that matter was taken out of her hands.
Nahagod niya nang wala sa loob ang impis na sinapupunan. Vengeance wants a child. After learning that she lost their supposedly first born, he seemed more persistent now to get her pregnant than before. At kapag nakikita niya ang dismaya sa mukha nito na wala pa silang nabubuo ay dobleng kabiguan ang kanyang nararamdaman. Hindi niya lang masabi rito na siya man ay nasasabik na rin na mabiyayaan sila ng anak. Pero mukhang mailap pa sa kanila ang pagkakataon.
Mabuti sana kung ang pagbubuntis ay para lamang nagpupunla ng palay. Ngunit hindi ganoon. At para namang tukso na kung kelan atat na silang pareho na siya'y magdalantao ay saka naman sila hindi makabuo.
Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok kasunod ang pagpapawala ng malalim na buntonghininga. Pagtayo niya ay eksakto namang narinig niya ang pamilyar na ugong ng sasakyan ni Vengeance. Lumabas na siya mula sa pribadong opisina nito kung saan may sarili na rin siyang mesa. He even provided some built-in storage for her important documents. At dahil bihira naman halos na naroroon ang kanyang asawa ay halos siya na ang gumagamit ng opisina.
Pababa na ng hagdan si Meredith nang bumukas ang front door at pumasok doon si Vengeance. Akala niya ay nag-iisa lamang ito ngunit kasunod nitong pumasok si Almira bitbit ang brief case ng kanyang asawa.
Para siyang ipinako sa kinatatayuan. Bakit magkasama ang mga ito gayong dis-oras na ng gabi?
"Good evening, Attorney," malapad ang ngiting bati ng babae. Sinuklay pa niyon ng mga daliri ang medyo magulong buhok.
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
AzioneSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
