Chapter 57: Intermediate

1.3K 45 38
                                    

Sharlene's POV

Pagkababa namin ng sasakyan, sabay kaming naglakad ni Jairus na magkahawak kamay papasok ng opisina. Mahinang hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Ngumiti siya ng matamis at hinalikan ako sa pisge matapos mahinang binulong ito sa aking tenga, "May surpresa ako sa 'yo mamaya."

"Ano yun?"

"Hay! Surpresa nga di ba? Pano yun magiging surpresa kung sasabihin ko sa 'yo?" Binitawan niya ang isa kong kamay at nagpatauloy ng paglalakad papasok ng opisina hila-hila ako. Pag dating namin, walang pagdadalawang isip na umupo ako sa aking pwesto sa labas ng opisina ni Jairus.

Kakatapos lang ng bagong taon pero parang may hangover pa kami parehas ni Jairus. Gusto ko mang magpahinga pa, alam kong kating-kati na si Jai makapagtrabaho ulit. Kinuha ko ang talaan ng mga gagawin ni Jairus ngayong araw, at sa bawat pag lilipat ko ng pahina naaalala ko ang mga panahong hindi maayos ang pakikitungo sa akin ni Jairus. Hindi ko lubosang maisip na magiging ganito kami ngayon sa isa't-isa parang kailan lang sinisigawan at minumura niya ako sa harapan ng maraming tao ngayon halos ayaw niya akong magas-gasan. Ayaw ko mang balikan ang nakaraan dahil puro masasakit na alaala lang ang dala ng mga ito pero gusto ko parin alalahanin ang parte ng pagkatao ni Jairus na mamahalin at iintindihin ko.

Naantala ang pagmumuni-muni ko sa tunog ng receiver, kaagad kong pinindot ang buton upang masagot ito, 'Mine? Nandyan ka ba?'

Isang ngiti ang kumurba sa aking labi saka sumagot, "Opo Sir, may kailangan ka ba?"

'Ahh, wala lang, na miss ko boses mo.'

"Huh? Eh magkasama pa nga tayo kanina, na miss moko agad?"

'Oo, korni ba?'

"Medyo ho sir." At kahit anong pigil ko, nakatakas parin ang mahinang tawa mula sa akin.

'Kinilig ka naman?' Narinig kong natawa narin siya sa kabilang linya.

"Mag trabaho na ho tayo sir."

'Teka, wala ba akong kiss dyan?'

"Anong kiss? Pano kita hahalikan sa intercom?" Nabigla ako nang tumambad sa aking harapan si Jairus na nakapamulsa at hawak-hawak ang kanyang telepono. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ako sa aking labi. Puro kanchaw at hiyawan ang natanggap namin mula sa nakasaksi.

"Na miss kita." Mahinag saad niya.

"Ano ka ba? Bumalik ka na nga sa opisina mo! Nakakahiya sa mga empleyado!"

"Ang hirap kasing mag trabaho lalo na't nakikita kita mula sa maliit na bintana."

"Edi huwag mong tignan ang bintana, sige na! pumasok ka na sir."

"Sigurado ka bang gusto mong ngayon na ako pumasok? Hindi ka na ba makakapaghintay mamaya sa bahay—sa kwarto?"

"Ang dumi ng utak mo!"

"Ay, iba pala yun? Akala ko naman, pero pwede din mamaya pagkatapos ng lunch."

Akmang itatapon ko na ang hawak ko nang kumaripas siya ng takbo papasok ng kanyang opisina, bago sinarado ang pinto nginitian niya muna ako, "Mahal kita." Saad niya pa saka sinarado ang kanyang pintuan.

Nakangiting tinuon ko muli ang aking attensyon sa trabaho, ang mas nakakatawa, sa lahat ng pagbabagong nangyari sa amin ni Jairus, ang bilis ng tibok ng puso ko ang siyang di nagbago.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon