Sharlene’s POV
Palagi akong napapangiti sa tuwing naaalala ko ang kaarawan ni Jairus nung isang araw. Ang buong akala ko ay maiiwan akong mag isa sa gilid at ang iba ay nag kakasiyahan na. Kung hindi lang dahil sa mga mababait na kaibigan ni Jairus hindi ko mararansan ang ganoong pangyayari sa buhay ko. Malamang kung hindi din ako hinila ni Jairus papunta sa nagkakasiyan niyang mga kaibigan hindi din yun mangyayari. Siguro para kay Jairus wala lang yun, kasi nga nasanay na siya sa party na binibigay sa kanya ng ama niya, wala nga siyang sinasabi tungkol dun sa party eh, pero mukhang masaya naman siya. Minsan nga nakikita ko siyang naka ngiti sa kawalan at ngayon lang niya ako nginingitian pag tumatama ang mga paningin namin.
Mahinang binalumbon ko ang mga detayle sa aking laptop. Ito ang madalas kong pinagkakaabalahan, ang walang sawang pag iinternet buong araw, nauumay na nga ako minsan, at nauubosan na din ako ng mga sites na pwede kong bisitahin. Lahat na ng libro ni Fern Michaels ng Kentuchy halos maubos ko na sa kakabasa.
At sa isang pasadahan ng tingin, naalintana ang aking pagsusurf nang biglang nawala lahat ng binabasa ko.
‘Unable to Connect to the internet
Google Chrome can’t display the webpage because your computer isn’t connected to the internet.’
Nabumuntong hininga ako nang mabasa ito, pati yata internet nagaalboroto na sa pabalik-balik na sites na binibisita ko at gusto na din na lumabas ako ng kwarto. Tiniklop at nilapag ko muna ang laptop ko sa aking higaan at nag inat.
Paglabas ko ng kwarto, para akong naka alpas mula sa isang hawla, ni hindi ko maiwasang ngumiti.
“Hi Manang Lusing!” Masiglang bati ko nang makita siyang kakalabas lang sa isa pang kwarto na napapagitaan ng kwarto namin ni Jairus at may dala-dala pang mga comforter.
“Oh Ma’am, nagugutom ho ba kayo? Gusto nyo ipaghanda ko kayo ng makakain?”
“Nako wag na ho! Baka tumaba ako niyan, wala pa naman akong ginagawa dito, siguradong lolobo ako.”
“Ah ganun po ba? Sige po, papalaundry ko muna to.”
“Okay po.”
Bumaba si Manang Lusing na dala ang mga comforter mula sa kwartong pinagmulan niya, napansin kong naiwang niyang naka bukas ang kwarto. Naglakad ako papunta sa pintuan, e sasardo ko na sana pero nabalutan ako ng pagtataka kaya imbes na e sarado, binuksan ko ito.
Bumilog ang aking mga mata sa kalakihan at kagandahan ng kwarto. Humakbang ako papasok para masilayan ng maayos ang loob nito.
Ang flat screen ay mas malaki pa sa flat screen sa kanya-kanya naming kwarto ni Jairus at maging sa sala, naka harap ito sa isang sofa na nasa paanan lamang ng kama, kaya kahit nasa kama ka tanaw na tanaw mo parin ang telebesyon. Para akong si Alice na kakarating lang sa Wonderland sa pagmamatyag ko, hindi naman sobrang ganda pero gustong-gusto ko ang istilo ng lugar.
Mukhang ang ganda pa higaan ng kama, siguradong ayaw mo nang bumangon pag gigising ka sa isang lugar na ganito. Sakto para sa dalawang tao!
Sa dalawang tao..
Para sa dalawang tao.
Unti-unting nawala ang kasabikan ko para usisain pa ng husto ang bawat sulok ng kwarto nang maging klaro sa akin kung para kanino talaga ang kwarto nato.
“Hoy barumbada! Anong ginagawa mo dyan?!”
“Ay tipaklong!” Hawak-hawak pa rin ang aking dibdib ni lingon ko si Jairus na dumungaw mula sa pintuan. “Bat’ ka naman nang gugulat?!”
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfiction"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino