Sharlene's POV
Nakakainis! Makakatakas na sana ako eh, umeksena pa yung Aquino'ng yun! Nasa labas na si Joaquin at Mika para e takas ako, kailangan kong makaalis bago pa man mag umpisa ang party na to. Lumakad ako papuntang lamesa kung saan nandoon sila Mama, Papa at si Mr. Aquino. Umupo ako sa katabing upuan ni Mama, kailangan kong kumalma para hindi nila mahalata na tatakas ako.
Oo, tatakas ako para mapigilan ang pagpapakilala sa akin sa media bilang fiancé ng gagong lalakeng yun. Kung tatakas ako, hindi na masyadong mapapahiya sila Papa kung sakaling hindi matuloy ang kasalan.
Napatingin ako sa katabi kong bakanteng upuan nang inupuan ito ng isang impakto.
"Bat' ba nandito ka? Umalis ka nga!" Mahina ngunit galit kong sabi sa kanya para hindi mapansin nila Papa.
"As if I'd want to seat beside you!" Dahil hindi ako tumitingin sa kanya, hindi ko alam kung ano ang kanyang reaksyon pero klarong-klaro na naiinis siya.
"Eh bat' ka uupo dito kung ayaw mo naman?!" Patuloy parin akong nakatingin sa harapan at mahinang tinataboy si Aquino.
"Utos ng magaling kong ama." Rinig kong sagot niya. Maging siya din pala napipilitan lang na sumunod sa kagustohan ng aming mga magulang.
"Umalis ka diyan! Diyan uupo kapatid ko." Pag aalibi ko para umalis siya sa tabi ko. Naramdaman ko naman na sumilip siya ng tingin sa kabilang banda ng upuan upang siguro tignan kung bakante ito pero naka upo si Mama dito at may pinaguusapan sila ni Papa.
"Paupuin mo kung saan ang kapatid mo." Sabi niya sabay sandal sa upuan.
"Aba! Ang kapal din ng mukha mo ah! Umalis ka kundi sisipain kita." Matigas kong sabi sa kanya, nananatili pa ring mahina ang aking boses habang nag iiringan kami.
"Shar, di makakapunta si ate Miles mo, nasa paris daw kaya tumigil ka na sa kakataboy kay Jairus." Sabi naman ni Mama na full composture, hindi ko namalayan na nakikinig na rin pala si Mama sa pagiiringan namin ni Aquino.
"Talaga?" Para akong nasiyahan sa aking narinig, hindi dahil sa hindi makakapunta si ate kundi natupad na rin ang pangarap niyang makapunta sa Paris. Mahigpit na pinagbabawalan ni Papa si ate na pumunta ng Paris dahil baka ipagpatuloy niya ang kanyang pangarap na maging model doon. Kahit nga kasal na sila ni kuya Marco mahigpit pa rin si Papa sa kanya. Paano kaya nangyari yun? Saka, wala siyang sinabi sa akin. Ang ngiti ko ay unti-unting nawawala nang bumalik ako sa kasalukuyan kong pinapaglalaban. Mabuti pa si ate, natupad na ang pangarap, eh ako? Magkakasama kaya kami ni Joaquin sa huli?
"Pre!" Napatingin ako nang marinig ito mula sa taong hindi ko kilala. Mga kaibigan pala ni Jairus, nag uusap pa sila nang mahagip ko ang isang pamilyar na tao sa likod ng dalawang lalakeng kausap ni Jairus.
"KOBI!" Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Na miss ko tong kababata kong to! Nag kolehio lang kami, hindi na kami nag kakasama. Nasa ibang university naka enroll si Kobi kaya madalang na din kami nag kikita. Pagkakalas ko ng aking yakap kay Kobi, tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"Wow Shar ha! Pumayat ka!" Nakangiting pagpuri pa niya sa akin.
"Mabuti pa ako, pumayat, eh ikaw? Walang pinagbago!" Pinisil ko ang kanyang tagiliran kung saan nakatago ang kanyang mga bilbil. Ito ang madalas kong paglalambing sa kanya.
"Not the fats Shar! Not the fats!" Kalmado ngunit may pagka arrogante niyang sita sa akin.
"Ehem-ehem" Agad na nakaw ang attnesyon namin ni Kobi nang marinig ito mula sa isang matangkad at maputing lalakeng kasama nila.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fiksi Penggemar"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino