His Wine 20: Mardav's POV

38 2 0
                                    

Ang tanong niya ay nagpa-isip rin sakin.

"There's a guard there, and he may be shock if I showed up there. You know, patay na ako diba?" Dagdag pa ni Blase.

"Subukan kong mag-tanong?" Dalawang isip ko.

"This deep night? He might think you're crazy!" Aniya.

Kahit nag-aalanganin, Master ko pa rin siya at dapat ko siyang pagsilbihan at protektahan.

"Stay dito" aniko at hinarap ang guwardiya.

Gumawa ako ng malapad na ngiti bago nagsalita.

"Magandang gabi po!" Simula ko.

"Oh hijo, sobrang gani na ah? Anong ginagawa mo dito?" Ani nung guwardiya na mga nasa 55 na taing gulang na.

Binuksan niya ang gate ng bahagya para makalabas at harapin ako. Maliwanag dito kaya kita namin ang isa't-isa.

"Dito po ba ang paaralan ni Blase Stanton?"Napalingon ako kay Blase na nakatago sa damuhan. Bahagyang nagulat siya sa tanong ko, eh ako rin eh!

"Si Blase? Oo pero wala na siya eh" sagot ng guwardiya at bumalik ang atensyon ko sa kanya.

"Nandito ka lang ba para tanongin iyon? Gabi na hijo, umuw—"

"Pero Ginoo!" Dali-dali kong hinawakan ang mga palad niya at nagulat sa naramdaman.

Pati rin siya nagulat. Ramdam kong hindi siya ordinaryong tao pero hindi siya bampira.

"H-hindi ka tao?!" Gulat niyang tanong.

"Isa akong bampira, ano po kayo?"

"Bampira? Matagal-tagal na akong hindi nakakakita ng bampira. Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong niya at hindi na ako nagpaligoy-ligoy.

"Labas na!" Tawag ko kay Blase at dahan-dahan naman siyang nagpakita. Hindi pa ito masyadong namukhaan ng guwardiya pero nung mas lumapit na si Blase at dun na niya ito nakilala.

"S-Sir Blase? Buhay ka!" ani nung guwardiya.

"What the heck just happened?" Nguniti lang ako sa kanya at iniwan siyang nagtatanong. Ang ganda lang niyang tignan ng ganyan. Sobrang guwapo.

"Ginoo, bampira rin si Blase at oo buhay siya. Sana huwag ka ng magtanong at kung pwede'y tulungan mo kami?" Aniko at yumango ang guwardiya na ikinasaya namin.

HIS WINE (BL FantaSeries 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon