Jairus’ POV
Nakangiti na siya na tila nahihiya sa kanyang ginawa. Ayun, nagwawala nanaman ang puso ko sa kanyang kinalalagyan. Muntik ko na rin maka limutan na kaarawan ko na pala, sobra kasi akong nag iisip sa mga gumugulo sa aking isipan, at buti nalang nasa harap ko na pala ang kasagutan.
“P-paano mo nalaman?” It didn’t come out like a question but more like a statement.
“Ha? Ahh, may nag email sa akin, ang sabi birthday mo daw ngayon.” Kamot ulo niyang saad. Nalunod na ata ako sa kakatitig sa kanya at hindi na maka ahon pa. “Sorry nagising kita ah, na excite lang ata ako.”
Natawa ako sa kanyang sinabi, kung kasing ingay lang ng bar ang kwarto ko marahil ay dalawa lang ang tunog na naririrnig ko ngayon, ang balintiyak na boses ni Sharlene at ang pintig ng puso ko.
“A-alas dose na? Bat’ gising ka pa?” Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
“Hinintay ko talaga na mag alas dose para ma surpresa ka.” Malawak ang kanyang mga ngiti. Hindi ko magawang mainis sa mga nag lalarong salita sa utak ko dahil ang sarap sa pakiramdam na maging klaro na sa akin ang lahat-lahat.
Sandali kaming natahimik, pero buti nalang napansin kong hawak-hawak pa rin niya ang cake. “A-akin na nga muna yan!” Kinuha ko iyon mula sa kanya. Chocolate cake lang naman ito at walang ka desedesenyo pero sa tuwing tinitignan ko to, gumagaan ang pakiradam ko.
“First time ko mag bake, nag research pa ako para dyan.” Naka nguso niyang sabi na para bang dapat ako magka utang na loob sa kanya.
“Sino ba ang nag email sayo?” Tanong ko nalang para mapahaba ang usapan. Bwisit! Kahit ano nalang iniisp ko eh.
“Isang albertamazing, hindi ko kilala.”
Napa buntong hininga ako dahil sa kanyang sinabi.
“Hay! Si Dad.”
“Ano?”
“Si Dad yun, albert-amazing di ba? Sabi ko naman sa kanya na palitan na ang email address na yan eh! Napaka unprofessional!” Natawa siya sa sinabi ko kaya nakitawa nalang din ako. “Hindi ka natakot?”
“Na ano?”
Isinaklit ko muna ang cake sa kama ko at hinarap siya.
“Na spam lang yun, hindi mo nga kilala yung nagpadala sayo ng email nagpa uto ka na na birthday ko.”
“Teka, birthday mo ba talaga?”
“Kita mo na, sa susunod wag ka magpa uto at buti nalang si Dad talaga yun.”
“Ay sorry.”
“Hindi mo nga ba naisip na spam lang yun?”
“N-naisip sympre.” Gusto ko nang matawa sa mukha niya, hindi dahil nakakatawa siya kundi dahil.. Oo na! Cute siya. “Pero naramdaman ko lang na birthday mo talaga.”
Babad ang utak ko habang pinagmamasdan siya, tinitignan ang bawat pag bigkas niya ng mga salita. Nag lalaro sa aking isipan kung paano niya ginawa ang cake, rinig ko kanina na ito ang una niyang pag kakataong gumawa nito. Gusto kong tignan ang kanyang mga mata pero hindi mapakali ang naglalaro niyang mga tingin mula sa akin at sa paanan.
“Umm, ano—matutulog na ako.” Parang isang alarm clock ang mga narinig ko mula sa kanya at kaagad naka balik sa kung saan na pala ako ngayon. Gumalaw ako ng dantay at ni walang halong pag iisip nang hinila ko sa papunta sa akin at dinampi ang aking labi sa kanyang kanang pisnge.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfic"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino