Sharlene’s POV
Naka sandal pa rin ang ulo ko sa balikat ng isang impakto. Hindi ako makatulog, e sa hindi talaga ako inaantok! Gustong-gusto kong e angat ang ulo ko para silipin si Joaqy dahil baka nakatingin pa rin siya sa amin. Nang e aangat ko na sana ang aking ulo, siya namang pagbagsak ng ulo ni Jairus sa ulo kong naka sandal sa kanya.
Kita mo to, siya tong may ganang ipa tulog ako sa balikat niya siya pa ngayon ang naka tulog!
Dahan-dahan kong inalis ang ulo ko sa balikat niya pero muntikan naman mahulog tong isang to sa upuan, buti nalang at nahila ko siya pabalik. I had no choice kaya pinasandal ko nalang siya sa balikat ko.
May thirty minutes pa bago makarating kami sa retreat house. Sinilip ko siya, tulog mantika ang halimaw. Kung titignan mo siyang natutulog, para siyang hindi makabasag pinggan, pero pag gising nato, di lang pinggan ang pwede niya mabasag, pati mukha at buhay ng tao. Napa tingin ako sa gawi ni Joaquin, di ko inaasahang nakatingin din siya sa akin. A bitter smile came out from his lips, I didn’t smiled back, dahil di ko kayang mag panggap na okay ang lahat. Ang ulo dapat ni Joaqy ang naka sandal sa balikat ko at hindi kay Jairus. Muli akong tumingin sa bintana kahit na alam kong nakatingin pa rin sa akin si Joaqy.
Halos dalawang oras ang byahe, at dalawang oras din mahigit ang pagkakatulog ni Jairus sa balikat ko. Niyugyug ko si Jairus nang nag announce na ang spiritual director namin na pwede na kaming bumaba, pero hindi siya matinag sa kakatulog niya.
Di kaya nangangalay leeg nito?
“Jairus, uy.” Tawag ko ng mahina sa kanya habang ni yuyugyug ko siya, napadilat naman siya habang parang batang kinukusotkusot ang kanyang mata.
“Naka tulog pala ako.” He said half-awake.
“Oo, at ang bigat ng ulo mo!” Reklamo ko habang kinukuha ang bag ko sa hook na nasa harapan ko.
“Ha, ikaw kaya ang himbing na naka tulog sa balikat ko!”
Ang kapal din ng mukha ng taong ito! Siya kaya ang naka tulog sa balikat ko!
“Hoy, ikaw kaya ang nakatulog sa balikat ko! Na nanakit pa nga tong balikat ko dahil sa bigat ng ulo mo.”
“Talaga?” Tila di sa paniwalang sabi niya.
“Ewan ko sayo!” Tumayo na ako saka mabilis na umalis sa pwesto ko. When I finally went down from the bus, that’s when I realized na wala akong kilala sa mga taong sumali sa retreat nato, well, except for Joaquin, Andre and Mika na nabigla ako dahil nandito. Siguro na huli din sila ng pagpapareserve dahil nga napagusapan namin na sabay kaming mag reretreat pero maraming nangyari kaya hindi namin naasikaso ang uspan na yun.
“Hi Shar.” Nabigla ako nang pansinin ako ni Joaquin. Nakangiti siya sa akin. One thing na gusto ko kay Joaquin ay ang pagiging understanding at mapagpatawad niya sa kapwa.
“Hi Joaqy.” Ngumiti din ako pabalik sa kanya, nang biglang may tumanggal sa bagpack ko mula sa akin likoran.
“Ako na mag dadala nito.” Tugon ni Jairus habang nakatingin ng masama kay Joaquin.
“Joaquin! Halika dito!” Napatingin kami kay Mika na pinandidilatan si Joaquin at galit na tinignan si Jairus.
Hindi man lang niya ako tinignan.
“See you later Shar.” Muli ay ngumiti si Joaquin sa akin bago pinuntahan sila Mika. Hinarap ko naman si Jairus na ngayon ay naka sukbit na ang aking bagback sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfic"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino