"Mardavio! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!..."
"...ganyan ba ang tinuro namin sayo, bilang pagsilbihan ang Master mo!"
Ngayon ko lang ulit nakita si ama ng ganito. Nagkaganito lang siya kapag nagkamali ang mga eksperiminto niya o kaya yung sinabi ni Blase na whitchcrafty.
"Ama, gusto ko lang gawing masaya ang buhay ni binigay sakin. Hindi ko alam kung handa na si Bla–Master Blase, kaya kung makamit man niya o hindi atleast naging masaya ako!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Litsugas Mardavio! Bumalik ka sa katinuan mo! Gumising ka!" ani ama habang ang kamay ay nasa magkabilang balikat.
"Huwag kang maging maka-sarili, nakasalalay ang buhay ko sa iyo, sa atin kaya gawin mo ang tungkulin mo" ngayon ay mahinahin na siyang nagsasalita.
"Hawak mo ang kalayaan natin, at ito ang misyon mo. Katulad nila, nakadikit tayo sa kanila kaya kaya kailangan natin maging malaya. Huli na ang pagkakataong ito kung mawawala, tapos na. Hindi kita matutulungan sa paghahanda kay Blase kasi tungkulin mo na ito, tapos na ang tungkulin ko sa ama niya. Kung pilitin ko man hindi gumagana ang buong sistema ko kaya hindi natin maaaring gawin ang mga bagay na gusto nati—"
"Kayo lang naman ang may karapatang maging malaya!" Sigaw ko kay papa at dali-daling lumabas ng bahay at bumalik sa kastilyo.
Una kong nakita si Blase at walang-anumang binigyan siya ng yakap. Bumuhos ang lahat ng luha ko. Ito ang unang yakap ko kung saan ako nakaramdan ng init at sekyuridad.
Nawala ang lahat ng depensa ko ang alam ko lang ay dapat meron akong masandalan at si Blase iyon.
"Ma-Mardav?" Naguguluhan niyang tanong pero di ko siya nasagot dahil sa sobrang bigat ng puso ko.
Ayokong bumalik dun, ayokong maging ganun uli. Ayoko! Ayoko! Sabi ko sa aking utak na ikinaluha ko lalo. Naramdaman ko ang mga daliri ni Blase sa buhok ko at ito yung nagpakalma sakin.
.
.
.
[Please Vote & Share your thoughts!]
BINABASA MO ANG
HIS WINE (BL FantaSeries 1)
VampiroShort Boys Love for every Genre. Discover love in its inevitable way. Serendipity Short BL Series #1: HIS WINE is about the boy who wakes up to find his real purpose of existence, to find what he is longing for, and to find his love.