Chapter 33: Reasons

2.4K 72 38
                                    

Jairus’ POV

Sharlene never fails to make my heart beat extra-ordinarily.

Para akong bobong naka ngiti ako sa dilim habang nakakapit siya sa aking braso. Kanina lang naka yapos siya sa akin na nag dulot para tumayo lahat ng balahibot ko sa katawan, ngayon naman nakakapit ang kanyang kamay habang nag lalakad kami pababa at hawak-hawak ko ang nag iisang flashlight na nag bibigay ilaw sa amin. Ayos na sana pero bigla nalang tumong ang hinayupak kong tyan dahil sa gutom.

“My gosh! Ano yun?!” Natatakot niyang tanong at mas hinigpitan ang pagkakapit sa braso ko.

Matatawa ba ako o maiinis sa inaakto niya? Masyado na kasi siyang praning. Kung kanina na eenjoy ko pa ang mahigpit niyang kapit ngayon na weweirdohan na ako sa kaparningan niya!

“Baka palaka lang.”

“Hindi! Parang may ungol! Rinig ko eh! Malapit lang sa atin!”

Kung alam mo lang na tyan ko yun barumbada ka. Ang sarap pa naman takotin ang mga tulad niya.

“Shar?”

“A-Ano?”

She’s stuttering, and I smiled in the dark while we take-off the stairs.

“Parang ganito yung nangyari sa movie kanina di ba? Naglalakad siya sa dilim, yung further—aray!”

Malakas na kurot sa aking tagiliran ang aking natamo galing kay barumbada.           

“Buti nga sayo!”

“To naman..”

Nakaabot kami sa kusina, kahit sa pag hahanap ng maaaring makain sa ref hindi parin ako binabitawan ni barumbada at ngayon ko lang naramdaman ang sarap pala sa feeling ng ginagawa niya.

Shit ka talaga barumbada.

Wala kaming nakitang pwedeng makain na makakabusog, tanging ang cake lang na gawa niya nung birthday ko ang nakita namin na pwedeng kainin. Puro karne at gulay ang nasa loob ng ref, mahirap pa naman daw mag luto lalo na’t walang kuriente. Mabuti nga at naka kita kami ng instant noodles sa isa sa mga aparador ng kusina para kahit papaano’y may pang tawid gutom kami. Buti nalang at alam ni Sharlene mag init ng tubig gamit ang stove kundi wala na talaga kaming pag-asang makakain nito.

We were silently eating at the bar counter, at dahil sa gutom ko agad kong naubos ang instant noodles ko.

“Tapos ka nang kumain?” Tanong niya.

“Oo.”

Sa maliit na ilaw galing sa flash light nakikita ko siyang hindi pa siya natatapos kumain.

“Ang bilis mo naman kumain.” Ngumunguyang sabi niya.

Yun lang ang sasabihin niya?! Hindi man lang niya ako aayaing kumain ulit o susubuan man lang?! Napailing nalang ako saka tumayo para kumuha ng tubig.

“Oh? San ka pupunta?”

“Kukuha lang ng tubig! Wag mong sabihing pati sa pag kuha ng tubig sasama ka pa?!” Iritable kong sigaw sa kanya.

Tumahimik siya at nagpatuloy nalang na kumain.

Hindi ko sinadyang mapalakas ang boses ko. Ayun, bigla akong binagabag ng aking konsensya. Alam ko namang takot siya, nasigawan ko pa. At bakit ba ako naiinis? Dahil sa gutom ako at hindi niya ako binigyan ng makakain? Syempre naman, baka gutom din yung tao gago!

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon