Chapter Forty-Four
MEREDITH had a wonderful night with her husband. Bagay na tila kabaliktaran naman pagdating ng umaga. Nang magising siyang wala na sa tabi si Vengeance ay kaagad niya itong hinanap. Only to find him in the kitchen chatting comfortably with Almira like they were old friends. O old friends nga lang ba?
"Good morning, Attorney," Almira greeted her sweetly. So sweet that she wants to puke.
Halatang-halata ang pekeng ngiti nito. And she's seething inside she wants to pull her hair and wipe the floor with it. The louse. Para talaga itong makulit na insekto na kahit paulit-ulit na tanggalin ay bumabalik at bumabalik pa rin. Tirisin niya na kaya?
"Good morning," nakangiting lumingon sa kanya si Vengeance.
He's wearing a white apron and frying some egg and bacon. Si Almira sa kabilang banda ay tila avid fan na nakatanghod dito na kulang na lang ay magsumiksik sa kilikili ni V.
"You're... cooking?" lumapit siya kay Vengeance at iniyakap at isang braso sa bewang ng asawa. She will show Almira who really owns the man that she had been salivating over.
"Careful, baka matilamsikan ka ng mantika," paalala nito.
"I'm sure you won't let it happen," malambing niyang iniangkla ang baba sa balikat nito.
"I'll protect you with my life, you know that," ikiniling nito ang ulo at pakudlit siyang hinagkan sa labi.
"I know. That's why I'm taking advantage."
"Tsk. Your reputation precedes you, Madam. You are very cruel."
"I should be. After all, I should live up to my title. The venomous black widow. And one of these days I'm gonna show to someone just how venomous I can be," matamis niyang nginitian ang asawa saka ibinaling ang tingin kay Almira.
Tumaas lang ang isang sulok ng mga labi ng babae sa nakaismid na ngiti.
"Almira, please set the table para makapag-breakfast na tayong lahat. Idadaan ko na rin kayo ni Manang sa ospital bago ako pumasok ng opisina."
"Yes, Sir."
Kitang-kita ni Meredith ang labis na katuwaan sa mukha ng babae. Mukhang inaasahan na talaga nitong gagawin iyon ni Vengeance. Well, it wasn't a surprising gesture from her husband because he really cares for his people.
"Puwede mo rin ba akong ihatid?" parang bata na ikiniskis niya ang tongki ng ilong sa balikta ng asawa.
"Sira na naman ang kotse mo?" tila takang-taka nitong tanong.
Napasimangot siya. One time kasi ay nakipagpalit siya rito ng kotse. Not knowing na may diperensya pala iyon. Mabuti na lamang at maalam daw ang taong napagdalhan nito at maayos na nagawa ang sira.
"Ayaw mo ba akong isabay?"
"Of course not. I was just surprised dahil ilang beses na akong nag-offer na ihatid ka sa firm but you always decline dahil katwiran mo ay maa-out of the way pa ako."
Totoo naman iyon. Concern lang naman siya rito. Isa pa ay parati naman siyang may kabuntot na bodyguard na alam niyang mga tauhan nito. Hindi lang talaga siya komportableng ipagmaneho ng sino man sa mga iyon maliban kay Vengeance.
"Napagod ako kagabi at tinatamad akong mag-drive," makahulugang katwiran niya rito. Bagaman ang totoo ay ayaw niya lang ng idea na magkakasama ito at si Almira sa loob ng sasakyan kahit pa naroroon naman si Manang Flor. Halos nasisiguro niya kasing sa tabi ito sa unahan mauupo para dikitan na naman ang kanyang asawa. Puwes, hindi mangyayari 'yon. Hah, over my dead and sexy body!
BINABASA MO ANG
The Untouchables Series Book 2 Vengeance Liu
ActionSPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't love you back no matter how hard you try." Vengeance Liu
