Chapter 40: Mais

2.6K 89 85
                                    

Jairus’ POV

The thing of being in love is that you can’t explain the feelings that occurs suddenly in the chains of situation involving the person you’re in love with. That’s what exactly is happening to me right now, I watch her has she silently finished the cake that she had made after giving me some water when I stupidly choked up awhile ago. For some reasons all I could think about right now is how we would spend the rest of the vacation together and how adorable she is eating the last bite of the cake.

Stupid! Tama ka na nga yan Jairus! Ano ka ba? naririnig mo ba sarili mo? Eh para kang nagmamayari ng kamaisan sa pinagsasabi mo sa utak mo ah?!

“Ayon sa announcement kanina may amazing race daw di ba?” Sabi niya matapos uminom ng tubig. Ayan, isa yan sa iniisip ko, pag sasali kami sa amazing race na yan, malaki ang tsansang hindi kami mag kakasama sa iisang kupunan ni barumbada, matapos ang nangyari kanina? Sigurado akong gagawa ng hakbang ang mangkukulam para mailayo si Sharlene sa akin, and as if I would let her do that.

“Hindi tayo sasali.” I declared after pausing for a second.

“Bakit naman?”

“Sasali din yung mangkukulam na yun mamaya, gusto mong makasalamuha siya?”

“Pero di ba ang rason naman talaga ng isang reunion eh para makipag usap at mag bonding ang magkakapamilya? Bakit tayo hindi sasali?”

“Siya ang rason kung bakit lumalayo tayo sa kanya, ang dami mong tanong barumbada! Pano naman yung sabi ko kanina na— basta! Paulit-ulit ka naman!”

Hindi ko kayang ulitin ang mga sinabi ko kanina, baka maging feeling ‘tong isang to’ at sabihin pang atat akong ma-solo siya!

“Pero di ba—“

“Wala nang pero-pero! Basta! Ako na ang bahala sa gagawin natin mamaya at bukas.” Tumayo na ako at kinuha ang mga pinagkainan namin na hindi ko madalas ginagawa sa bahay.

Habang masayang nag lalaro ang mga pinsan namin pati narin ang mga pamilya nila ng amazing race, kami naman ni Sharlene ay nag libot-libot sa buong resort. Pinakita ko sa kanya ang souvenir Shop na may kakaibang hugis at kulay ng kabebe. At ang babaw ng kaligayahan ni barumbada, todo kuha siya ng litrato sa mga gayak na gusto niya. Bumili pa nga siya ng isang bote na may miniature na barko sa loob nito.

Namasyal din kami sa fish pond na may halos isang daang libong Koi, at mas natuwa pa siya sa kakapanood dito. Matapos maubos ang Shake na binili namin kani-kanina lang, inaya ko naman siyang mamangka sa maliit na lawang parte rin ng resort. Matagal nang pag mamay-ari ng pamilya namin ang resort pero kakarenovate lang nito. Ang gusto talaga nila Dad at mga kapatid niya ay kami ang unang makakasubok sa mga bagong tayo o renovate na gusali ng mga Aquino tulad nito.

Ako lamang ang mag isang nag sasagwan at halos hindi mawala ang ngiti ni Sharlene habang nakatingin sa tubig.

I watch her, no, maybe staring at her. I do this often times sometimes I don’t know, nth times a day? And I know sometimes she notices and sometimes she doesn’t but this time it’s different. Iba ang mga kislap sa kanyang mga mata, parang batang unang beses nakakain ng cotton candy. Nakatingin lang ako sa kanya, at nabwibwisit ako sa sarili ko dahil hindi ko malaman kung bakit natutuwa ako sa mukha ng barumbada sa harapan ko.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan? Para kang tanga.” Namumula niyang sabi. Naalimpungatan ako mula sa narinig sa kanya at binilisan ang pag sasagwan.

“Para ka kasing ignorante dyan.” Sagot ko na agad binawi ang aking tingin sa kanya.

“Ignonarte?” Mahinang natawa siya sa pag uulit ng aking sinabi kaya muli ay tinignan ko siya. “Masasabi mo nga siguro yun, ito ang unang pag kakataon na nakasakay ako ng Bangka.”

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon