Chapter 24: Kiss

2K 64 28
                                    

Sharlene’s POV

Lumayo na ako kay Jairus matapos bumitaw sa paghalik sa kanyang pisnge. Tatayo na sana ako para umalis na ng kwarto nang maramdaman ko ang isang mahinang paghatak sa aking kaliwang kamay.

“Anong ginawa mo?” Gulat na tanong ni Jairus habang pumupwesto ng upo.

“A-ang alin?” Di magkamayaw na sagot ko.

“Hinalikan mo ‘ko no?!”

“Ha- ahh-.”

Sa di inaasahang pagkakataon, bigla akong kinabahan dahil sa ginawa ko. Hinalikan ko siya sa pisnge, eh ano naman ngayon? Hinalikan ko siya pero walang bahid na ibigsabihin yung ginawa kong pag halik.

“Hoy barumbada! Umamin ka! Hinalikan mo 'ko. Naramdaman ko no! Labi mo yun! Kilala ko yang labi mo! Nahalikan na kaya kita kanina sa simbahan!”

Awtomatkong uminit ang aking mga pisnge dahil sa pagpapaalala niya sa akin ng yari kanina. Wala ako sa sarili habang nag sasalita ang pari, ni pag angat niya ng belong suot-suot ko ay hindi ko napansin. Doon lang ako naalimpungatan nang magtama na ang aming…. Mga labi. Erase! Erase! Ayoko ng balikan pa yun! Nakakapangilabot!  Pero teka, bakit ba napaka OA naman ata ng reaksyon ng taong ito sa simpleng halik na yun?

“Eh ano naman ngayon kung hinalikan kita? Sa pisnge lang naman di ba? Saka bat’ ba ang big deal ng halik na yan sayo ha?!”

Nakakainis na siya! Ano bang mali sa ginawa ko? Napaisip tuloy ako, ordinary lang ba ang paghahalik sa pisnge ng basta-basta? Bago ko pa man masagot ang mga katanungang namumuo sa  utak ko, nasaksihan ko ang pag kurba ng isang pilyong ngiti sa labi ni Jairus. Sa pagkakataong ito, alam kong isang malaking katangahan ang ginawa ko.

“So, hinalikan mo talaga ako ah?” Umusod siya papalapit sa akin kaya napaatras ako.

“ah-eh-ano kasi—“

“Ganyan ka ba talaga? Na nunuyo pagkatapos na pag aaway?” May pilyong ngiti pa rin ang naka kurba sa kanyang bibig.

Nakakainis! Bwisit! Bwisit! Ang tanga-tanga mo Sharlene! Ang tanga tanga mo!

“Lumayo ka nga sa akin!” Tinulak ko siya papalayo pero imbes na mambara siya isang malakas na tawa ang lumabas sa kanyang bibig. Tawang mas lalong nagpa kunot sa aking noo. “Ha! Sige tumawa ka lang!” Umalis ako sa pagpakakailalim ng kumot saka tumayo.

“Oh? San ka pupunta?” Naghahabol pa siya ng hinga hawak-hawak ang kanyang tyan.

“Babalik sa kwarto ko.” Mabilis akong naglakad papuntang pintuan, pero nabigla ako sa pag sulpot ni Jairus sa aking harapan.

“Ha! You think you could easily get away with what you’ve done?”

“Alis diyan!”       

“Sorry ka na lang, dahil hindi ka makakalabas sa kwarto nato ngayong gabi!”

“Utot mo!” Pwersahang tinulak ko siya pero nag matigas siya sa aking harapan.

“Mabango.”         

“Umalis ka diyan sa dadaanan ko!” sabay hampas sa kanyang braso ng malakas.

“Aray! Napaka barumbada mo talaga!”

“Alis sabe eh!”

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon