His Wine 26: Mardav's POV

42 2 0
                                    

"Where's mom? Is she alright?!" tanong ni Blase para pang iba ng topiko.

"Bumalik si tita sa US, ilang araw pagkatapos nun. Hindi niya matanggap ang pagkawala mo at hinabilin muna samin ni Nyll ang pagbabantay dito sa bahay. Pero nung araw na yun, alam kong may sinisigaw si tita sa tubig katulad ng 'ibalik niyo siya', 'anak ko siya wala kayong karapatan sa kanya. May koneksyon ba ang tubig sa lugar niyong mga bampir—"

"But recently, nung nagka video call kami kay tita sabi niya ayos na siya at healthy naman siya dun!" Pagputol ni Nyll sabay kindat at ngiti.

"Right..." malungkot na tono ni Blase.

"Just, just don't tell anyone yet please. From mom, your family, and to the other Stantons.Just wait for me to tell" ani Blase.

"Rest assured, insan" sagot ni Nyll.

Sa mata ni Weng ang daming tanong pero hindi ko siya masisi.

"Uhm, how about you two? Everything going smooth?" pagiiba ng topiko ni Blase.

Walang nagsalita. Ito ba yung...awkward?

"Ahh, can we talk insan? Sa kusina? Kung ayos lang kay Mardav?" Biglang tugon ni Nyll.

Tumingin pa si Blase na oara bang huminhingi ng permisyon at yumango nalang ako para mabilis ang usapan.

Ngayong naiwan nalang kami ni Weng biglang bumuhos na ang kanyang luha at dali-dali naman akong pumunta sa gilid niya para pakalmahin siya.

"May problema ba?" mahinhin kong tanong sa kanya at wala anuma'y niyakap niya ako ng mahigpit.

"Salamat, salamat at nandiyan ka para sa kanya!"

Biglang kumirot ang puso ko.

"Alam kong gusto lang niyang sumaya pero di ko mapigilang mahalin ang gusto ko at alam kong alam niya yun kaya sinakrapisyo niya ang sarili para sa kasiyahan ko pero hindi naman important ang ginawa niya. Tumalon siya sa tulay para maifocus ko ang sarili sa taong mahal ko pero ang pagkawala niya ang nagpahirap sakin at sinisisi ko araw-araw ang sarili ko dahil dun..."
.
.
.
[Please Vote & Share your thoughts!]

HIS WINE (BL FantaSeries 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon