Chapter 52: You know you love her...

2.4K 87 63
                                    

Jairus' POV

Magmula nung nakalabas ako ng hospital, marami akong naisip at lahat ay tungkol sa mga nagawa ko kay Sharlene.

Hawak ang cake na binili ko lamang sa Red Ribbon, pinagmasdan ko muna siya habang nag hihintay na mag alas dose. Mamaya marami pa kaming gagawin para sa kaarawan niya. Ang himbing ng tulog ng asawa ko, minsan gusto kong halikan ang pisnge niya, minsan? Hindi. Parati pala. Narinig kong nag beep ang alarm ko kaya tumayo ako at nagsimulang kumanta.

"Happy birthday to you, happy birthday to you!"

Unti-unting binuksan niya ang kanyang mga mata nang marinig niya ako.

"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

"Jai! Nag abala ka pa!"

Halos umapaw ang kasiyahan ko nang makita siyang gulat at masayang nakatingin sa akin.

"Di ba ginawa mo rin 'to sa birthday ko?"

"Pero hindi ko inasahan na gagawin mo rin 'to! Salamat!" Tumayo siya at niyakap ako.

"Oh, mahuhulog ang cake!"

"Jairus, maraming-maraming salamat."

"Ihipan mo muna ang mga kandila mo."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, humiling siya bago inihipan ang kanyang mga kandila.

"Wala ba akong kiss dyan?" Pabiro kong tugon, nahihiya siyang napayuko kaya ngumiti lamang ako. "Joke lang! sige, e lalagay ko muna 'to sa ref ha?"

Mabilis akong bumaba para e lagay ang cake sa ref.

Masaya akong masaya si Sharlene kaya hindi ko lubos maisip na gumawa ako ng bagay na nagpasakit sa kanya nung mga nakaraang linggo.

Alam kong pumapangalawa lang ako sa aming dalawa ni Joaquin sa puso ni Sharlene. Ito ang katotohanang pilit kong kinakalimutan pero kailangan ko nang harapin. Hindi maaaring mabuhay kami sa isang kasinungalingan dahil hindi umiikot ang mundo namin para dito.

Bumalik ako sa kwarto namin at nakita siyang naka upo sa kama habang hinihintay ako.

Humiga ako sa isang banda ng higaan at siya naman ay nakahiga sa kabila. Hindi man ganun ka layo, pero may distandsya parin.

"Shar?"

"Mm?"

"Pwede mo ba akong yakapin?"

"Ngayon?" Nagdadalawang isip niyang tugon.

"Oo."

Madalas ako ang gumagawa nito tuwing tulog siya, pero iba pala pag siya na ang gumawa. Tumagilid siya ng higa, dahan-dahan niya akong niyakap. Kagad ko siyang hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo at marahang hinimas ang kanyang buhok.

"I'm sorry."

"Para saan?"

"Noon? Lahat ng pananakit at paninigaw ko sa 'yo."

"Wala na yun, sanay din naman ako." Nahimasmasan ako sa pagaalalang matagal na siyang nag titiis sa Tatay niya'ng pinagmamalupitan sila. Once again, she felt that and what's worst? It happened on my very hands. Niyakap ko siya habang nakapikit sa sakit ng katotohanang ako ang nag dulot sa kanyang ng takot. "Jai, wala akong ibig sabihin dun, ang akin lang—"

"No, it's okay. I'm sorry, I'm sorry."

Nasaktan ko siya, tinakot at pinagmalupitan. Hindi na ako naiiba sa kanyang Papa na madalas kong sinasabihang 'Halimaw'.

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon