Sharlene's POV
Nabanggit ni Jairus kagabi na gusto niya daw kumain ng spaghetti kaya nagluto ako. Dinaan niya lamang sa pagpaparinig ang pagaasam niyang kumain ng spaghetti na pwede naman niyang e utos. Kung noon halos hindi kumain si Jairus pag hindi ang layaw niya ang masunod, ngayon kinakain niya lang kung ano ang nakahanda. Nagtataka nga ako kung tumigil na siya sa kakademand ng mga pagkaing gusto niyang ipahanda pero naisip kong dapat masanay na ako sa mga pagbabagong pinapakita ni Jairus mag mula nang umamin siya sa akin. Hindi ko maiwasang mamula sa pagalala ng mga nangyari! Hay! Bat' ba ako namumula? At bat' ko ba 'to iniisip? Sharlene pwede ba e tigil mo na yan!
"Manang, aalis na ho ako ha." Bit-bit ang supot na naglalaman ng pagkain, nilisan ko ang bahay para puntahan si Joaquin.
Naka tayo sa labas ng Laundry Shop si Joaquin nang dumating ako. Hinding-hindi nawawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi para ako'y salubungin. Ganito kami parati ngunit bakas sa mukha ni Joaquin ngayon na may dinaramdam siya dahil hindi tulad ng dati ang pagbati niya. Kung siya nababasa ako, ako naman kahit papaano nararamdaman ko ang hirap niya.
"Joaqy!" Nakangiti kong saad nang makalapit na ako sa kanya.
"Iba yata ang naaamoy ko sa lalagyan mo ngayon ah."
"Ang lakas talaga ng pangamoy mo! Spaghetti ang dala ko ngayon. Nagdala din ako ng chocolate muffins na gawa ko kanina."
"Salamat Shar ha? Hindi mo naman kailangang gawin ito."
"Ano ka ba? Hindi ko naman 'to gagawin kung hindi nakakatulong saka magkaibigan tayo, wala namang ibang mag tutulongan kundi tayo-tayo lang din naman."
Sa mapupungay niyang mga mata'ng pilit tinatago ang kanyang nararamdaman ang tanging daan ko para makiramdam sa kanya. Naglakad kami patungong playground kung saan doon siya kumakain at nakikipag kwentuhan. Namiss ko ang mga simpleng bagay na tulad nito kasama siya pero para bang hindi na tulad ng dati. Nasa isang bench kami ngayon sa play ground kakalatag lang namin sa Spaghetti'ng ginawa ko para makain na niya. Nagaalala ako para sa sitwasyon ni Joaquin dahil alam kong ngumingiti lang siya pero sa loob-loob niya may sakit na siyang nararamdaman at ang hirap niyang abotin kung sakali man.
"Joaqy?" Panimula ko habang naglalagay ng Spagehtti sa isang paper plate.
"Bakit?"
"May problema ka ba?"
"Nasabi ko naman sa'yo lahat Shar mukhang wala na akong matatago pa."
"Pero hindi yan ang nakikita ko sa 'yo ngayon, alam kong may iniisip ka. Ano yun? Baka makatulong ako." Inabot ko sa kanya ang paper plate na may spaghetti na marahan niyang tinggap. Hindi siya nag salita, ni hindi niya ginalaw ang pagkain'g hawak niya, pinagmasdan niya lamang. "Joaquin—"
"Linggo na bukas no?"
"Oo, bakit?"
"Hindi nanaman kita makikita." Malungkot niyang pahayag. Ito ba ang rason kung bakit siya malungkot?
"Ano ka ba Joaquin?! Sa susunod na araw magkikita pa naman tayo." Masigla kong saad.
"Pano kung sabihin ko sa iyo'ng kailangan kita?"
"Nandito lang naman ako para sa 'yo Joaqy eh."
Mahinang natawa siya. "Alam ko naman yun eh, kaya salamat." Sumubo siya ng spaghetti mula sa paper plate at ngayon ay nakangiting kumakain.
"Baka mabulunan ka."
"Ang sarap kasi eh."
Nag kwentuhan kami ni Joaquin tungkol sa araw niya at pati narin sa nakwento ko sa kanyang plano kong paghahanap ng trabaho. Nag bahagi din siya ng kanyang opinion ukol sa plano ko at suma-sangayon siya na dapat lang ay mayroon din akong sarili kong trabaho para magamit ko ang natutunan ko sa aking kurso. Nag usap din kami tungkol kay Mika sa pag alis niya sa bahay nila. Nalungkot ako sa balita dahil hindi na daw niya alam kung nasaan ito ang alam niya lang ay nagsikap si Mika makatapos kaya hindi siya nadamay sa pagkalugmok nila.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfiction"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino